Chapter 4 (Jake)

354 10 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya at binibigyan siya ng tipid na ngiti. Hinihintay niyang magsalita ako subalit tikom ang bibig ko. Pati ang salamin na katabi ko ay naghihintay din sa sasabihin ko. Pati ang dahon na nahulog ay tumapat sa may pwesto ko at naghihintay din ng aking sasabihin. Pati ang nagtitinda ng palamig sa labas ay nakatingin sakin. Pati ang orasan ay nakatingin din sakin at naghihintay ng sasabihin ko. Pati ang mga costumer sa coffee shop ay natigil sa pag-inom dahil hinihintaydin ang sasabihin ko. Pero walang tumatakbo sa isip ko na dapat kong sabihin sa kanya.

"Uhm, ako nga pala si Jake. Ipagpaumanhin mo kung nakalimutan kong magpakilala sa'yo." Wika niya

"I'm Kazrine." Tipid kong sagot

"What do you want me to call you? Kaz? Kazrine.."

"They usually call me kazrine." Sagot ko atsaka ngumiti. Bigla akong napatingin kay Darren na may sinesenyas sa akin. Pero hindi ko maintindihan.

"Kazrine. What a beautiful name." sagot niya atsaka ininom ang kanyang kape. Tumingin ulit ako kay Darren at napansin naman iyon ni..jake.

"Boyfriend mo?" Tanong niya.

"H-hindi. Kaibigan ko." Sagot ko. Ano kayang sinasabi ni Darren?

"Puntahan mo na muna. Baka may gusto siyang sabihin sa'yo." Sagot niya. Tumayo naman ako at lumapit kay Darren.

"Ano ba 'yung sinasabi mo?" Tanong ko

"Sabi ko, malapit na ang time mo. Diba sabi mo sakin iremind kita dahil may exam ka pa." sabi niya at bigla kong naalala ang rereviewhin ko pa.

"Ay, oo nga pala." Sabi ko at bumalik na sa lamesa kung saan nandoon si..jake.

"Ah, mauna na ako. M-may exam pa kasi ako." Wika ko atsaka tumingin sa orasan. May one and a half hour pa ako para magreview.

"Sabay na ako sa'yo." Sabi niya atsaka tumayo na din siya. Alam kong si Darren at ng mga staff sa coffee shop namin ay nakatingin samin.

"S-sige." Sagot ko at nagsabay nga kami sa paglalakad.

"Bakit mag-isa ka lang kagabi? Wala ka bang kaklase o kaibigan man lang para..makasabay pauwi?" Tanong niya at umiling-iling ako.

"Mamaya..may magsusundo na sa akin. Pinagalitan kasi ako ni papa at mama. Nakita kasi nila 'yung pasa ko sa braso gawa nung magnanakaw." Sagot ko at habang nakatingin sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad, ganoon din siya at bahagyang lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana ang pilat niya sa itaas ng kanyang kanang kilay pero bigla siyang umurong.

Napatungo ako sa kahihiyan. Ano bang iniisip mo, kazrine at hahawakan mo 'yun? Tanong ko sa aking sarili. At bakit naman ipapahawak niya sakin 'yun? Stupid.

"Good luck, sa exam mo." Sabi niya atsaka iniwanan na ako. Tumawid siya sa kabilang kalsada at tiningnan ko lang siya habang naglalakad papalayo sa akin. Nang makatawid na siya ay dire-diretso lang siya ng lakad at hindi na muling tumingin sa akin.

Ako naman, ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa school. Napakagat ako sa ibaba kong labi habang patuloy na sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi talaga ako minsan nag-iisip sa kung anong sunod na gagawin. Hindi ko alam kung bakit hahawakan ko ang pilat niya. Ugh.

Natapos ang exam ko nang mas maaga kesa sa kahapon. Around six o'clock ay tapos na kaming mag exam. And thanks God, tapos na ang paghihirap sa pagreview. Next week bakasyon na naming kaya wala na akong aalalahanin.

Sumakay na ako sa kotse. Si Manong Jude ang nagsundo sa akin. Hindi man permanente ang schedule niya sa pagsundo sakin kasi may trabaho din siya. Parang sinasideline niya lang ang pagiging driver namin.

Just A KissKde žijí příběhy. Začni objevovat