Chapter 34 (Jealous)

60 1 0
                                    

Kinabukasan ay hinatid na niya ako sa bahay ni Ashly.

"Wag ka ng papasok sa loob dahil trip ka nun ni Ashly. Diyan ka nalang sa kotse maghintay." Sabi ko at tumango naman siya. Kinuha ko na ang illustration board at plastic cover. Gagawa kami ng family tree ni Jose Rizal para sa subject namin na Rizal.

"Hindi mo kasama ang yummy mong boyfriend?" Tanong ni Ashly.

"Hindi." Sagot ko nalang.

Gumawa na kami ng project. Tatlo kaming magkagrupo. Ang isa ay si Vanessa. Sa gitna nang paggawa namin ng project ay nagulat nalang ako kase nasa harapan na namin siya. May dalang kahon ng pizza. Napakunot ang noo ko.

"Bumili ako ng pizza at baka nagugutom kayo?" Wika niya at inilapag ang puzza sa lamesa. Tiningnan ko si Ashly at nakakagat labi siya. Tumayo ako at hinigit siya palabas.

"Diba sabi ko sa'yo sa loob ka lang ng kotse?" Naiinis kong sabi.

"Naisip ko kasing baka nagugutom ka."

"Hindi ako gutom. Umuwi kana. Ako nalang ang magdadrive pauwi." Sabi ko.

"Maglalakad ako pauwi?" Tanong niya.

"Magcommute ka malamang!" Sagot ko sabay irap sa kanya at pumasok na sa loob. Nakakainis siya.

"Salamat sa pizza. Pakisabi sa boyfriend mo, Kazrine. Masarap. Parang siya." Wika ni Ashly. Nakakainis naman itong si Ashly. Nakakunot ang noo ko habang gumagawa ng project at tahimik lang ako. Pagkatapos ay nagpahinga lang kami saglit at umuwi na din. Ini expect kong umuwi na si Jake pero hinintay niya pa rin ako. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad akong nagdiretso sa kwarto ko at nahiga.

Bahal siya sa buhay niya. Ayoko siyang makausap. May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan iti. Si Jake. Agad ko itong sinarado at naupo sa likod ng pintuan.

"Bakit ayaw mo akong kausapin?" Tanong niya

"Obvious ba? Kasi galit ako. Umuwi kana at magpahinga."

"Hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako kinakausap."wika niya

"Edi magtayo ka magdamag diyan. Bahala ka." Sagot ko at bumalik na sa kama at nahiga. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi niya ba alam na kaya ako nagagalit kase may gusto sa kanya si Ashly. Though, hindi sinabi sa akin ni Ashly na gusto niya si Jake directly, alam ko yun, ramdam ko yun kasi babae din ako. Why men don't understand that? And sometimes they will accused woman na paranoid at masyadong sensitive e sila din naman ang may kagagawan. Sasabihin nila na bigla-bigla nalang magagalit ng walang dahilan, magagalit ba kami nang walang dahilan? Ano kami, baliw? Minsan kasi gusto naming mga babae na kayo ang magfigured out mismo o magkusang alamin ang dahilan kung bakit kami nagagalit! At gusto namin kayo ang magsosorry, gusto namin kayo ang magbaba ng pride, gusto namin kayo ang umayos ng problema at gusto namin na lambingin niyo kami kahit galit. That's the point. The problem is, kokonti lang ang mga lalaking may kakayahan gawin yan. I don't know if Jake was belong to them. Let's see.

Walang pasok ngayon, sabado. Tinatamad akong gumala kaya dito nalang ako sa bahay. Walang tawag at text akong natanggap mula kay Jake. Sabi niya kahapon, hindi siya uuwi hangga't hindi ko siya kinakausap e wala naman siya sa bahay. Nag-almusal na ako at nakatanggap ako ng text mula kay mama.

MAMA: hindi papasok ang bodyguard mo ngayon. Diyan ka nalang sa bahay.

KAZRINE: Bakit daw?

MAMA: Walang sinabing dahilan.

Hinayaan ko nalang siya tutal siya naman ang may kasalanan. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong magtungo sa office ni papa. Restricted office ito. Pati kami ni mama, bawal pumasok diti. Nacucurious ako kaya pumasok ako. Diba, ang mga scientist may curious mind kaya may nadidiscover sila. Malay mo ganun rin ako ngayon. Patay naman ang CCTV kaya hindi malalaman ni papa na pumasok ako.

Just A KissWhere stories live. Discover now