Chapter 3: Bookstore

2.3K 58 0
                                    

Kyline's Pov:

Nang makauwi sina Hannah at Aj ay agad akong nagpunta sa kwarto ko. Umupo ako sa isa sa mga sofa habang yakap ko ang isang unan.

Inayos ko yung salamin ko. "If ever na makita ko siya.I swear may magagawa akong hindi maganda." sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at humiga. Tutal wala naman ako masyadong gagawin idlip muna ako saglit and besides it's already five something.

"Hey you!"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Me?"sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Yes! Ikaw yung nerd na niligtas ko diba?!" sabi niya pero hindi ko malaman kung galit ba siya o hinde.

"Xavier Lee?" wala sa sariling sabi ko.

"Yes. Stalker na pala kita." ngumisi siya.

Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako dahil dahan dahan siyang lumalapit sa akin.

"See. Stalker kita e!" sabi niya. Napapaatras ako tuwing lumalapit siya sa akin.

"Hindi nga!" sabi ko. Nagulat ako ng napasandal ako at na corner niya na ako dahil nakasandal ang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

Sisipain ko na dapat siya ng biglang lumapit ang ulo niya.Dahan-dahan lang.Napapailing na ako.

Hindi pwede!! Ayoko 'wag!!!

"No!" napabangon ako at kinusot ang mata ko.

What a wonderful dream! Really?! Bakit 'yon pa?!

Sinuot ko ang salamin ko na nakalagay sa side table at lumabas ng kwarto. Pumunta akong kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at pagkatapos ay kumuha ako ng baso.

Nilagyan ko yung baso ng tubig at agad na ininom. Tumingin ako sa orasan at seven na pala.

Agad akong bumalik sa kwarto ko para magbihis. Bakit? Kasi pupunta akong bookstore to buy something.

Naka leggings pa din ako pero pinalitan ko yung t-shirt ko tapos nag flat shoes nalang ako. Inipitan ko yung mahaba kong buhok at pagkatapos lumabas na ng kwarto ko.

Naka shoulder bag ako. Laman lang nun ay cellphone at wallet walang liptint or something.

Pumasok na ako sa kotse ko at pagkatapos ay pinaandar ko na papuntang bookstore. Nang makarating ako ay pinark ko yun agad at lumbas ng sasakyan habang nilalagay ko yung susi sa shoulder bag ko.

Pumasok na ako sa bookstore at nagtingin tingin na ng libro.

Love story...

Fiction...

Fantasy...

Science...

"Ano kayang magandang basahin?" napatanong ako sa sarili ko.

"...shade of darker."

Ano? Shade of darker? Sinong nagsalita? Napalingon ako sa kung saan ko narinig 'yon.

Nanlaki ang mata ko. "Ikaw!" nasabi ko nalang dahil sa gulat ko.

"Miss me babe?"sabi niya sabay kumindat.

Napanganga ako. Pumikit pikit pa ako dahil baka nananaginip ako ulit. Ang kapal naman ng mukha niya na tawagin akong babe.

"Am I dreaming?" wala sa sariling tanong ko.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now