Chapter 54 (13th rose)

71 6 1
                                    

Yakap-yakap ko ang malamig na bangkay ni Jake at pinapainit siya ng luha kong walang tigil na tumutulo. Lumapit sa akin sina Jacob at niyakap ako habang yakap ko si Jake. Hindi niyo na maibabalik ang buhay ng mahal ko. Hindi naaaa! Ang sakit. Para akong mamamatay sa sakit.

May lumapit sa aming dalawang lalaki na nakamask.

"Kukunin na po namin ang bangkay para icrimate." Wika nila

"Sandali." Pigil ko

"Hayaan niyo muna akong makasama siya. Kahit saglit lang." Halos hindi maintindihang sabi ko sa kanila dahil sa aking sunod-sunod na hikbi at pumayag naman sila.

"Jake, bakit mo ako iniwan? Walang iwanan diba?" Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko.

"Ipaghihiganti kita, Jake. Papatayin ko sila kagaya ng ginawa nila sa'yo."

"Ang sakit, Jake. Mamamatay na ako sa sakit."

"Ma'am, excuse me. Kukunin na po namin ang bangkay." Sabi nila at kinuha na nga nila. Naiwan akong nakaupo sa sahig. I'm so messed.

"Bakit kinuha agad nila ang bangkay e diba kailangan pa ng consent ng mga magulang kung ipapacremate ba o hindi ang bangkay?" Dinig kong tanong ni Abigail.

"Nakakapagtaka lang." Dagdag pa niya

Sa labas ng cremation room kami naghintay. Feeling ko nasa panaginip lang ako. Kahapon, kanina, kasama ko lang siya at kausap tapos ngayon, totoo ba 'to? After three hours ay ibinigay na sa akin ang jar na may lamang abo ni Jake. Pati ang tattoo na date ng monthsary namin, naging abo na rin. Ibinigay sa akin ang singsing ni Jake na binili namin sa market-market sa zambales. Kiniss ko ito samantalang kinakausap ako ni Abigail ay hindi ako sumasagot.

Naglakad na ako palabas ng cremation room. Ayoko na. Jake, bumalik kana please. Di ko na kaya. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na alam kung paano panghahawakan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan na ito ilalagay. Parang dinudukot ang puso ko sa aking dibdib at pinupokpok ito ng martilyo. Tinungo ko ang daan papunta sa bahay ni Jake at nakisama pa ang ulan sa pagdadalamhati ko. Nakarating na ako sa bahay ni Jake at nakita ko sa lamesa ang mga roses na ibinigay ko sa kanya, sama-sama itong nasa vase. Inilagay ko doon ang banga ng abo ni Jake at nakita ko ang envelope na nakasingit sa bulaklak. Binuksan ko ito at sulat ni Jake.

Mahal kong Kazrine,
Siguro sa mga oras na mababasa mo ito ay wala na ako sa mundong ito pero kahit ganun, namatay ako ng walang laban, tandaan mo na mahal na mahal kita. Tumingin ka lang sa langit kapag namimiss mo ako. Wag kang iiyak at tibayan mo ang iyong loob. Masaya akong ikaw na ang huling babaeng aking minahal. Lagi lang akong nakatingin sa'yo, pinagmamasdan at binabantayan ka. Mararamdaman mo ang presensya ko sa hangin na dumadampi sa pisngi mo at kapag gabi, isa akong bituin na binibigyan ka ng liwanag at ako ang buwan na gumagabay sa'yo. Tanggapin mo na Kazrine na wala na ako para hindi mahirapan ang kaluluwa kong umakyat sa langit. Wag kang matakot na magmahal muli. Buksan mo ang puso mo para kay Jacob dahil alam kong mahal ka niya. Magiging masaya ako kung ganoon ang gagawin mo kapag wala na ako. Ayokong nakikita kang malungkot, gusto ko masaya ka lang mahal. Hanggang dito nalang ako, Kazrine. Salamat sa diyos at nakilala ko ang babaeng katulad mo at kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay muli, hahanapin kita at ikaw pa rin nag mamahalin ko. Magkita nalang tayo sa kabilang buhay mahal. Mahal na mahal kita.

Just A KissWhere stories live. Discover now