Twenty-First

361 11 2
                                        

  

            First time in forever, gumising ako ng napakaaga. Ni hindi pa nga sumisikat si haring araw o tumitilaok ang mga manok ng mga kapitbahay. Kunsabagay, malabong may tumilaok kasi bawal naman ang mag-alaga ng manok sa village. Tsk.

            Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Panay ang gising ko sa kadahilang di ko alam. Siguro totoo nga yung sabi nila na, pag natutulog ka at bigla kang nagising, may tumititig sa'yo. Grabe naman ang kagwapuhan ko at pati multo hindi na makaresist. Tsk.

            Nagshower ako at nagsimula nang maghanda sa pagja-jogging. Mukhang kakailanganin ko ng maraming enerhiya sa araw na to. Kung isa nga lang kina Goku o Clirin ang kaibigan ko, panigurado di na ko mahihirapan. Magic Beans lang ang katapat nito. Oh well, gaya nga ng sabi ko, kung. But speaking of kaibigan...

            "What are you doing here?"

            "Dinadalaw ka pre. Namiss kita agad eh." sabi niya na mukhang na-hurt pa. Gay.

            "Kadiri ka pre. Para kang bakla dyan." sabi ko at nagsimula nang magstretching.

            "Haha. Grabe to. Hindi mabiro. Aba, mukhang ayos ka na ah? So, pwede na tayong mangchix niyan?" kahit kailan walang ibang inatupag tong si Jade kundi, chix.

            "Tsk tsk. Kahit kailan talaga di ka makakascore ng wala ako eh." I said with a smirk.

            "Maayos ka na nga. Bumalik na hangin mo eh."  Sabi niya habang tatawa-tawa. Ganyan kami. Pag may problema, magkasama pero hindi na muling uungkatin kinabukasan at tatawanan na lang.

            Magsisimula na sana akong magjog ng maalala kong hindi niya ko sinagot ng diretso sa tanong ko kanina. Napahinto ako at nilingon siya. Nakita kong may hawak s'yang papel at inabot ito sa'kin. Napataas ang kilay ko at iniwagayway ko ito na para bang tinatanong kung ano to. Pero imbes na sumagot siya ay umalis lang ito at nag-wave habang nakatalikod. Weird.

            Nakakaisang lap na ko ng maalala kong hindi ko natanong sakanya kung pano niya nalaman kung san ako nag-i-stay. Eh hindi ko naman nabanggit sa kanya at oo nga no, he never asked. Another weird point for him.

            Pagod na pagod ako at tagaktak ang pawis ko habang papasok ako sa loob ng bahay. Magsha-shower muna ako at tsaka maghahanda ng pagkain at syempre maglilinis. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong maglinis ng bahay. Anong silbi ng kayamanan namin kung hindi kami uupa ng katulong para maglinis at mag-asikaso ng bahay namin?

            At ang pagluluto? Syempre, wala talaga akong alam dyan. Sa totoo nga, ilang beses akong nakasunog ng sinaing bago ko natutunan kung pano talaga. Niresearch ko pa yan pero wala, sariling sikap pa din sa huli. At yung mga ulam namin ni Ex, hindi ko talaga luto yun. Binibili ko lang sa kanto sa labas ng village yun. Anong malay ko sa pagluluto bukod sa pagprito? Kahit yun nga nasusunog ko pa minsan. Eh gawin ba namang katulong ang isang gwapo, macho at hot na tulad ko na pangmodel at pangbababae lang ang alam. Your lost not mine.

            Pagkatapos na pagkatapos ko magshower at magbihis ay agad na kong naghanda para sa mga gagawin ko ngayong araw. Pasipol-sipol pa ko habang binubuksan ang pinto at animo ay walang kailangang gawin sa sobrang pagkabagal. Paglabas na pagkalabas ko sa kwarto ko ay s'ya ring paglabas ni Ex sa kwarto niya. Nagkatinginan kami at sabay ding umiwas ng tingin. Dali-dali akong bumaba na parang may humahabol sakin at... teka. Ano yun... Ako... umiwas?

Like a Boss and Slave StatusWhere stories live. Discover now