Kabanata Anim

166 6 0
                                    

KABANATA 6

Umalis ako sa pagkakapwesto ko, ang hirap kasing makipag-titigan sa kanya, alam ko na sa akin lang siya nakatingin hanggang ngayon, ramdam ko iyon kaya umalis ako do'n, naghanap ako ng tagong lugar at napunta ako sa isang tabi ng bahay, may mga bata doon na masayang nag lalaro at may isang lalaki, kinausap niya ako.

“Magandang gabi sa iyo, napakaganda mong tingnan, para kang bituin sa langit sa sobra mong kinang” sabi sa akin ng lalaki.

“Magandang gabi din sa 'yo lalaki.” bati ko naman at yumuko ako sa kanya, alam ko naman na isa siyang Maharlika dahil mayroon siyang tatak sa kanyang noo na pamanda ng isang Maharlika.

“Ako si Ludio Marzu, ang anak ng presidente ng mga Maharlika, at ito naman ang aking kapatid na si Myan, ang bunsong babae kong kapatid.” sabi sa akin ni Ludio, kahit na hindi naman ako interesado sa kanila.

Nakipag kwentuhan lang siya sa akin at natutuwa naman ako habang nagkukwento siya dahil takot pala siya sa mga hayop at mabilis pang magulat, na pag-alaman ko din na kasing edad ko lamang pala siya, nasa labing pitong taong gulang din siya pero mas mataas siya kaysa kay Mau at ang pangangatawan niya ay malaki din.

Ang aming pag-uusap ay humahaba ng humahaba, kahit na mga walang kwentang kwento  ay natutuwa pa rin ako, parang matagal na kaming mag ka kilala kung umasta siya pero ako dahil wala naman akong makahuntahan ay na tiyaga ko na lang siya.

May ipapakita daw sa akin si Ludio na tiyak kong magugustuhan, at pumasok nga siya sa kanilang bahay, habang iniintay siya ay hindi ko namalayan ang oras, sobrang tagal din pala ang lumipas dahil gabing-gabi na at sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ito nang gabi, nang bigla namang dumating si Mau at dumating din si Ludio.

“Dayana, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.” alalang sabi sa akin ni Mau.

"Mau, kilala mo siya?" tanong naman ni Ludio.

“Oo, at siya ang aking kasintahan na si Dayana.” sagot naman ni Mau kay Ludio.

“Ano? 'Di ba sa mga bantay lang tayo mag papanggap?” bulong ko kay Mau.

“Alam ko, pero iba kasi, basta papaliwanag ko sa iyo.” bulong din niya sa akin.

“Ah teka anong pinagbubulungan n'yong dalawa?” tanong ni Ludio at si Mau na ang kumausap.

“Ginoong Ludio, aalis na po kami, may mahalaga lang po kaming pag- uusapan ni Dayana.” sabi ni Mau kay Ludio at hinila na ako ni Mau.

“Simula ba nang mawala ka kanina sa tabi ko ay na'ndo'n ka lang?” tanong sa akin ni Mau habang nag lalakad kami.

At sumagot naman ako sa kanya. “Umalis ako dahil naiinip ako, ikaw ay may kausap naman doon kaya umalis na lang muna ako para mag libot pero nagawi ako doon at nakita ko si Ludio.”

“Kailangan na nating umuwi Dayana.”

“Ngunit madami pang tao, at palagay ko ngayon pa lang ang tunay na sayahan.” giit ko kay Mau.

“Dayana, kung gusto mo ng umuwi dumaan ka na lang sa tahanan ni Lucia, sige na uuwi na ako, ” sabi sa akin ni Mau, at parang naramdaman ko na may tampo siya sa akin, bahala siya hindi ko naman siya kailangan eh, ang mahalaga makapunta ako sa loob nang palasyo, gusto ko nang makita ang loob no'n at mahawakan ang mga mamahaling bagay na nasa loob.

***

Pagbalik ko ay dumating naman si Ludio at si Myan, at kinausap ako ni Myan.

“Dayana, tara malapit nang mag sayawan sa loob ng palasyo, marami din doong pagkain tara.” aya sa akin ni Myan, na nasa sampung taong gulang na.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Where stories live. Discover now