Chapter 11

1.2K 48 4
                                    

"Sorry mamsh. Gusto ko lang sya makita. Since tinanong ka nya kung nasan ka, e mukang concern kaya sinabe ko na. Hehehe" paliwanag nya sakin. Ako naman konti na lang talaga mapapatay ko na to e. Kung nakakapatay lang yung mga titig ko kanina pa ko nakapatay ng kaibigang pakielamero! Kakaasar. Ayoko nga makita yung tao sa ngayon e. Buset talaga, as in!








"INIIWASAN KO NGA YUNG TAO E, SINABE MO PA!" sigaw ko sa kanya. Di ko sya balak sigawan pero naasar na ko. Waaa. Akala ko ba kaibigan tong taong to. Hmmmft.



Hinde naman sa iniiwasan, ayoko lang na makita sya sa ngayon. Akalain mo ba namang isang araw lang ang dami ng nangyare. Ang hirap tanggapin lahat di ko maabsorb!

"Hinaan mo nga yang boses mo badaf ka! Ang daming nakatingin!" balik nya sakin! Abat! Sino ba unang sumigaw? Ngayon ayaw nyang pinagtitinginan kami! Kasalanan nya yan. Naasar na talaga ako. Konti na lang talaga makakasapak na ko.

"Kanina pa nila tayo tinitignan!  Ikaw ang unang sumigaw gagang to!" pabalik kong turan sa kanya! Kita ko naman yung hiya sa muka nya. Hmmmft.




"Ahh talaga ba? Hehehe. Bat mo ba sya iniiwasan? Wala namang mali sa ginawa ng tao!" natatawa nyang sabi sakin. Tsk. Ngayon ka pa talaga nagbiro babae ka! Iiwasan ko sya kung kelan ko gusto. Maarte na kung maarte pero ayoko lang talagang magka problema sa huli. Na pagsisisihan ko lang din.








"Di ko sya gusto! Walang manners yung taong yun! Panget pa! Madaming pimples! Mabaho! Dirty!  Tska ano sya! Ano----" sabi ko. Buset! Bat parang taliwas yung sinasabe ko pero nahinto ako ng may nagsalita sa pagitan namin ng kaibigan kong baliw.



"Am I that bad for you that's why you refused!" sabi nya na nagpabilog sa mata ni Cyra. Sino ba namang hinde, bukod sa nakita na sya ni Cyra, nakatingin pa samin yung mga taong nakikiusisa sa nangyayare. Tsk. Sino ba namang hinde mapapalingon sa kanya. Tsk.




"Ohh my geee!" gulat na gulat na sabi ni Cyra. Kinikilig pa nga e. Sayo na lang sya te, sakin na lang si Logan. Hahahaha. Anyways di pedeng magjoke sa ngayon.




"Di naman ako panget, di naman ako mabaho, wala rin akong pimples, hinde naman ako dirty ahh? Ang gwapo ko kaya." mayabang na sabi nya sa akin. O sige ikaw na gwapo. Ikaw na lahat! Tsk.

"M-Ma-masama u-u-ugali mo! Tama! Ayoko sa ganun!" puta! Bat ako nauutal?!!! Nakakasar na bibig yan.  Ano bang nangyayare sakin. Nakita ko yung ngiti nya at eto na naman yung dibdib ko. Ano ba to!!! "Tara na Cyra, uwe na tayo." yaya ko sa kanya na kanina pa tulala sa boss ko. Tutulo pa yung laway. Lande!


"Huh? Bat tayo uuwe di ba mag aa--" sabi nya habang nakatingin pa din sa boss ko. Naiilang na ko huh. Pano ba naman sakin sya nakatingin. Yung titig na parang lalamunin ka. Buset, nagtataasan balahibo ko at pakiramdam ko bibigay na yung tuhod ko sa sobrang tulis ng mga titig nya.






"Uuwe na tayo kase di ba kayla---" sabi ko pero naputol din ng biglang nagsalita yung boss ko.











"No. Sasama ka sakin may pupuntahan tayo." pigil nya ng balak kong hilahin si Cyra. San naman kami pupunta? Baliw ba to? Anong oras na kaya!



"Teka di pa ko pumapayagggggggg" sabi ko habang hawak yung wrist ko. Buset naman oh!








Hinawakan ko din yung kamay nya gamit yung isa kong kamay. Sa paghawak ko ng mahigpit may chance na lumuwag yun at chance ko para makatakas. Kinuha ko yung kamay ko at deretsong nilapat yung mga kamao ko sa mukha nya. Kita ko yung gulat sa mga tao. Maski si Cyra napatakip ng bibig.











Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon