Chapter 16: Harana

1.6K 32 0
                                    

Kyline's Pov:

Break time ngayon at hindi ako makapaniwala na nasa Plance ako. Dito kami nag-take ng break nina Aj at Hannah and syempre awkward.

Kung hindi kami dito kakain malalaman namin kung anong balak nung Krystie pero mapilit sina David kaya hindi kami tinatantanan tapos yung mga tao na nasa cafeteria pinagtitinginan na kami kaya ayon nga pumayag na kami.

*Silence...*

*Silence...*

"Seriously?" putol ni Rev sa katahimikan kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Alam niyo kasi hindi natin malalaman kung tantanan na ba ako ni Krystie kung lagi kayong nakadikit sa akin." sabi ko.

"She has a point. So, lets just stop this thing." sabi ni Hannah at inis na tumingin kay Grayson.

"What? Wala akong ginagawa sayo ah." sabi ni Grayson sa kanya at inirapan lang naman siya ni Hannah.

"Ano na ba kasi yung desisyon mo?" tanong ni Xavier sa akin.

Tinignan ko siya ng masama. "Sige papayag ako but you need to court me make it real." sabi ko sa kanya. 


Bumuntong hininga ako kasi iniisip ko si Evilyn. Better na rin siguro ito kasi 'di niya deserve ang lalaking tulad ni Xavier. She's too kind and soft. Ayokong paulit ulit siyang masaktan sa lalaking tulad lang nito. I want her to be happy with a real man not with this jerk.

"Diba ang alam ni Krystie ay kayo na?" biglang sumabat si Laimer. 'Di ko talaga siya napapansin kasi naman parang invisible siya 'di siya nagsasalita.

Oo nga pala, bwesit kasi 'yang si Xavier sabihin ba naman na girlfriend niya ako sa harap ni Krystie.

"Tsk! stupid. You're stupid Xavier. Dinadamay mo kami sa kagagawan mo naman." sabi ni Hannah.

"Its not my fault. Kasalanan ko ba na habulin ako ng babae just like Krystie." simpleng sagot ni Xavier.

Napailing iling naman si Hannah. "Idiot. Kung hindi mo hinalikan at sinabi na girlfriend mo si Kyline sa harap nung Krystie edi sana tahimik tayo ngayon. Baliw na yata talaga si Krystie at gustong gusto ka niya. Hindi ka naman gwapo." sabi ni Hannah kaya naman hindi makapaniwalang nakatingin si Xavier sa kanya.

"Ano?! The two of you... kissed?? Pfft." gulat na sabi ni Rev at pilit na pinipigilan ang tawa.

"Whats funny?!" inis na tanong ni Xavier.

"AHAHAHAHA! Akala ko ba hindi ka pumapatol sa katulad niya?" tumawa si Rev.


Ano bang problema ng mga ganitong lalaki? We're not cheap like the other girls na todo papansin sa mga lalaki to the point na nagsusuot sila ng kinulang sa tela. Wala naman akong problema sa pananamit pero know your limitations wearing those kind of clothes. 

Nagulat ako nang binato ni Aj si Reve at tumama 'yon sa ulo niya. "Hey! What's your problem?" inis na tanong sa kanya.

"Hindi porket gwapo ka aba! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan si Kyline na akala mo naman wala siya dito. Ang sama ng ugali mo." inis na sabi ni Aj.

"Okay okay, sorry! Ang sasadista niyong dalawa pwera lang kay Kyline." sabi ni Rev. Nagkatinginan naman si Hannah at Aj sabay natawa.

Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya nahinto sila sa pagtawa kasi nga malala ako kung manakit dati.

"'Yan siraulo ka kase." sabi ni Xavier kay Rev.

"Sino kayang mas siraulo satin?" tumawa naman si Rev.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon