Kabanata Dalawampu't-Dalawa

127 2 4
                                    

KABANATA 22

“Nasa ibaba sila.”

“Sumunod ka sa akin Dayana.”

Tumango lang ako sa sinabi ni Zhen sa akin. Sinundo ako ni Zhen mula sa pinag hihigaan ko kanina. Umalis na din sina Myan, Jajire at Shamaya. Tinawag ako ni Zhen upang makita ang sinapit ni tiya Laila. Pero parang hindi ko kaya. Ang gusto ko muna ay makita ang aking Ina.

Sumunod na ako kay Zhen. Sa paligid naman ay nakita ko ang mga bantay ng palasyo na nagpapagaling at ginagamot ng mga Mahara, ang mga Maharlika naman ay mga nakahiga sa pasilyo. Nakita ko ang Ama ni Ludio. Tumingin siya sa akin at naalala ko nanaman ang nagyari kay Ludio. Pupuntahan ko si Ludio mamaya kapag nakita ko nang ayos ang aking Ina.

Habang papalapit sa pinag puwestuhan ni tiya Laila at ng aking Ina ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba, hindi ko alam. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang bigat sa puso ko, na namatay na si tiya Laila. Sayang, hindi na niya makikita ang gagawin kong ritwal at hindi na din niya makikita ang kaharian na kay tagal nang inaasam ng lahat.

Nauna si Zhen at sumunod lang ako. Kitang-kita ko mula sa loob ang mga nag uumpukang Sahara. Agad silang lumingon ng dumating kami at nag bigay pugay. Yumuko sila. Una kong nakita ang bangkay ni tiya Laila. Wala ng bala ng pana sa kanyang tiyan, naalis na iyon at ang tanging mayroon nalang siya ay ang mga galos, bakas ng pakikipag laban niya sa mga Mahatan. pagkatapos no'n ay pinuntahan ko naman si tiya Barra. Ang aking Ina. Binigyan ako ng daan ng mga Sahara upang makita ang lagay ng aking Ina.

Nakapikit siya, may benda ang kanyang hita at sa tingin ko, maayos na ang lagay ng aking Ina. Hindi na siya nahihirapan. Agad ko namang tinanong si Zhen. “Asaan na ang haring Dyaggu?” tanong ko dahil kanina ko pa siya hindi nakikita.

“Sinundan 'yong Maharlikang binata, 'yong kaibigan mo, dahil napag alaman ng hari na mag-isa lang pala siyang lumusob doon, pero 'wag kang mag-alala. Kasama din ang dalawa mo pang kaibigan para hanapin ang binatang Maharlika.” sagot niya. Kinabahan nanaman ako.

Baka kung ano na ang mangyaring masama sa kanila, kailangan ko silang puntahan, gusto kong tulungan si Ludio, pero ngayon, gusto ko na silang samahan para sama-sama kami, na talunin ang mga Mahatan. Diyos kayo na po ang bahala.

“Zhen, susundan ko sila, pakibantayan na lang ang aking ti-Ina.” at umalis na ako, hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Zhen sa akin. Agad akong pumanhik at tinungo ang pinaghigaan ko, kinuha ko doon ang armas ko at ang libro na itinakda ay itinago ko muna. Bumaba na ako para puntahan sina Ludio. Kailangan nila ako ngayon.

******

Haring Dyaggu's Point of view.

“Tara, dito ang daan na tinakbuhan nina Eep, at sigurado din ako na alam ni Ludio na dito sila dumaan, tara samahan niyo ako.” sabi ko kina Lucia at Mau. Sumunod lang sila sa akin upang hanapin si Ludio, kahit na alam kong nasa kapahamakan si Barra at patay na si Laila ay kailangan kong hanapin si Ludio dahil kapahamakan niya kung mag iisa lamang siya, delikado ang ginagawa niya, hindi niya alam kung gaano kagaling sa atake si Eep kung sakaling iyon ang makaharap niya.

Nakadaan na kami sa liblib na lugar na ito, sobrang dilim kahit na umaga pa lang. Inilabas ko ang tabak ko at pumuwesto, malakas ang pakiramdam ko kapag may mga naririnig ako, pinahinto ko sila at tumigil naman, dahan-dahan akong lumapit at bigla kong hinawi ang mga dahon na nakaharang at agad na hinila ang taong nakatayo doon.

“Patay na!” sigaw ni Lucia kaya agad kong pinatikom ang kanyang bibig.

“H'wag kang maingay Lucia, may mga nararamdaman akong nag mamasid sa atin.” bulong ko sa kanya. Ibinaba ko na ang Mahara na binigti nila, wala silang awa.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon