Chapter 40 (The accident)

99 2 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay nagdiretso ako sa aking kwarto at natulog. Napangiti nalang ako nang maalala ko ang ginawa namin ni Jake kagabi. It was so good doing it. I will never regret having sex with him.

Nagising ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Alas otso na nang umaga.

"Sandali." Wika ko.

"Pinapatawag ka ng papa mo. Mukhanv galit siya." Dinig kong wika ni Jake.

"Maghihilamos lang ako mahal." Sagot ko at nagtungo na sa CR at naghilamos at nagtoothbrush. Itinali ko ang buhok ko at nagpalit. Bumaba na ako. Sumunos naman sa akin si Jake. Nagtungo ako sa kusina.

"Kain na, Kazrine." Wika ni mama. Nakatingin ako kay papa at mukha ngang galit siya.

"Paano kayo nagkakilala ni Arvin?" Tanong ni papa.

"Sa school. Parehas kami ng pinapasukang school."

"Sa dami ng pwede mong makila,anak pa ni Mayor?"

"Hindi ko alam na anak siya ni Mayor
" Sagot ko at tumingin kay Jake. Kunwari wala akong alam sa pamilya ni Arvin.

"Sa sunod na iinvite ka niya sa bahay nila, ipaalam mo sa akin." Wika ni papa

"Opo.".

"Hindi mo alam kung anong klaseng tao sila. Nakukuha nila ang anumang naisin nila at ayokong may mangyaring masama sa'yo, Kazrine. Wag kang umasa na lagi kang mapoprotektahan ng bodyguard mo. Jake will just make it worse. " Dagdag pa niya. Nakatungo lang ako habang pinapagalitan niya.

"Hangga't kaya kong protektahan kayo ng mama mo, gagawin ko para sa inyo."

"Ipangako mo sa akin Kazrine na lalayuan mo si Arvin. Lumayo ka.sa.kanya." diniinan pa ni papa ang pagkakasabi niya sa layuan ko daw si Arvin.

"Opo." Sagot ko nalang at napatingin kay mama.

"Hindi nila alam na may anak ako. Inilayo kita sa kanila para s akaligtasan mo tapos ikaw naman itong lumalapit sa kanila. Sumasakit ang ulo ko sa'yo." Wika ni papa habang hinihilot-hilot ang ulo niya.

"Ikaw naman, Reene. Alam mo namang ganito ang sitwasyon natin pinayagan mo pa siya."

"Akala ko iba si Arvin sa kanila." Sagot ni mama. Tiklop din si mama kay papa eh. Ang hirap kasing sagutan kapag magulang. Di mo maipagtanggol ang side mo kasi nirerespeto mo sila.

"Akala mo lang 'yun, a father who knows how to kill, his family knows how to do it too. Kapag ang tatay ay isang mabangis na hayop, ganoon din ang pamilya niya. Nasa genes na nila yun at walang exemption doon." Galit na sabi ni papa. Tumayo siya at nag walk-out sa hapag-kainan. I was wondering kung bakit nasabi yun ni papa? Alam niya kayang ang totoong pumatay ay si Alvin Suarez? I was also wondering kung namumukhaan ba ni papa si Jake dahil may sketch siya sa office niya at dahil na rin siya ang umaresto kay Jake dati o sadyang patay malisya lang si papa? Kung patay malisya si papa, ano ang dahilan niya? Baka alam niyang inosente si Jake kase nasa harapan na niya mismo ang huhulihin niya, napaka imposible kung hindi malalaman ng isang police ang iniimbestigahan nilang tao. If Jake was really a criminal, baka matagal na niyang hinuli si Jake at ibinigay kay Mayor Suarez diba? Pinoprotektahan din kaya ni papa si Jake? Hmmm.

"Sorry ma, akala ko okay lang kay papa. Namention sa akin ni Alvin Suarez na close daw naman kayo sa pamilya niya." Wika ko.

"Nakikisama lang kami ng papa mo sa kanila. If ever we get the chance para baguhin ang nakaraan, hindi namin tatanggapin ang inalok niyang promotion. Hindi namin alam na ganito kasama ang balik sa atin." Wika ni mama at niyakap ako.

Just A KissWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu