Chapter 14: Message

1.6K 32 0
                                    

Kyline's Pov:

Nandito lang ako sa study table ko at ginagawa ang mga assignments na ibinigay. One week pa lang ang nagdaan ang daming iniwan sa amin. Panay buklat ko ng libro dahil hinahanap ko ang ilan sa mga pinapa explain sa amin.

Alam kong matatagalan ako kasi libro ang gamit ko pero hindi naman kasi lahat ng nasa google ay tama sa libro nalang ako kaysa naman mapahiya ako dahil mali yung nakita ko.

"Ehem."

Napalingon ako sa pumasok si Aj pala 'di ko manlang narinig na bumukas yung pintuan. "Tara sa bookstore?" tanong niya.

Doon ko lang napansin na nakaayos na siya from head to toe. "Grabe ngayon mo talaga sinabi kung kailan nakabihis ka na? Tapos ako hindi?" sabi ko tapos tumayo at pumunta sa closet ko para maghanap ng susuotin.


Di pa ako naliligo kaya bahala si Aj maghintay. Ngayon niya lang kasi ako sinabihan. Pasalamat siya at hindi ako si Hannah  kasi mas matagal yun kumilos.

After 1 hour.....

Buti nga 1 hour lang ang nakalipas. Kinuha ko yung suklay at sinuklay yung mahaba kong buhok.

"Grabe mahigit isang oras akong naghintay sayo."reklamo ni Aj.

Hinarap ko siya habang nagsusuklay. "Eh kung sinabihan mo ako ng mas maaga edi sana hindi ka naghihintay." sabi ko sa kanya.

"Fine! It's my fault na kaya lets go na." sabi niya tapos tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama ko.

Pero bago pa makalabas si Aj. "Teka wala kang dadalhin? Mag stay muna tayo doon sa bookstore parang library din yun eh." sabi ko.

"Meron kaya nasa baba lang." sagot ni Aj. Halatang ready na siyang umalis kaso kanina niya lang ako naisip ang galing talaga!

Si Hannah wala dito kasi maaga yung photoshoot pati yung comercial na gagawin niya kasama yung Grayson. Sa totoo lang hindi na namin nakakausap si Hannah ng matino kasi naiinis siya tapos sa amin pa niya naibubunton yung galit niya. Galing diba?

Nagdala ako ng bag kung saan kakasya yung laptop at scratchbook pati na rin ang iba ko pang kakailanganin. Nauna na kasing bumaba si Aj hindi manlang ako hinintay.


@Bookstore


Nakahanap na agad ako ng magandang pwesto para magbasa at mag take down notes ng mga kailangan hanapan ng definition and functions. Habang nagbubuklat ako ng libro nagsearch din ako kung anong magandang design for arts. Kailangan kasi makagawa kami ng original na kami talaga ang may ideya.

"Kyline." tawag sa akin ni Aj.

"Hmmm?" tugon ko sa kanya habang tutok pa rin sa pagbabasa.

"I need your help..." pahina ng pahina yung boses niya.


Ngayon ay napatingina ko sa kanya at takang tinignan siya. "For?" tanong ko dito.

"This." sambit nito at pinatingin sa akin ang gawa niya.


"Ano yan?" tanong ko. 'Di ko maintindihan yung drawing niya.

Bigla naman siyang nag-pout tapos padabog na binagsak yung sketch pad niya. "Ayoko na bakit naman kasi ginaya ko pa kayo." sabi ni Aj.

Natawa naman ako. "Hahaha ano ba kasi yan?" sabi ko tapos kinuha yung sketch niya.

Parang walis kasi eh.

"Dress kasi yan."

(O.o)

Di nga? Oh! ang bad ko.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon