Chapter 4: Enrollment

2K 39 0
                                    

Kyline's Pov:

Ngayon namin napagdesisyunan ng mga kaibigan ko na mag enroll sa FIS. So hopefully sana di ko makita si Xavier.

Sobrang liit kasi ng mundo na sa FIS pa siya nag aaral? Tsk. Sa dinamirami ng eskwelahan sa mundo doon pa talaga.

Naghanap ako ng maayos na damit. Pantalon at t-shirt lang ang kinuha ko at nilapag ko sa kama ko.

Pumasok na ako ng banyo para maligo. Binuksan ko ang shower at hinayaan ko lang yun dumaloy sa katawan ko.

10 am kami magkikita kita nila Aj at Hannah sa starbucks.

Tamad na tamad akong kumilos kaya inabot ata ako ng isang oras sa loob ng banyo. Nagbihis na ako at pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower.

"Anak? Kyline?" dinig kong tawag ni mama sa akin at sabay katok sa pintuan.

"Bakit po?" tanong ko pabalik at binuksan ko ang pinto.

"Ngayon ba kayo mag eenroll sa school?" tanong ni mama kaya tumango ako. "Ah ganun ba sige. Ingat sa pagmamaneho."

"Hindi ako mag dadrive ngayon ma. Commute lang." sabi ko.

"Ahh ganoon ba? Sige mag-iingat ka wag mo hahayaan ang sarili mo na mag-isa ha. Ingat anak." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Bakit ganto si mama? May problema ba siya na hindi niya sinasabi. Siguro.

Tumango lang ako para hindi na humaba ang usapan. Mama is acting weird today.

Pagkatapos niyang umalis ay bumalik ako sa ginagawa ko. Pagpapatuyo ng buhok. Na ewan ko kung may sira ba yung blower at hindi natutuyo buhok ko tss. Sinuot ko yung salamin ko.

Tinigil ko na yun at sinuklayan ko nalang ang buhok ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko na tanging cellphone at wallet lang ang laman. Kinuha ko din ang envelope na kulay brown. Kompleto na lahat.

Umalis na ako. Pumara ako ng taxi papunta sa starbucks malapit sa FIS.

Naisipan kong itext si Aj dahil mukhang traffic sa dinadaanan namin. Baka malate ako ng 10 minutes. Pero maaga pa 8:30 palang naman.

To:Ayu Jade
On the way na ako medyo traffic lang.

*Beep!*

From:Ayu Jade
Oh ok!Ingat.
Wala pa naman si Hannah dito sige take your time girls.

Natawa ako. Halatang inip na tong babaeng to.

Tinawagan ko siya.

*Ring...Ring...--*

[Yes?]

"Nanjan ka na ba sa starbucks?" tanong ko para lang makasiguro.

[Sa tingin mo?]

"Anjan na."

[Parepareho tayong traffic.] halata ang inis sa boses niya.

"Hahaha!!Akala ko nandoon ka na."

[Malapit na. Anyways tawagan mo si Hannah di ako sinasagot e pero sabi niya on the way na daw siya baka na beast mode na yun sa traffic.]

Tumawa ako. Napakahaba talaga ng pasensiya nung babaeng yun.

"Sige tatawagan ko siya."

[Alam mo naman 'yun model hindi dapat yun pinaghihintay.]

Tumawa siya kaya pati ako natawa.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon