Chapter 5

23 4 0
                                    


Gab's POV

I slept for 7 hours and I found myself not yet taking a bath arghhhhhh!!!!

Minulat ko ang mga mata ko at mabuti nalang ay naalala kong kagagamot lang ng tama ko sa balikat kaya kung uminat ako ay dahan-dahan pero masakit padin! Kasalukuyan ding nakapatong ang ulo ko sa braso ni Nigel.

Damn!

Napabangon agad ako at nang dahil sa pwersa ng pagbangon ko dala ng aking pagkagulat, napasigaw na naman ako.

"AHHHHHHHH SHIT!!!!!" Tila nagulat si Nigel at napabalikwas ng bangon. Ang sakit tangina!!!

"Ano kaba ha?! Sinabi ko na sayo na huwag ka masyadong maggagagalaw! Yan tuloy!" Sermon pa niya sa akin at inirapan ko siya.

"Hindi sana ako mapapabangon agad kung hindi mo ako tinabihan! Alam mo namang hindi ako sanay na tumatabi sa lalaki!" Singhal ko sa kanya sa sobrang inis. Wala na akong nagawa kaya napahiga ulit ako.

"Ano ba kasi pinag-iiisip mo? Tsaka nag-aalala ako sa'yo kaya syempre hindi ko naman maisip na iwanan kalang dito.Nagugutom kaba? Magpapahanda ako kay Mommy?" Tumango lang ako at inirapan siya.

"Aga-aga ang sungit." Nagtatampong kunwari at hinalikan ako sa pisngi.

"Ano ba?!" Naiirita kong angil pero kinindatan lang niya ako. WTF ewwww!

Tumayo siya sa kama para lumabas pero parang may nakalimutan siyang sabihin.

"Siya nga pala. Hindi ko maipaliwanag yung pagkabwisit ng Daddy mo, Gab. Gustong-gusto ka niyang makausap pagkagaling mo." Napatingin ako sa kanya.

"Tsk! Huwag na niya kasi ako pag-aralin! He really knows me well so bakit nagpapatuloy pa siya na baguhin kung ano ako ngayon?!" Inis kong singhal.

"Sige na wag kanang masungit! Magpahinga kana muna at magpapaluto na ako ng breakfast. I love you!" Tumakbo siya pabalik sa akin tapos hinalikan na naman niya ako sa pisngi.

"Ano ba ha?!" Dinilaan lang niya ako at tumakbo na palabas ng kwarto. Nakakairita talaga yung ginagawa niya! Pero kahit ganun yung pinsan ko, mahal na mahal ko iyon.

Hoy! Kung ano man iyang iniisip ninyo ibaon ninyo na sa limot! I'll repeat, PINSAN ko yun! Hindi ako nagbo-boyfriend no! I just forgot to inform y'all about Nigel and yeah, he's my cousin.

----------

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon at sa kalagitnaan ng pag-idlip ay nakarinig ako ng pagdamba ng paa.

"Nigel! Kabayo kaba ha?!" Sinaway ko siya.

"Ayy sorry! Here's our breakfast and let's eat." Inilapag na ng maid ang mga pagkain sa kama at pabagsak na umupo si Nigel sa harapan ko.

"TANGI---" Naputol ang pagmumura ko.

"Sorry! Sorry! Okay!!! Hahaha!" I just rolled my eyes.

-------------------------------

1 week later due to my recovery.....

"FOR THE 7TH TIME GABRIELA GOMEZ??!!!!" Halos mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng boses ng tatay ko.

"NASISIRAAN KANA BA NG BAIT HA?! MAGKAMATAYAN MAN TAYO DITO, TALAGANG MAKUKULONG KA SA GINAWA MONG ISKANDALO SA ANADOLU ACADEMY! PAMBIHIRA KA!!!" Sa kabila ng pagbulyaw niya sa akin ay napapangisi ako.

"Wanna know why I have done that conflict? Coz' they messed with me! Sukat ba namang sabunutan ako ng mga gago e nananahimik ako?!" Inis kong singhal kay Dad.

ADDA [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon