Chapter 13: Friday

1.6K 39 0
                                    

Kyline's Pov:

Friday na ngayong araw at may PE kami bago mag recess kaya nang makaalis ang professor namin ay dumiretso ako sa locker at kinuha ang PE ko tapos nagpalit sa restroom.

*Beep!*

Nang maisuot ko yung shirt ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng jogging pants ko.

1 message from Hannah.

From: Hannah
Hindi ako makakasabay sa inyo.
Emergency kasi nagkasakit yung model kaya ako ang papalit.

Nagiging busy na si Hannah sa school plus sa pagiging model niya hindi ko talaga alam kung paano niya nakakaya ang pagiging working student.

To:Hannah
Sige mag ingat ka.

Message sent...

Nilagay ko yung school uniform ko sa paper bag kung saan nakalagay yung PE uniform ko.  Kahapon lang binigay sa amin ang tatlong school uniforms at dalawang PE uniforms.

Lumabas ako sa restroom at nagtungo sa locker ko para mailagay yung paper bag. Nagtungo na ako sa field.

Grabe talaga ang lawak ng Filip International School. Nandito kasi halos lahat ng kurso. Kaya saan ka pa diba?

"PST!" inakbayan niya ako.

"Oh, Earl bakit?" takang tanong ko dito.

Sa totoo lang nagulat ako nang malaman ko na kaklase ko pala siya. Hindi ko 'yon inaasahan.

"Wala lang." sabi niya tapos feel na feel niya talaga ang pagkakaakbay niya sa akin habang papunta kami doon sa may gilid kung nasaan ang iba pa naming classmate.

Naiilang din naman ako sa pagkakaakbay ni Earl sa akin pero wala akong magawa kaya naman hinayaan ko na lang.

"Kyline."

Napahinto ako kasi nasa tapat ko si David. Hindi niya kasi ako pinapansin kaya nakakagulat na bigla niya akong tawagin.

Napatikom ako ng bibig tapos ramdam ko rin na tinanggal ni Earl yung pagkakaakbay niya sa akin. "B-Bakit?" hindi ko mapigilang kabahan kasi yung mga tingin niya sakin.

"I want to talk to you.... privately." sabi niya tapos doon sa last word na sinabi niya tumingin siya kay Earl yung tingin na leave-us-alone-look.

Hindi ako nakakibo at nakatingin lang sa kanya habang inaantay naman ni David ang sagot ni Earl. "Paano kung ayoko?" tanong ni Earl.

"Hindi naman ikaw ang mag dedesisyon." kalmadong sabi ni David tapos nilagay niya sa bulsa niya yung kamay niya at tumingin sa mga mata ko.

Kaya naman napaiwas ako ng tingin at sumagot sa kaniya. "S-Sige."

Ngumisi si David kay Earl at naglakad na papalayo kaya naman sinundan ko siya.

Ano ba kasi 'yung nangyayari sakin? Lagi akong nauutal.

Napailing nalang ako hanggang sa nakarating kami sa may puno na may upuan sa gilid. Habang papalapit kami doon may natatanaw akong lalaki na nakaupo doon at nakasandal sa puno.

Pinaningkitan ko ang mata ko. Kung hindi ako nagkakamali ay si... Xavier iyon pero anong ginagawa niya dito? Akala ko ba kami lang dalawa ni David ang mag uusap.

Talk privately daw pero may kasama naman pala kaming iba at si Xavier 'yon kung alam ko lang edi sana sinama ko si Earl.

Pero bakit ko naman isasama yung kakikilala ko pa lang? Nababaliw ka na talaga Kyline.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now