CHAPTER 35 √

46.6K 1K 29
                                    

ANDREW

Tumunog ang buzzer kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Habol ang hininga at tagaktak ang pawis. Balot ng hiyawan at sigawan ang boung court. Napatingin ako sa binti ko at bahagyang napangiti.

We won..

Buti at kinaya ng binti ko ang ganun kabigat na laban. Mukhang magtutuloy tuloy na to. Sana nga.

Maingat akong gumalaw para tumayo at lapitan sana si Stephen. Bilang kalaban sa ganito hindi naman pwedeng walang sabihin sa kanya. Isa pa kailangan ko din siyang kausapin. Tumayo na ako pero..

"Andrew!" Sigaw ni Yvonne ng muli akong bumagsak sa sahig.

Iginalaw ko ang binti ko para muling itayo pero parang ayaw nitong sumunod. Nangmamanhid ang binti ko. Ang sakit. Napahinga akong muli ng sobrang lalim at napangiti ng mapait.

Oh well..guess this is it--

"Hoy." Nag angat ako ng paningin dahil sa boses na iyon. Sumalubong sa akin ang kamay niyang iniaabot sa akin pero seryoso naman ang mukha nya. "Get up."

"Huh? Bakit?" Tanong ko at kunot noong tiningnan siya.

"Anong bakit? Siraulo ka ba? Ano, diyan ka matutulog? Aba'y lakas ng trip ah " Sarkastiko niyang sagot kaya napasimangot ako.

"Mas siraulo ka! Try mo kaya matulog sa maduming sahig na to!?" Bulyaw ko din na lalong ikinakunot ng kanyang noo.

"Gago!" Inis na saad niya at hinawakan ang braso ko saka hinila patayo. "Itapon kita eh."

Tinitigan ko lang siya habang inaalalayan niya ako patungo sa aming bench. Napangiti ako at pinitik ang kanyang noo dahilan para kurutin ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga! Para kang bata eh" reklamo niya pero di ko siya tinigilan. Lalo kong pinitik ang tenga niya na bahagya ng namumula. "Ano ba, Drew!"

"Hahaha naalala mo pa pala yun?"

"Tsk."

Tuluyan na kaming nakalapit sa bench at nakita ang mangiyak ngiyak na si Yvonne. Kumaway ako ng bahagya sa kanya at saka siya dumamba ng yakap sa aming dalawa ni Stephen.

"Mga siraulo.." mahinang pahayag niya kaya tinap ko ang balikat niya.

Tiningnan ko si Stephen at sinenyasan na gawin din ang ginagawa ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya pinitik ko ang tenga niya at sinamaan siya ng tingin.

"Tsk." Yun lang pero ginawa naman niya.

"Ang arte eh." biro ko ng pabulong.

"Shut up." Bulong din niya kaya bahagya akong napatawa. Tiningnan ko si Sean na nakaupo lang at walang pakialam sa nangyayari.

"Psst. Hoy bata. Lumapit ka nga dito." Tawag ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Tumayo siya kahit na hirap dahil sa paa niya at kinuha ang kanyang bag. "Hoy, wag mo akong talikuran!"

Lumayo na si Yvonne at hinarap din si Sean. Siniplatan niya kami gamit ang malamig niyang exspression.

"Suit your self." Yun lang tsaka siya tumalikod. Kaya naman bahagya lang akong ngumiti.

"Hindi mo ba susundan si Hazeth?" Pahayag ko dahilan para mapatigil siya. Marahan siyang humarap sa akin kaya tinuro ko ang kaliwang parte ng court sa itaas kung saan ko nakita si Hazeth kanina ng dumating ako rito. "Paalis na sila."

HAZETH

Tumayo na kami ni Lyla para umalis dahil tapos na din ang laro. At mukhang naging maayos naman ito hanggang sa huli. Bago tuluyang lumabas ay tiningnan kong muli ang kinaroroonan niya at nahuli ko ang mga mata niyang malamig na sumalubong sa akin. Bahagya lang akong ngumiti at nagtuloy na palabas.

DON'T TOUCH HER (Complete)Where stories live. Discover now