Kabanata Labing-Pito

104 3 3
                                    

KABANATA 17

A=ა    B=ბ    C=ც    D=დ    E=ე    F=ფ   G=გ    H=ჰ    I=ი     J=ჯ     K=კ     L=ლ  M=მ    N=ნ  O=ო   P=პ    Q=ქ    R=რ  S=ს    T=ტ    U=უ    V=ვ    W=წ   X=ხ Y=ყ     Z=ზ

Iyon ang itinuro sa akin ni Zhen at agad ko naman iyong naintindihan. Ngayon ay nandito kami sa puno ng narra na madalas kong tambayan, hapon ngayon at sabi niya ay magandang oras ito para gawin ang ritwal.

“Marunong ka naman siguro bumasa 'di ba?” tanong ni Zhen sa akin habang tinitingnan ko ang libro.

“Oo, tinuruan ako ni tiya Barra—”

“Na iyong ina.” imik niya, napahinto ako kakatitig sa nakasulat.

“Hindi ako sanay na tawagin siyang Ina.” napayuko ako at muling nag-isip. Hindi talaga ako sanay, at nawiwirduhan ako kapag gano'n ang itatawag ko sa kanya.

“Dayana, basahin mo na iyan at malapit nang mag-gabi.” sabi niya at napatingin ako sa langit. Maggagabi na nga, siguro sapat na itong nabasa ko ng paulit-ulit.

“Uumpisahan ko na bang basahin?” tanong ko kay Zhen.

“Oo, basahin mo na iyan para mabago na ang mata mo sakaling makipag titigan ka kay Barra dahil bukas ng umaga ang matinding atake na gagawin natin.” tumango lang ako at agad na binasa ng paulit-ulit ang nakasulat.

“ბაგუჰინ მო ანგ აკინგ მატა”
“ბაგუჰინ მო ანგ აკინგ მატა”
“ბაგუჰინ მო ანგ აკინგ მატა”
“ბაგუჰინ მო ანგ აკინგ მატა”
“ბაგუჰინ მო ანგ აკინგ მატა”

Matapos ko iyong banggitin ay agad na kumulog sa langit at kumindlat ng ubod lakas. Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit ng aking mata at umulan ng malakas.

“D-Dayana!” sigaw ni Zhen pero hindi ako makamulat, tanging boses niya lang ang naririnig ko at ang buhos ng ulan.

“Zhen! Lumilindol ba? Ang sakit ng mata ko!” sigaw ko at patuloy na nga akong nahulog sa puno ng narra dahil sa matinding paglindol.

----

Napakunot ang noo ko nang malaman ko na na'ndito na pala ako sa bahay namin sa St. Galley La. Luminga ako at nakita ko si Zhen na nakatayo sa pintuan. Bumangon ako at inalala ang mga nangyari kanina. Umulan ng malakas at lumindol, dahilan para mahulog ako, pero pakiramdam ko, wala akong bali sa katawan.

“Dayana, gising ka na pala.” wika ni Zhen na ikinagulat ko dahil nakatitig siya sa akin at wala siyang tapis sa mukha. Agad na tumirik ang balahibo ko at bakas sa mukha ko ang pagkagulat.

“T-teka Zhen.” nauutal kong saad at nakanganga lang ang aking bibig dahil sa pagkabigla.

“Nagawa mo ang pagkontrol sa mata, ngayon ay malaya ka nang makipag titigan sa mga Sahara.” nakangiti niyang sabi at napangiti na din ako. Agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng yakap.

“S-salamat, Zhen.” sabi ko.

Agad naman na may tumawag sa amin mula dito na boses ni Shamaya.

“Dayana! Mag-handa ka na at ngayon na ang pag-lusob na gagawin nating mga Sahara!” bulalas ni Shamaya at kasama niya si Jajire.

“T-teka, kasama mo si Zhen?” takang tanong ni Jajire.

“Oo, susunod na lang kami ni Zhen doon, mauna na kayo.” utos ko at agad naman silang umalis.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Where stories live. Discover now