Kabanata Dalawampu't-Isa

96 4 0
                                    

KABANATA 21

Haring Dyaggu's Point of view

Nagulat kaming lahat ng maabutan namin na nag iiyakan sa labas ng palasyo, maraming bantay ang mga nakadapa at ang iba ay sugatan. Nakita ko din si Lukas na presidente ng Maharlika. Kasama niya ang dalawa niyang anak na sina Myan at Ludio, at agad ako doong lumapit.

“Anong nangyari dito?” tanong ko sa kanya.

“H-haring Dyaggu, nilusob po kami ng mga Mahatan at kasama nila ang asawa niyo na si Reyna Eep, at... kinuha nila ang anak niyo na si Dayana.” nabigla ako sa sinabi ni Lukas, sumapi si Eep sa mga Mahatan, at ang masama pa, kinuha nila ang anak kong si Dayana. Agad kong kinuyom ang mga kamao ko, kitang-kita ko sa mukha ni Ludio ang pagkagalit dahil siguro sa tinamo ng kanyang ama o kaya naman ay dahil sa bihag si Dayana.

“Mga kasama! Lulusob tayo sa Mahatan!” sigaw ko sa kanila at dali-dali akong pumasok ng palasyo.

“Dyaggu, teka...” awat ni Barra sa akin kaya napalingon ako doon.

“Ano 'yon?” tanong ko.

“Sasama ako, nasa kapahamakan ang anak ko, hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang. Kailangan niya pang mabuhay upang magawa niya ang ritwal.”

“Hindi mamamatay si Dayana, maililigtas natin siya.” sabi ko at tumango lang siya. Kumuha na ako ng palakol at mga iba pang armas mula sa lalagyanan ko dito sa palasyo. Nakita ko si Zhen at si Laila na kumuha din ng mga armas, hindi ko sila inawat, kailangan naming mag sama-sama upang mailigtas si Dayana.

---

“Magka-isa tayong lahat para mailigtas ang Prinsesa Dayana, kailangan natin siya upang maibalik sa dati ang ating nakagisnan noon.” sigaw ko sa kanila. Kasama namin ang lahat ng Mahara, O'Hara, mga Maharlika, bantay ng palasyo at mga Sahara. Sasama sila upang atakihin ang mga Mahatan na dumukot sa anak kong si Dayana.

Naglakad na kaming lahat upang tahakin ang lugar ng mga Mahatan, sobrang dami naming nagsama-sama, at siguradong maililigtas ko ang anak ko... anak namin ni Barra.

Nakarating na kami sa unahan ng Mahatan at tahimik lang kaming nagmamasid. Gabi na at wala kaming maaninag na kahit ano mula dito, walang liwanag na tumatama, ang buwan ay natatakluban pa ng mga ulap. Sa bawat sulok ay nakakaramdam ako ng mga kaluskos, ganoon din si Barra at Zhen na kalapit ko.

“Parang pinaghandaan nila ito.” imik ni Zhen sa amin. Napatingin ako sa kanya, nakita ko na palinga-linga siya kaya nagmasid din ako. Bawat dahon ay gumagalaw, madilim pero naaaninag ko naman iyon.

“Sugod!!” nabaling ang atensyon naming lahat ng marinig namin ang sigaw na iyon. Biglang may mga apoy na lumilipad at dumadako iyon sa aming pinagtataguan. Lumiwanag ang lugar dahil sa apoy na armas nila. Agad kaming nabigla. Sa likudan namin na panay ang kaluskos ay nandoon ang ibang Mahatan na kinakalaban ang iba naming mga kasamahan.

“Tara na! Napaghandaan nila masyado ang ating pag-atake, lusubin na natin ang Mahatan!” sigaw ko at sumunod na sila. Mga Mahara na ang kumalaban sa aming likudan. Palusob ang ibang Mahatan pero napatumba iyon ng mga Sahara dahil karamihan sa kanila ay pana ang armas.

Nakarating na kami sa mga Mahatan at agad namin silang inatake, masyado kaming marami kaya madali naming natalo ang mga Mahatan.

Sa kabilang dako ay nakita ko si Eep, nakapuwesto ang pana niya sa puwesto ni Barra, agad akong natakot. Papatayin niya ang sarili niyang kapatid. Wala talagang kasing sama si Eep. Pero hindi ko kaagad naagapan ang pagtira ni Eep dahil agad na niyang itinira ang panang nakatutok kay Barra. Tinamaan si Barra sa hita at agad siyang napaluhod. Biglang nanigas ang mga paa ko nang makita ko kung paano bumagsak si Barra sa damuhan at kung paano at saan dumadaloy ang mga dugong lumabas sa kanyang hita.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Where stories live. Discover now