Chapter 5

1.2K 44 2
                                    

Nagising ako sa sandamakmak na text message sakin. Ang dami kase. Number lang sya pero ang daming text. Sino naman kaya to? Sinimulan ko syang basahin.

"Be on time. I don't want you to be late."

"I need you on my office"

"I need to clear things"

"Bakit di ka nagrereply?"

"Are you awake?"

Di ko na tinapos dahil kung ano ano lang nabasa ko. Ni hinde man lang nagpakilala parang tanga. Di ko na rin nareplyan kase nagsimula na kong mag asikaso para sa pagpasok ko. Akalain mo yun, di pa ko natatanggal sa work ko hahahaha. Pagkatapos ko sa lahat, deretso kusina ako kase may naamoy akong mabango. At tama nga ako. Nakita ko si ate na nagluluto ng kung ano don. Di ko alam kung anong tawag don pero mabango.

Habang hinihintay na maluto yung pagkain ni ate. Naghintay lang ako sa kusina habang nagtitimpla ng kape. Kapansin pansin na walang imik si ate. Hanggang sa lumabas na din si kuya ng kwarto nya. Wala man lang isang silay o good morning na naganap na usually nangyayare tuwing umaga. Mukang malala yung away nila ahh. Haysss. Nagtimpla din si kuya ng kape nya at hinihintay ko kung magpapatimpla din si ate kaso wala. Walang naganap. Grabehan. Deretso upo si kuya sa pwesto nya. Sumunod na din ako dahil tapos na din magluto si ate. Nakahanda na yun at nagsimula na kaming kumain. Natapos ang lahat ng walang imikan. Di ako sanay mga bradddd. Di na rin naman ako umimik dahil di ko alam ang sasabihin ko. Pinapunta ko na sila sa kwarto nila para mag asikaso. Habang ako nagbalot ulit ng pagkain para ibaon ko. Alam nyo na kaylangan magtipid. Papaalis na ko ng lumabas si kuya sa kwarto nya. Ang bilis naman. Tumingin ako sa kanya at mukang aalis na nga kaya sumabay na ko. Wala pa si ate kaya sinarado ko na lang yung pinto.

Sabay kaming naghihintay ng jeep. Parehas lang naman kami ng way. Wala pa ring imik si kuya kaya di ko na binalak na kausapin.

"San ka pumapasok? Di mo nasabe sakin. Hatid na kita, Grey." sabi nya sabay ngiti. Sussss. Kung alam ko lang. Miss na nya si ate. Nakoo.

"Sa EA kuya." sagot ko sa kanya at sya naman ay tumango lamang.

"Kuya, try to talk to ate. Siguro mas maayos kung tatanggapin na lang natin. Kung masaktan man si ate. At least we warned her. At andyan tayo na tulungan sya bumangon. " pagkukumbinsi ko sa kanya. "Kalimutan na muna natin yung away kagabe. Sabe mo nga, tayo tayo na lang ang natitira. We should accept what we are and what we have now, kuya. Tama na yang pride." muli kong sabe sa kanya. Nakita ko naman ang pag igting ng panga nya na para bang may gusto syang sabihin. Napabuntong hininga na lamang sya at wala ng magawa kundi ang sumang ayon. Napangiti naman ako. Ayoko lang talaga na makita silang ganun. Di ako sanay lalo na at close sila.

Sumakay kame sa jeep na dumaan hanggang sa makarating ako sa opisina. Kasama ko pa din si kuya kase sabe nya ihahatid nya ko. Nasa entrance na ko ng makita ko syang nakatingin sa kung saan.

"Kuya ok ka lang?" sabi ko sa kanya at natinag naman sya at nabalik sa tamang wasto.

"Oo. Pasok ka na." sabi nya sakin. Napatingin muli sya sa kung saan. Sino ba tinitignan nito? Tinignan ko kung san sya nakatingin at wala naman akong makita na ibang tao kundi yung guard. Sino ba tinititigan nito? Bahala na nga.

Nag paalam ako kay kuya at deretso ng pumasok. Di ko na inalala kung san sya nakatingin. Deretso naman akong pumasok sa opisina ko. At parang nakatingin sila sakin? Namamalik mata lang ba ako o nakatingin talaga sila sakin. Anong meron? Pumunta ako sa table ko pero bat wala na yung gamit ko?????? May magnanakaw ba dito? O shit!

"Excuse me?" sabe ko sa lalaking nakatayo malapit sa kinalalagyan ng table ko. Grabe nasan na yung table ko. Tumingin naman sya sakin at naghihintay sa susunod kong sasabihin. Di talaga ako makapagsalita. Nakatingin pa rin lahat ng tao sakin. "Yung table ko nasan?" sabi ko sa kanya. Di pa sya sumasagot hanggang sa si Ms. Shannel na yung nagsalita.

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon