CHAPTER 43 √

41.9K 976 11
                                    

JIRUEL

Nakahiga lang ako sa kama habang hawak hawak ang ilang papeles. Di talaga ako makapagdecide kung tutuloy ba ako o hindi. Nahihirapan din kasi akong pumili.

Ayuko naman kasing umalis at iwan rito si Hazeth mag isa, lalo pa ngayong malapit na ang pasukan para sa college. Gusto ko kasing tapusin ang pag aaral ko na kasama parin siya.

Pero opportunity na din naman tong binibigay sa akin. A step through my dream of participating the NBA. Full scholarship at training na din iyon, hindi ko naman pwedeng di tanggapin iyon pero..

Urgh!! Mababaliw ako nito. Hindi ko pa to nasasabi sa kanya dahil I'm sure malulungkot yun or baka magalit. Gusto ko malaman niya kapag nakapagdesisyon na ako.

"Kapre!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na itinago sa ilalim ng unan ang mga papeles. Tumayo ako at linapitan ang pinto. Binuksan ko ito at masayang mukha niya ang sumalubong sa akin. Kahit papano ay napangiti ako at nawala ang pag-aalala ko.

"What brings you here?" Tanong ko at lumabas saka sinara ang pinto. Hindi siya pwedeng pumasok dahil alam kung kakalkalin na naman niya ang mga gamit ko at baka makita niya pa yun. "May problema ba?"

"Hmm..wala naman, papasama lang ako sa mall. Gala tayo!" saad niya sabay kapit sa braso ko. Ginulo ko ang buhok niya. "Tara na. Miss ko na mag gala kasama ka. Lately lagi kang busy at wala rito."

Bumitaw siya at naglakad palapit sa may railing ng hagdan saka roon sumandal. "Ano bang nangyayari sayo? Di mo minsan sinasagot ang tawag ko..ikaw ata may problema eh.." mahinang pahayag niya na mababanaag mo ang tila lungkot sa boses na iyon kasama na ang mapupungay niyang mata. "Your hiding something...aren't you, Sean?"

Bahagya akong nagkamot ng batok dahil doon. Alam ko kasi na kapag nagagalit, naiinis at napipikon siya ay tinatawag niya ako sa ganoong pangalan, at nakakaramdam ako ng takot pag ganoon. What? Syempre mahal ko yan kaya takot ako dyan.

"Tell me, is there something I need to know?" Muling wika niya at naglakad palapit sa akin. Tumingala siya para makita ang mukha ko sabay hila sa kwelyo ng damit ko kaya napayuko ako at nagkalevel ang mukha namin. Seryoso ang exspression niya. "You promise not to lie again. And if your lying this time..I don't know what will happen.."

Napalunok ako ng sariling laway dahil sa kaba. Ang nakakatakot kay Hazeth ay yung kahit gaano mo pa itago ang isang bagay ay mahahalata at mahahalata niya ito. And thats something that always scares me.

Well..maybe I should tell her the truth para hindi na siya magalit at ayaw ko din naman kasing nagagalit siya o nag aaway kami.

"The truth is--"

(Phone rings)

Binitawan niya ako at lumayo. Kinuha ko ang phone ko na tumutunog. Tsk naudlot pa eh. Tiningnan ko ito at galing kay Mr.Wilson ang tawag. Siya yung recruiter na kumukuha sa akin.

"I'll take this for a min." Paalam ko sa kanya.

"Go ahead. Take your time." Medyo dismayado niyang wika at nakacross arm na bumaba ng hagdan. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Great! She's mad again!

HAZETH

Nahiga ako sa sofa habang nakatingin sa itaas. Nakatitig lang ako sa kanya habang may kausap siya sa phone. Napacross arm ako.

What's with that call anyway? Is it that important for him to just ignore me? What a bor--

"Okay okay, I'll be there."

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon