Chapter 45:Bunyagan

2K 42 0
                                    

Kyline's Pov:

*Knock!**Knock!*

Binuksan naman yun ni mama.Nakita kong mga pulis pala iyon.

"Ano pong maitutulong namin?"tanong ni mama.

"Statement lang po ni miss Kyline sa nangyari."sagot ng unang pulis.

Dalawa kasi sila kaya pinapasok sila ni mama at umupo naman sa gilid si mama at tahimik na nakikinig.

Nakatayo lang sila."Maaari mo bang ikwento ang mga nangyari?"tanong nito kaya tumango ako.

"Matagal na po akong nakakatanggap ng mga death threats at palaging J ang clue niya sa bawat papel na naiiwan don sa loob ng box.Minsan pa nga po nakatanggap ako ng patay na pusa...tapos itim na rosas na may kasamang note, minsan pa po nang binuksan ko yung kahon ay may laman na ipis tapos tinawagan niya po ako at pinagbantaan."bumuntong hininga ako matapos ko yung sabihin."Hanggang sa dumating na po yung araw na kinidnap niya po ako...nanlaban po kami ni Ayu nung mga panahon na yon kaya po nasaksak si Ayu sa tagiliran kaya napahinto ako at agad nila akong napapasok sa loob ng van."biglang tumulo yung luha ko ng maalala ko yun.

Wala akong nagawa non.Sana hindi nalang ako huminto sa pakikipaglaban na sana hindi nila ako nakuha non.

Pinunasan ko yung luha ko."Tapos dinala na po nila ako sa abandonadong building.Itinali at pinahirapan ni Ayra Go."sabi ko.

Tumango tango naman yung pulis."Salamat po miss Kyline.Mauuna na po kami."sabi ng pulis kaya naman naglakad na sila paalis.Pinagbuksan sila ni mama ng pinto.

Bumuntong hininga na naman ako.

"Anak parang ang bigat bigat naman ng dinadala mo dahil jan sa buntong hininga mo?"puna ni mama.

"Mama..."tawag ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan na na nasa tabi ko."Ano gusto mo bang makita ulit si Xavier?"

"Ma naman!"hiyaw ko dahilan para matawa siya.

"Alam mo anak akala ko di ka na makakapag boyfriend."sabi ni mama."Nako!Kung alam ko lang anak na si Xavier ang makakatuluyan mo, matagal na sana kitang pinakilala sa kaniya."dugtong nito.

"Mama naman."sabi ko.

"Nga pala may kasalanan ka sa akin."bigla akong tinitigan sa mata ni mama."Bakit hindi ka nagkekwento sa akin na may mga gantong bagay pala ang nangyayari ha?"

Ito na ba yung tinatawag nilang sermon?

"Ayaw ko kasing madamay kayo ma tsaka i'm strong.I know what i'm doing."sagot ko.

"Pano nalang kung wala sila Hannah?Ha?Kyline naman halos mabaliw kami ng papa mo dahil sa narinig naming balita na kinidnap ka daw.Ano bang gusto mong gawin ko ha?Kyline naman!"

"I know what i'm doing ma."sabi ko nalang.

"Aba't sumasagot ka?"

Hindi na ako umimik.

"Kyky pasalamat ka talaga at niligtas ka ni Xavier."sabi ni mama na niloloko na naman ako tungkol don.

Simula ng panay ang dalaw ni Xavier sakin dito at lagi niyanv kasama si David na pumupunta dito.Umamin si Xavier na nililigawan niya ako kaya ito na ang nangyari.

Nang malaman ni papa iyon agad na dumating dito at mukhang nag-cancel ng meeting kask formal siya masyado.Nag-usap sila ni Xavier sa labas non kaya wala akong kaalam-alam sa pinag usapan nila.

"Ma?I want to see him."sabi ko.

Ewan ko pero gusto kong palagi ko siyang nakikita.Madalas ko siya mamiss kahit isang oras ko palang siyang hindi nakikita feeling ko araw na ang lumipas.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now