Kabanata Dalawampu

113 3 0
                                    

KABANATA 20

Nagising ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko dito sa loob, pag-angat ko nga ay nagulat ako dahil nandito pala sina Mau, Ludio at Lucia. Nagpunas muna ako sa aking mukha at agad na kinuha ang armas ko na nasa aking tabi.

“Oh saan ka pupunta Dayana?” tanong ni Ludio sa akin.

Ibinaba ko ang armas ko sa tapat ng librong binabasa ko kanina. “Itatabi ko lang 'to, kalma ka lang.” napangiti ako sa naging tugon ko.

“Akala ko aalis ka at iiwan mo ako e.” bulong ni Ludio na ikinatawa naman nina Lucia at Mau.

Binalewala ko na lang iyon at napatingin ako kay Mau na ngayon ay magkahawak kamay sila ni Lucia. “Umamin nga kayo sa akin, mag kasintahan na ba kayong dalawa?” tanong ko na may ngiti sa aking mga labi.

“O-oo, noon pa man ay umamin na ako sa kanya, naging sekreto pero ibinunyag na din naming dalawa.” sagot ni Mau sa akin na ikinatuwa ko.

Umupo ako sa hinigaan ko kanina at nagsalita. “Hindi ka na ba galit sa mga Sahara, Mau?” tanong ko ulit.

Umupo din siya at tumingin sa akin. “Nakausap ko na nga ang iyong Ina e, mababait sila tama ka, at alam kong hindi sinasadya ni Zhen na mapatay ang aking mga magulang, wala na akong galit sa kanila... hindi sila kalaban.” imik niya. Napangiti ako ng malaki at may mga butil na patulo sa aking mata pero pinigilan ko iyon.

“Tama iyan Mau, dapat pakawalan mo rin ang galit mo, mas maigi nang walang kagalit upang maging malaya ang ating damdamin.” saad ko sa kanya.

Umupo naman sa tabi ko si Ludio. “Tama, maging malaya ang damdamin kaya sana Prinsesa Dayana, maging malaya ka sanang mag mahal, mahalin mo din ako pabalik katulad ng pagmamahal ko sa'yo—” bigla ko siyang nasapak dahil sa sinabi niya. “Aray ko naman!” daing niya. Natatawa lang naman sina Mau.

“Una! Ayokong tinawag akong Prinsesa kapag hindi ko pa nagagawa ang ritwal hindi ba? At pangalawa. Anong mahal na pabalik ang sinasabi mo? Ang mahalin mo 'yang sarili mo! Hindi kung sino lang.” bigla naman siyang napalapit sa akin, halos isang daliri lang ang agwat ng aming mga mukha.

“Tapos ko nang mahalin ang sarili ko, oras naman para ilaan ko ang pagmamahal ko sa 'yo.” sabi niya. Napatigil ako doon at kasabay no'n ay ang pagtigil ng lahat. Ang lakas ng kaba ko, at alam ko sa sarili ko na namumula na ang mukha ko.

Unti-unti naman siyang lumayo sa akin. “Tandaan mo 'yan P-Dayana, sa 'yo lang ang pagmamahal ko na sobrang tagal nang naghihintay sa 'yo.” at kumukurap-kurap pa ang mata niya. Nakakainis!

“Kabaliwan mo! Lumabas nga muna kayo dito! At sino ba ang nagpapasok sa inyo dito,  ginugulo niyo ang pahinga ko!” pasimple kong sigaw sa kanila. Kunwari galit ako para naman lumabas na sila.

“Oo na, babaeng masungit! Tara na Mau, Lucia pagpahingahin muna natin, ang babaeng aking iibigin.” at bigla na silang umalis. Narinig ko naman na panay ang tawa ni Mau dahil sa inasal ni Ludio sa akin.

Agad kong isinara ang pinto at tinalon ang hinihigaan ko kanina. Hindi ko mapigilan ang saya matapos kong marinig iyon kay Ludio, kakaiba sa akin ang mga sinasabi niya, lahat may tagos sa puso at tumitigil lang sa utak ko. “Tapos ko nang mahalin ang sarili ko, oras naman para ilaan ko ang pagmamahal ko sa 'yo.” aaahh! Hindi ko mapigilan ang tili habang binibigkas ko iyon.

Umiibig na nga ba ako? Siguro... ewan... Hindi dapat.

|••=|=••=|=••=|=••=|

Haring Dyaggu's Point of view.

“Ito ang mapa, at ito ang libro na dinala ni Dayana dito, na ipinakuha niya sa kaibigan niya.” wika ni Zhen sa akin. Napatingin ako sa libro.

“Ako ang nagbigay niyan sa kaibigan ni Dayana kaya iyan ang nakuha niya.” nakangiti kong saad, hindi na naman sila nagsalita at naglakad na kami papunta sa daanan ng St. Galley La.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin