Kabanata Apat

214 16 1
                                    

KABANATA 4

Tumakbo lang ako ng dire-diretso at nakarating na ako sa kweba, lumingon muna ako sa likudan ko, wala namang naka-abot sa ginawa kong pagtakbo pero may humarang sa akin na mga tao, kakaiba ang kasuotan nila kumpara sa mga taga Mahara may mga espadang armas din sila, kung bibilangin ko sila isa-isa ay nasa sampung tao sila. Kinabahan ako dahil papalapit ang isang taong may matigas na bagay sa kanyang tiyan, umaatras ako habang papalapit siya. Parang kagaya nila ang noong nakalaban namin ni tiya Barra.

“Ikaw ba ang batang nakatira sa gitna ng St. Galley La?” Ang bigat sa tenga ng salita niya, parang nanggagaling sa ilalim ng lupa, pero hindi pa rin ako nagsasalita.

“Sumagot ka kapag tinatanong ka!” sigaw naman ng isang kalapit niya na may hawak na tali sa mga kamay.

“Padaanin niyo ako, kung ayaw n'yong mapaslang.” 'yon ang nasabi ko kahit na wala akong laban sa kanila, ang sabi kasi sa akin ni tiya Barra na 'wag daw akong pahahalatang natatakot kahit na hindi ko kaya ang kalaban.

“Hahaha matapang kang bata ka, pero wala ka pang ibubuga sa amin, gusto ko lang naman ipaalam sa nag-aalaga sa 'yo na pinatay n'ya ang kapatid ko.” at napahigpit ang hawak niya sa espada niya galit na galit siya parang gusto niya akong patayin sa titig niya, sobra nanaman ang kabog ng dibdib ko parang sasabog nanaman. Ibig sabihin ang nagtangkang pumasok sa St. Galley La ay kapatid niya at patay na ito.

“Sinubukan niya kasing pasukin ang lugar namin, at pagtatanggol sa sarili lang naman ang ginawa ng tiya ko na pagpatay niya sa kapatid mo dahil aatakihin siya nito.” 'yon ang nasabi ko sa kanya at bigla niya na lang akong hinampas ng kanyang palad, tumama sa pisngi ko ang malapad niyang palad kaya bumagsak ako.

“Pwes, hinahamon ko ang tiya mo na makipag-laban sa aming mga Mahatan,” sabi niya sa akin, kung gano'n sila pala ang Mahatan, ang kalaban ng mga taga Mahara.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niya sa akin, sobrang bigat ng mga kamay niya hindi ako makabangon.

“Ang mga Mahatan! mga kasama na'ndito ang mga Mahatan!” narinig kong sigaw ng mga taga Mahara, ibig sabihin na'ndito na sila at naabutan ako, pero nasaan na si tiya Barra hindi pwedeng matalo siya bakit nakapunta ang mga taga Mahara dito. Unti-unti nang pumatak ang mga luha ko, pinipilit kong gumalaw pero wala akong lakas, iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay tiya Barra.

“Tayo na, masyadong madami ang mga kalaban, umalis na tayo dito,” narinig kong sabi ng isang kasama ng mga taga Mahatan.

“Dalhin niyo ang batang babae na 'yan, kailangan natin siya bilisan niyo tara na.” 'yon nalang ang narinig ko at wala na akong maalala ng mga sumunod na nangyari.

---

Sobrang sakit pa rin ng aking pisngi, at hindi pa rin ako makakilos. Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata, ang sakit ng sinag na tumatama sa akin kaya pumikit ulit ako at sa ibang direksyon ako tumingin, tsaka ko lang namalayan na nasa loob pala ako ng silid, at sarado ang pinto, ang huling alala ko ay kinuha ako ng mga taga Mahatan, ang lupit nila bakit nila ginawa sa akin ito.

Tumungo ako sa gawing nasisinagan ng araw dahil may butas doon, abot ko naman iyon kaya dumungaw ako at may nakita akong mga bantay na Mahatan, napakadami nila, hindi ko kakayanin kung lalabanan ko sila isa-isa at isa pa wala ang aking armas saan kaya iyon napunta naiinis na ako sa mga Mahatan na 'to pag nakalabas talaga ako dito humanda sila. Naalala ko naman ang aking tiya Barra, nasaan na kaya siya? Sana nasa mabuting kalagayan siya ngayon, pag nakalabas ako dito hahanapin ko siya.

Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko ang armas ko, mahina sila kung mag isip bakit nila hindi tinago ang armas ko tuloy nagkaroon ako ng pagkakataon na atakihin sila, kumapa ako sa katawan ko kung nandito pa ang ibang armas ko, nandito ang matilos na bagay na gawa sa bato at ang pabilog na kahoy na sibat, humahaba ito kapag hinila kaya kasya sa likod ko.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat