Chapter 39:Unexpected

1.4K 32 0
                                    

Kyline's Pov:

Tutal maaga pa naman kaming pumasok at may dalawang oras pa kami para tumambay kaya nandito kami ngayon sa Plance.Inaasahan ko na na mayroong tao don at si Laimer nga yung taong yun.

Nagkaniya kaniya kaming upo."Anong ibigsabihin nung sulat na yun?"dinig kong tanong ni Hannah.

"What happen?"tanong ni Laimer.

"May nagbigay ng box tapos may sulat don na 'Get ready.'"sagot ni Grayson.

Napatango tango naman si Laimer.

"Huwag na muna natin silang isipin yon."kalmado kong sabi tsaka bumuntong hininga.

Mas lalo lang kaming kakabahan kung palagi naming iniisip yon.Mas ok na yung kalmado lang.Hindi naman niya siguro kayang pumatay.Pananakit lang siguro ang kaya niya.

"Alam mo ba yang sinasabi mo Kyline?"dinug kong sabi ni Hannah kaya napalingon ako sa kaniya."Huwag isipin?Pano nalang kung biglang may umatake sayo?"nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako."Kaya ko pa naman ang sarili ko.May alam pa naman akong self defen--"

"Kahit na!"nagulat ako kasi napasigaw si Hannah.

"Hannah...kumalma ka."dinig kong sabi ni Grayson.

"Calm down?How can I?Kyline..."tumulo yung luha niya."Hindi mo ba napapansin? Hindi ka ba natatakot?"tanong niya sakin.

"H-Hannah--"

"Kyline please naman oh!Natatakot na talaga ako sa mga nangyayari.Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sayo."sabi niya sabay punas ng luha nakita ko ring naiyak si Aj.

"Eh anong gusto mong gawin ko?Magsumbong sa pulis?Sabihin sa magulang ko?"tanong ko.

"Oo!Yan ang dapat kasi hindi natin siya kaya!"sabi ni Hannah.

"Girls!What happen?"nakita kong papasok si Reve.

"Pag ba ginawa ko yun sa tingin mo makikita natin siya agad?Baka nga mas lalo pa siyang magalit kasi ipinaalam natin sa pulis!"sabi ko sa kaniya.

"Hindi makakatulong yang pag aaway niyo."dinig kong sabi ni Laimer na ngayong nakatayo na.

"T-Tama si Laimer..."dinig kong sabi ni Aj.

"Aalis muna ako."sabi ko sabay dampot sa bag ko tsaka ako umalis.

Hindi ako sa galit.Gusto ko lang humupa muna yung init ng ulo namin dahil kay Jira.

Naiintidihan ko naman si Hannah eh.Nag aalala lang siya sakin.She is just worried about me.

Umupo ako sa ilalim ng puno.Sumandal ako doon.

*Ring!**Ring!**Ring!*

Sinagot ko yung tawag nang hindi tinitignan kung sino yung caller.

[Aww.Its very sad that you and Hannah did fight because of me.]

Nanlaki ang mata ko."Jira..."yun lang yung lumabas sa bibig ko.

[Wow!You remembered me.I thought you still have no clue about who am I--oh!Yeah you have no clue about who i'am.]

Humalakhak siya."What do you want from me?"inis kong sabi.

[I want your life because of you he died so I want you dead.]

Pagkasabi niya non pinatay niya yung tawag.Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ring lang ng ring tapos yung pangatlong tawag wala na.

Sino ba yung tinutukoy niya na nang dahil sa akin he died?

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Kde žijí příběhy. Začni objevovat