"Iwan kita at palabasin na patay na ako. Tinurukan nila ako ng pampatulog. Naririnig ko ang pagkanta mo, mahal. Hindi mo ba nakita ang luha na tumulo sa mata ko? Habang yakap mo ako noong nasa morgue tayo tumitibok pa ang puso ko."

"Sobra akong nasasaktan na nakikita kang umiiyak araw-araw. Salamat sa sakripisyo na ginawa mo para sa akin mapagbayaran lang ng mga Suarez ang kasalanan nila. Salamat dahil ipinaglaban mo ako."

"May araw na gusto kitang lapitan. Subakit alam kong masaya kana sa piling ni Jacob. Mahal, patawarin mo ako kung nagtago ako sa'yo. Patawarin mo ako kung hindi ako nagkaroon nang lakas ng loob na lapitan ka. Patawad dahil ang duwag ko."

"Isa nalang akong tala na hindi na nag eexist sa aking buwan." Wika niya at dinig ko ang pag-iyak niya.

"Jake.." tawag ko sa kanya habang humihikbi.

"Alam mong hindi ko kayang wala ka."

"Nagdusa ako sa kalungkutan na hindi naman pala totoo."

"Jake, alam mong mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya at napatingin ako sa ingay na naririnig ko at nakita ko ang truck na puno ng kahoy na babangga sa kinatatayuan ko. Agad kong pinaandar ang kotse subalit huli na. Bumaliktad ang kotse ko at ramdam ko ang dugo na umaagos sa mukha ko. Parang bumiak ang aking ulo.

"J-jake...."

"Mahal, gumising kana."

"J-jake?"

"Gusto kong malaman kung anong ginagawa ni Rosebel sa bahay mo? Bakit kayo m-magkasama?"

"Mahal, gising na."

Napamulat ang aking mga mata. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at naririnig ko ang ingay ng mga taong nakikiusyoso. Ramdam ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa aking mga mata, hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa aksidente kundi dahil sa aking panaginip. Lord, save me and I think, I still have other things to know about the story.

Dinala ako ng ambulansya sa ospital, mag-isa lang ako at hindi alam nila mama ang nangyari sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko na nasa emergency room. Puro galos lang naman ang natamo ko, hindi nabali ang aking katawan, nawalan lang ako ng malay dahil tumama ang aking ulo sa manibela ng sasakyan kaya may benda ang aking noo. Inalis ko ang dextrose sa aking katawan. Inalis ko ang suot kong dress na pang pasyente at isinuot ang aking sapatos na may bahid pa na dugo.

Just A KissWo Geschichten leben. Entdecke jetzt