Kabanata Lima

195 12 0
                                    

KABANATA 5

Namangha ako sa mga armas na inilabas niya, ang gaganda no'n at ipinasubok niya sa aking pahawakan ang isang pana na mas maganda pa sa armas ko, medyo malaki at may kabigatan iyon siguro kung gagamitin ko man iyon ay mahihirapan akong mabuhat at madali akong mapagod dahil sobrang bigat talaga.

Sunod niya namang ipinasubok sa akin ang espada na maganda din ang pag kakaukit, kaya napatanong ako sa kanya kung saan gawa ang mga armas na mayroon siya.

Sinabi niya sa akin na gawa daw iyon sa mga bakal na pagmamayari ng mga taga palasyo at maharlika, itinanong ko naman kung bakit siya nagkaroon ng ganoong armas.

"Galing ito sa aking mga magulang, ipinamana na nila sa akin ito bago pa sila mamatay," sabi niya sa akin at bigla na lang nag-iba ang kanyang mukha naging malungkot siya na may pagkagalit.

"Kung hindi mo mamasamain ay maari ko bang malaman kung bakit pumanaw ang iyong mga magulang?" tanong ko sa kanya.

"Ang aking magulang ay pinag-kakatiwalaan ni reyna Eep. Ang anak nitong babae ay pinapaalagaan sa aking magulang. Pero araw ng pista noon nang biglang sumugod ang dalawang babaeng mandirigma, kinuha nang dalawang babaeng mandirigma ang anak ng Reyna, ang prinsesa na sanang mag hahari na sa palasyo ng St. Galley La, sinubukang habulin ng aking magulang ang dalawang babaeng mandirigma pero malakas sila, kahit mga taga-bantay ng palasyo ay napataob nilang dalawa lang, lubos na nalungkot at nag dalamhati ang Reyna Eep dahil nawala sa kanya ang kanyang anak, labimpitong taon na ngayon simula nang mawala ang anak ng Reyna Eep pero sariwa pa rin sa mga taga palasyo ang nangyari, nagbigay naman ng pabuya ang sino mang makakita sa dalawang babaeng mandirigma, binigyan ng isang milyong mamahaling bato na pabuya sa dalawa patay man o buhay ang mandirigma. Ngayon ay pista na ulit ng palasyo at gugunitain nanaman nila ng malungkot ang pista nila dahil hindi pa rin nakikita ang prinsesa hanggang ngayon." sagot niya sa akin at tuluyan na siyang umiyak, kahit ako ay nagigilid ang aking mga luha pero hindi ko ipinahalata sa kanya, bakit ba kasi ako naaapektuhan sa sinabi niya.

Inaya niya ako na pumunta sa palasyo, sabi niya sa akin ay kung gusto ko lang naman pero pumayag agad ako dahil isa sa mga pangarap ko din ang makapunta sa palasyo ng St. Galley La. Inihanda ko na ang aking mga armas at patungo na kami ngayon sa palasyo ng St. Galley La, malapit lang naman daw sa O'Hara ang palasyo kaya madali lang daw kaming makakarating doon.

"'Di ba pinag-hahahanap ka ng mga bantay ng palasyo?" Tanong ko kay Mau.

"Oo pero hindi tayo magpapakita sa kanila." nakangiti pa niyang sagot.

Hindi na lang ako umimik, nagpatuloy na kami sa paglakad para marating ang palasyo.

Nakita ko na nga ang isang napakalaking pader na nakaharang sa palasyo, tanging taas lang ng palasyo ang nakikita ko, hindi pa kasi ako nakakakita ng palasyo sa talambuhay ko, ang nakikita ko lang ay ang iginuguhit ni tiya Barra na palasyo kaya alam ko na ang uri ng ganoon, tumungo kami ni Mau sa tabi ng palasyo at ang pader doon ay may kababaan, iniakyat ako ni Mau sa puno upang makita ko ang kabuuan ng palasyo kahit na tabi lang iyon.

"Dayana, dito ako palihim na dumadaan kapag hindi ako pinapayagan ng mga bantay na pumasok sa palasyo, pero mahigpit din dito kaya maingat ako kung bumaba." sabi niya sa akin, at sa paligid ng palasyo ay may mga tahanan doon at itinanong ko kay Mau kung bakit may mga tahanan pa doon, ang sagot niya naman sa akin ay iyon daw ang tahanan ng mga Maharlika, dahil nga sa bawal silang makisalamuha sa mababang uri ng tao ay minabuti ng Hari ng palasyo na si Dyaggu na doon na lang mag tayo ng kanilang tahanan.

Pinagmasdan kong mabuti ang palasyo at parang pamilyar sa akin, ulit ko itong tinitigan at naalala ko na, ang palasyong ito ay katulad na katulad ng iginuguhit ni tiya Barra kapag nag sasabi ako sa kanya na gusto kong makita ang palasyo, ang galing ni tiya Barra dahil kabisado niya na agad ang palasyo siguro nakapasok na din siya sa loob nito.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Where stories live. Discover now