Kabanata Tatlo

211 20 4
                                    

KABANATA 3

Nag-ayos na ako para umuwi na, pagod na pagod ako sa ginawa naming pagsasanay ni tiya Barra tinuruan niya ako ng tamang paghawak sa kalaban kapag ako ay bihag nito kaya medyo nasaktan din si tiya sa ginawa kong paghampas sa kanya, hindi naman siya nagalit sa akin bagkus ay natuwa pa nga.

Sabi niya sa akin ay mag-sanay lang ako mag-isa at magiging malakas ako at kaya ko nang ipag-tanggol ang aking sarili, natutuwa naman ako dahil marami nanaman akong natututunan ang masama nga lang ay para umatake sa mga tao, hindi ko pa kayang makipag-laban sa kap'wa tao wala akong sapat na dahilan para kalabanin sila.

Gumawi na ako sa St. Galley La, nagpalit lang ako ng aking kasuotan kasi naman basang-basa na sa pawis, pumunta agad ako sa direksyon ng punong narra, pero napansin ko ang bakas ng dugo, at ang malaking tao na nakalaban namin ni tiya Barra ay nawala na ang bangkay.

Saan kaya iyon napunta, hinanap ko sa lahat ng sulok ng St. Galley La ang bangkay ng malaking tao pero bigo ako, kaya napa-isip ako hindi kaya buhay pa siya? Pero pinulsuhan naman ni tiya Barra iyon at ang sabi niya ay wala na iyong buhay.

Ang nasa isip ko na lang ay baka kinain na siya ng mga mababangis na hayop, pero wala man lang bakas na kinain nga ito dahil walang tira kahit isa sa pinag bagsakan ng malaking tao, parang nahihilo ako kaiisip kaya umakyat nalang ako sa puno ng narra para maging maaliwalas ang aking utak.

Nasa parte na ako ng tuktok ng narra. Sinubukan kong tanawin ang palasyo ng St. Galley La sabi ni tiya Barra na nasa parte lang daw ito ng mapupuno, kaya sa mga mapupuno lang ako tumitingin pero wala akong maaninag kahit isang bakas ng kaharian, kaya humiga muna ako sa puno, malaki kasi ang katawan ng puno kaya kahit humiga ay napakaluwag at hindi din naman delikado.

Sa araw-araw kong pamumuhay ay nasa ganoong senaryo lang ako, lumilipas na din ang mga taon mas lumalakas na ang aking pangangatawan dahil sa matinding pagsasanay lahat ng dating mahihirap na pinapagawa sa akin ay naging madali nalang at lahat ng armas na pinapahawak sa akin ay alam ko na din kung paano ito gamitin maging sa tamang pag atake, tamang pag tatago sa mga kalaban at oras ng tamang pagsugod sa kanila.

Mas lumalakas ako kapag ginagamit ko ang aking tunay na sandata, ang aking pana, madalas din akong mag sanay dito sa St. Galley La at ang sabi pa sa akin ni tiya Barra ay malapit na din daw akong makapunta sa bayan kaya todo ako sa pag sasanay, pinupursigi ko na maging mas matuwig pa ako kaysa sa dati dahil gusto ko na maging malakas pa ako kaysa sa aking inaakala.

---

Ngayong araw ay labing pitong taong gulang na ako, sobrang bilis ng panahon na dating pinapangarap ko na bayan ay mapupuntahan ko na, sobrang saya ko dahil makakakita na ako ng mga kauri kong tao.

Hindi na ako pinag-handa ng masasarap na pagkain ni tiya Barra, dahil daw ay sa bayan kami kakain. Mas lalo pa akong nasiyahan kaya niyakap ko siya ng buong higpit, napaluha nanaman ako sa tuwing nayayakap ko siya, dahil na rin siguro ay ayaw ko siyang mawala sa aking tabi.

Nag-ayos na ako para sa aming paglalakbay, at ang aking armas ay dinala ko rin pero ang sabi ni tiya Barra ay kailangan ko itong itago lalagyan niya daw ako ng takip sa katawan na ang kita lang sa akin ay ang aking ulo, dahil pati ang aking paa ay nababalutan ng makapal na tela na bigay sa akin ni tiya Barra.

Pero ayos na din ito upang ang aking pana ay matakpan at hindi ako mapag-kamalang kalaban. Tumungo ako sa lugar ni tiya Barra, handang-handa na siya dala niya ang kaniyang tungkod na may kakaibang uri dahil isa pala itong armas at ang sa mag kabilang tabi naman ng kanyang bewang ay mayroong kutsilyo na gawa sa bato, mayroon din siyang parang matigas na bagay na inilagay sa kanyang dibdib, ang ganda ni tiya kung pag mamasdan para siyang bata pa.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin