Kabanata Dalawa

327 22 4
                                    

KABANATA 2

Inabot  ako ng gabi sa pag tingin-tingin sa tinatawag ni tiya Barra na bayan, at mayroon doong kumikislap na tulad ng bituin, ang liwanag, ang ganda pagmasdan.

Lumipas pa ang mga oras at hindi ko na naman namalayan ang pagdilim dahil nakatitig lang ako sa mga kumikislap na 'yon. Bigla akong kinabahan nang may naramdaman akong paparating sa baba ng puno ng narra kung saan ako ay nasa itaas nito. Naririnig ko ang bawat pagkadurog ng mga dahon na tuyo sa tuwing naglalakad ang isang nilalang, hindi ko alam kung anong uri iyon, kung tao ba o mabangis na hayop.

Nakakakaba, nagsisimula na namang tumibok ng mabilis ang aking puso, ‘paano kaya ako dito makakababa?' ito ang iniisip ko sa mga oras na 'to.

Sinubukan kong tumingin sa baba, at may naaninag akong anino, ang laki niya, nakatayo siya, kaya alam ko na hindi iyon hayop, kun'di isang tao. Pinagmamasdan ko muna ang anino niya kung gagalaw ito paalis sa puno ng narra, lumipas pa ang ilang sandali at bigla siyang kumikilos paunti-unti palayo sa puno ng narra kung saan nandoon ako.

Medyo malayo na siya kaya bumaba ako ng unti-unti at umaapak ako sa mga sanga, gabing-gabi na siguradong hinahanap na ako ni tiya Barra, malapit na akong makababa ng puno pero natigilan ako sa pagbaba ng bigla akong may naaninag na liwanag , papalapit sa puno ng narra ang liwanag na nakikita ko malapit na siya, at teka pamilyar ang mga kilos, galaw at pananamit ng palapit sa puno, ang tiya Barra!

Malamang kaya siya nandito dahil hinahanap na niya ako, kasi hindi ako nakauwi.

Hinihintay ko na lang ang pagtawag ni tiya sa akin para makaalis na ako sa punong ito.

Pero hindi niya ako tinawag, sa kasamaang palad ay napatakbo siya hindi ko alam kung bakit, pagtingin ko sa likuran ko ay naaninag ko ang tinitingnan ni tiya Barra, ang anino na malaking tao kanina, 'yon pala kaya pala siya tumakbo kaya kinabahan na rin ako.

Sinubukan kong lumayo sa puno ng narra para mailigtas si tiya Barra, pero wala naman akong sapat na lakas para matalo siya, pero sinubukan ko pa ring mailigtas siya  kahit bumabalot sa akin ang takot at kaba ay wala na akong pakielam ang mahalaga ay mailigtas ko si tiya Barra.

Nag mabilis akong sumunod, sinundan ko ang malaking tao na humahabol kay tiya Barra.

Si tiya Barra naman ay biglang tumigil at parang gusto niya itong kalabanin, at napatigil na din ang malaking lalaki hindi ko makita ang itsura niya parang may nakatakip sa kanyang mukha para hindi siya  makilala, kinakabahan ako sa gagawin ni tiya Barra kaya bago pa makasugod ang malaking tao ay agad kong kinuha ang pana sa aking likod, oo palagi akong may dalang pana ginawa ito ni tiya Barra para mayroon daw akong panlaban sa mababangis na hayop. Tinuruan niya din ako kung paano ito gamitin, at palagi ko daw itong dalhin kahit saan ako pumunta.

kaya kapag pupunta ako ng St. Galley La ay dala ko ang pana ko na pang protekta.

Bago pa lusubin si tiya Barra ay naitira ko na sa malaking tao ang bala ng aking pana, tinamaan siya sa kanang braso at lumingon sa akin, grabe, ang mga katawan niya ay parang sa torro, ang laki-laki.

Kinabahan ako sa titig niya sa akin, parang gusto niya akong patayin dahil sa ginawa ko sa kanya. Unti-unting lumapit ang malaking tao sa akin, hindi ako makagalaw dahil sa mga titig niya, parang natitigilan ako pero biglang bumagsak ang malaking tao sa harapan ko, nagulat ako dahil pagtingin ko sa likod ng malaking tao ay mayroong nakatarak doon, isang matilos na bagay iyon sa pagkaka-alam ko 'yon ang tungkod ni tiya Barra, hindi ko akalain na kaya pala no'ng tumusok kahit sa matigas na bagay pa dahil tumagos iyon sa suot ng malaking tao.

Tumakbo ako palapit kay tiya Barra, napayakap ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil mayroong nakapasok sa lugar ng St. Galley La, mahirap itong tuklasin dahil sagrado ang mga paligid at marami ding mababangis na hayop, napaisip ako na parang hindi ordinaryong tao ang isang pinatumba ni tiya.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora