Chapter 7: First Day of School

1.9K 52 2
                                    

Kyline's Pov:

"So tell me! Ano nga gusto mo siya?"

"Oo nga wag ka ng mahiya sa amin Kyky! Best friends mo kami!"

Hindi ko alam pero nandoon sila sa labas ng kwarto at nagtatanong ng kung ano-ano. Mula ng makarating si Hannah dito at tinulungan ko siyang mag-ayos ng gamit niya puro tanong na din siya tapos si Aj naman tukso ng tukso.

At oo! First day of school na ngayon at nakaready na ako pero di ako makalabas kasi yung dalawa nandoon at nakaabang ang napakaaming katanungan.

"Sinasabi ko sayo Kyline wag kang mapo-fall sa ganoong lalaki! Mga manloloko yan." ayan nanenermon na si Hannah. Di naman man hater pero ewan ko ba dito.

"Ano ba! Ok lang yun mukhang mabait naman yun e!" rinig kong sabi ni Aj.

David... ano ba naman kasi ba't pa ako nagkagusto sa isang tulad mo?

Inayos ko ang salamin ko at kinuha ang bag ko at binitbit na. "Can you please calm down?" sabi ko.

"Hinde!/No!" sabay na sabi nila.

Napailing ako. Tinignan ko yung phone ko at nakita kong we have one hour before start ng class. Wala na akong nagawa at binuksan ko ang pinto. Bumungad sakin ang dalawang babae na nakatingin ng masama at naka cross arms pa.

"Wag kang lumingon lingon jan Kyline." maldita at masungit na mood na naman si Hannah.

"Tara na?" pagyaya ko sa kanila. "May isang oras pa tayo papuntang school." sabi ko pa.

Walang nagawa yung dalawa kaya bumaba na kami. Isang sasakyan ang gagamitin namin. Walang iba kung hindi yung akin kaya ako rin ang magmamaneho papunta doon.

At yes, walang yaya kinabukasan. Siguro may trust naman parents namin sa amin kaya di na sila nagpadala pa and besides we need to be independent. Ito talaga yung main purpose.

"Hindi talaga kita tatantanan Kyline Hernandez umayos-ayos ka." dinig kong sabi ng katabi ko... none other than Hannah Yu.

Umirap nalang ako binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para makarating agad sa school.

"Wag ka mag alala girl naka support ako di katulad ng isa jan." dinig kong sabi ni Aj na nasa likod.

"At talagang support ka pa?" kahit di ako nakatingin ay napansin kong lumingon si Hannah kay Aj.

"Yes! Of course best friend e! Kailangan support. Ikaw nga nagkajowa ka na't lahat man hater ka pa din."

"Its not a freaking relationship! That thing called relationshit!"

At oo mula nung isang araw pa yang dalawa. Ilang beses ko na sila inawat at kapag inaawat ako ang nagiging topic about sa crush ko pero ang hindi ko alam kung si David ba ang tinutukoy nila.

"Kahit na basta nagka-boyfriend ka pa rin! Pareho lang tayo pero si Kyline hindi pa!"

"Oo alam ko. Hindi ko lang talaga ma gets kung bakit support ka pa din kahit alam mong masasaktan siya."

"Part 'yun kapag nakipagrelasyon ka! Alam mo yan Hannah."

Bigla akong pumreno.

"Ah!/Ouch!" sabay nilang daing.

"Anong problema mo?" inis na tanong ni Hannah sa akin.

"Oo nga!" si Aj naman. Lumingon ako sa kanila.

"Stop talking nonsense." simpleng sagot ko.

"Hindi naman nonsense 'yun!" sabi ni Aj.

"Tama siya nonsense 'tong pinaggagagawa natin." sabi ni Hannah.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now