CHAPTER 32 √

44.3K 1K 24
                                    

JOSHUA

Umihip ang malamig na hangin na bumalot sa aming dalawa kasabay ng tunog ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Tahimik na ang paligid dahil na rin sa gabi, may iilan mang tao pero pawang naglalakad-lakad lamang ito sa buhanginan.

"Am I stupid?" Humihikbing tanong niya habang yakap-yakap ang mga binti at nakasubsob doon ang mukha. "Or am I that...weak.."

Di ako umimik bagkus ay tinanggal ang suot na jacket at ipinatong ito sa kanyang balikat. Napatitig ako sa kanya pagkuwa'y mapait na napangiti.

Mula kanina walang tigil ang pag-iyak niya. Di ko alam ang nangyari pero alam kung may di magandang nangyari bago kami nagkabanggaan. Nakapagtataka na sa sandaling iyon ay siya mismo ang humingi ng tulong para ilayo ng panandalian at dalhin sa lugar na di siya mahahanap.

Wala akong maisip kaya dinala ko nalang siya dito sa tabing dagat kung saan madalas akong magpunta kapag nagsi-senti ako. At simula pagdating namin ng 6:00 ay wala na siyang tigil sa kakaiyak hanggang ngayon na halos 10 na.

"Di ko alam ang nangyari pero siguro kailangan mo nang umuwi. Gabi na, I'm sure hinahanap ka na sa niyo." Suhestyon ko at bumaba sa hood ng kotse. "Tara na."

"Ayuko...di muna ako uuwi..alam kong andun siya.." mahinang sagot niya habang nakatungo padin. "Ayuko muna.."

"Pero gabi na." Pilit ko pero nailing lang siya habang nakatingin at lalong napahigpit ang yakap sa binti.

Napabuntong-hininga ako at nag-isip ng paraan. Sa lahat niya mukhang di ko siya mapipilit na umuwi sa bahay niya. Pero dahil sa gabi na din kailangan niya din ng natutuluyan.

"Ahm..ihatid na lang kita kina Lyla." Sabi ko dahil yun nalang ang alam kong lugar na pwede niyang matuluyan sa ngayon.

Matagal bago siya sumagot tapos nagpakawala ng isang matalim at mahabang buntong-hininga.

"Yeah..I guess that's..that's a good idea.." malungkot na pahayag niya at maingat na bumaba na inalalayan ko naman hanggang makapasok ng kotse. Hindi na sya umimik pa ng mga oras na iyon kaya di na din ako nakialam pa.

LYLA

"Opo tita, tatawagan po kita kapag nahanap ko siya." Turan ko habang patuloy naman na dina-dial sa isa kong phone ang numero niya.

("Oh thank you, Lyla. Nag aalala na talaga kami")

"Sige po--" Naputol naman ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtunog ng doorbell ng bahay.

Mag-isa ako ngayon rito sa bahay dahil nasa business trip sina Mama at nasa bakasyon naman ang dalawang maid namin. Di pa din nakakauwi yung kapatid ko.

"Wait po tita."

Bumaba ako ng kwarto at tinungo ang pinto habang dala-dala ang cellphone. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko ng sumalubong sa akin ay si Joshua kasama si Bessie.

"Ah, magandang gabi, Lyla." Awkward na bati ni Joshua.

"My ghad, Hazeth! San ka ba nanggaling? Kanina pa nag aalala sina Tita sayo!" Saad ko at pinapasok siya pero si Joshua ay nagpaalam naman agad.

"Dito muna ako." Sagot niya at nagtuloy paakyat ng hagdan hanggang sa kwarto ko.

Sumunod lang ako na takang-taka sa katamlayan niya at sa namumugto niyang mga mata. Pagkapasok ko ng kwarto ko ay naabutan ko siyang nakasampa sa kama ko.

"Oookkk...are you going to tell me what's going cause I badly want to know. I want to know kung anong nangyari at galit na galit si Sean kanina na halos manira na ng gamit." Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang unan saka ito yinakap. "Nag away pa sila ni Charles dahil sa pinilit ako ni Sean na sabihin kung asan ka, eh sa wala naman akong alam." Pagbabalita ko.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon