Chapter 16

1.3K 49 6
                                    

I open my eyes at nakakasilaw na liwanag ang bumungad sakin sa apat na sulok ng aking silid. Bumangon ako para magunat. Muli kong nasilayan ang aking sarili mula sa salamin at natagpuang nakangiti na naman ang aking mga labi. Is this true? Inlove na yata ako. Di naman ako tanga para di malaman kung ano meaning ng lahat ng nangyayare sakin. May alam pa din ako sa love.

Linggo na pala ngayon. So anong gagawin ko? Matulog magdamag? Hmmm. Magsimba kaya ako. It's 7 pa lang naman e.

Bumaba ako para salubungin yung dalawa kong kapatid na kumakain na.

"Morning kapatid." sabi ni kuya ng ako'y masilayan pababa ng hagdan.

Ngumiti ako sa kanila. Di ko alam pero parang ang saya ko.

"Morning ate, kuya" bati ko rin at pumunta sa kanila para makisalo.

Tawanan at asaran lang ang nagaganap sa lamesa ng biglang tumunog yung cellphone ko.

"Good morning asawa ko. Eat your breakfast na huh"

Halos mabitawan ko ang kubyertos dahil sa kanya. Tangina naman. Ngiting sagad ang lumabas muli sa akin ng mabasa iyon. He really made me smile. Sa kanya lang ako kinilig ng ganto.

"Morning din. Kumakain na ko. Kain ka na din po"

Balik na sagot ko sa kanya. At hinihintay ang kanyang sagot.

"Sweet naman ng asawa ko. Pakiss nga :*"

Sabi nya. Shit! Walang tigil na ngiti ang lumalabas sakin. Di ko na sya nireplyan kaya naman tumuloy na lang ako sa pagkain baka makahalata pa sila ate.

Tuloy ang kain ko. Iniisip ko pa din na napaka imposible ng lahat. Hayss. Bahala na. Yun naman yung sinabe ko e. Kung susugal ako dapat handa akong masaktan. Ang tanong handa ba ko kung mangyayare yun?

"Bilisan mo kumain, simba tayo." sabi ni kuya na nagpabalik ng isip ko sa realidad.

"Wow. Game." nangingiti kong turan dahil makakasama ko sila ulit. Tagal na kase namin di nagbobonding e. Kadalasan kase pumapasok sila ng sunday para may extra income kami.

"Pinaglaba mo kami kaya ititreat ka namin. Ayy ikaw lang pala. Di kasama si ate" sabi ni kuya habang may mapanghalong asar na titig kay ate. Nakita ko naman kung pano mainis si ate sa turan ni kuya. Hahahaha.

"Ang daya mo Gelo." nanggigigil na sabi nya habang tinatapik si kuya sa braso.

"Hahahaha" tawa naming nagkapatid. Nainis naman lalo si ate sa pagtawa namin.

"Ang lakas mo daw kaseng kumain" sabi ko kaya naman sakin nabaling ang lahat. Hahahaha.

"Tse!" mataray pa ding sabi ni ate.

Natapos ang tagpong yun ng puro tawanan lang. Masaya naman kami kahit wala si papa at mama. Siguro sinusubok lang kami ng panahon. Wala namang naghihirap na tao. Lahat tayo dumadaan don.

Nagsimula kaming magayos para magsimba. Im just wearing simple white shirt and pants na fitted and a van's shoes. While kuya naman os wearing his polo shirt partner with his cargo shorts and also van's. Ang gwapo ng dating nya. Syempre ang pinakamatagal magbihis samin e si ate. Wearing his pink dress above the knee na off shoulder. Paired with her keds shoes.

Sumakay kami ng jeep since mabilis lang naman ang byahe. Nakarating kami ng simbahan at saktong naglalakad na yung mga sacristan at pari. Sakto lang pala dating namin.

Ang daming nakatingin samin na mga lalaki at babae. Siguro sa mga kapatid ko sila nakatingin. Ako lang naman naligaw dito e. Hahaha.

Humalik sakin si ate at kuya ng sabihin ng pari na "peace be with you". Ginala ko ang mga mata ko para masabi yun. Pero mukang lahat ata ng tao naghihintay na gawin ko yun. Nyare? Hahaha.

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon