Chapter 3

1.7K 35 0
                                    

Narinig ko ang alarm ko at hudyat na yun na first day ko na sa work ko. Yipiiiii. Grabe naeexcite ako. Bukod kase sa nakapag warm up ako kagabe hahaha. Ang ganda pa ng gising ko. Wag lang basagin ng kung sino. Mabilis akong bumangon at naligo. Nag asikaso na din ako. Pagkatapos nun bumaba na din ako at mukang di pa sila gising hahaha. So? Napaaga pala ako. Pumunta ako sa ref at tinignan kung anong laman nun. Haysss ang hirap talaga ng buhay ko, dun ko lang naalala na di pala namin ginagamit ang ref para bawas bayarin sa kuryente. Wala man lang masarap na makakain dito. Pumunta ako cabinet at may nakita akong de lata dun. Kumuha ako ng corn beef at tatlong itlog saka ko niluto. Haysss. Dapat pala nagluto muna ako bago ako nagbihis baka mamaya amoy corn beef na ko. Hmmm. 6 am na pala, habang inaayos ko ang hapag kainan nakita kong pababa na pala tong si ate.

"Ang aga mo naman nagising" sabi nya habang kinukusot pa ang mata at saka napatingin sakin. "Bakit ganyan bihis mo? Di ba wala pa naman ang pasukan? Next week pa? San ang punta mo? Kung may balak ka mag hanap ng trabaho e wag mo ng ituloy dahil kakayanin namin ni Gelo. Kami ng bahala please?" sunod sunod nyang tanong sakin.

"Ate, di ako maghahanap ng trabaho dahil nakahanap na ako ng trabaho kahapon, start ko na ngayun at hindi lang yon pasok pa sya sa field of study ko. Hahahaha" nakangiti at energetic kong sabi sa kanya. Habang sya, poker face na parang ayaw ako payagan. Hays nako, para talaga syang si mama. Lumukot ang muka ko at lumapit sa kanya, "Ate, di ba sabi ko tutulong ako. Pano tayo aangat kung puro kayong dalawa lang ni kuya ang gagalaw. Kahit nag aaaral pa ko, kailangan kong kumilos para di ako masyadong mahiya sa inyo. Kung tulong kayo ni kuya sa pag aaral ko. Pwes ako tutulong sa bayarin sa bahay, ok?" mahinahon kong sabi sa kanya at niyakap pa sya para lang mapapapayag sya. "Ate, ang baho ng mouth mo. Can you brush it nga!" maarte kong sabi at napatawa na lang sya. Pero imbis na umalis sa pagkakayakap sakin, humigpit pa to lalo. How sweet isn't it? Haysss, pumikit ako ng nakangiti at inisip na si mama ang kayakap ko.

"Are you trying to have a sweet family without me? Your handsome brother?" sambit ni kuya na nasa likod na pala ni ate. Tsk. Sabagay gwapo naman si kuya. Kaya nga patay na patay sa kanya si Cyra nun. Kaso nafall in love kay Logan hahaha.

"Balak talaga namin, umepal ka lang. Saka handsome? Hiram mo lang yang muka mo kay papa kaya ganyan yang mukha mo.!" asar na sabi ni ate kay kuya habang kumakalas sa yakap ko. Nakita ko naman ang inis na muka ni kuya hahahaha. Pikon si kuya at mabilis magalit kaya wag nyong kakalabanin. Ako naman ay nakangiti lang sa kanila. Kung di mo kami kilala para silang mag asawa at ako yung anak nila. Hahaha. Pero wag nyo ng isipin dahil kadiri.

"Ang aga aga nag aaway kayo. Kumain na lang tayo, dalian.  Baka malate na ko." sabi ko sa kanila at deretsong umupo sa upuan. Sumandok ako at saka lang sila sumunod sakin sa pagkain.

"San punta mo, bunso?" sabi ni kuya habang nagtitimpla ng kape nya. Umismid si ate na parang sinasabeng "ako din ipagtimpla mo" kaya ayun ginawa naman ni kuya. Ganyan sila hahaha. Away bati.

"Sa trabaho ko. At kung balak mo din pahintuin ako. Wag mo ng balakin dahil ginawa na ni ate at di ako napigilan. Ok?" deretsung sabi ko kanya at kumain na.

"Sinabe ko bang pipigilan kita? Nagtatanong ako, Grey" sabi ni kuya na naging seryoso na naman. Haysss. "Alam ko naman na di ka papapigil. Di ko lang alam kung ano yang pinaglalaban mo. Kahit sinabe namin ni ate na kaya namin." ayan na sya. Insert serious mode.

"Wala akong pinaglalaban kuya, gusto ko lang tumulong." sabi ko na medyo nahihiya na. Bayan. Alam ko namang kaya nyo. Pero mas gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Alam ko namang hirap din kayo at sinasabeng kaya nyo pero alam kong nahihirapan at napapagod din kayo. Ayokong sakin nakatuon yang buhay nyo. Ayokong nahihirapan kayo ng dahil lang sakin. Kung kaya nyo, kaya ko din. Gusto kong ituloy at sabihin yan kaso mas pinili kong manahimik na lang. Nakita ko ang pagtango ni kuya at ang pag iling ni ate. Haysss. Alam ko naman e. Di ako mahina. Malamas ako. Pagkatapos kumain, sinabihan ko silang magbihis na at baka malate pa sila at ako na muna ang bahala sa pinagkainan namin. Mamaya ko na lang sya huhugasan pag dating ko. Pumunta muli akong kusina at binalot ang natitirang corn beef at kanin saka ko nilagay sa tupper ware para ibaon ko. Kaylangan kong magtipid. Haysss. Nilagay ko na yun sa bag ko at deretsong lumabas ng bahay. Di na rin ako nakapag paalam pa kina ate kase di pa sila lumalabas.

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon