Chapter 9

1.1K 45 2
                                    

"Ako na"




Sabay kaming lahat na napalingon sa lalaking nagsalita. Lahat kami nakanganga at walang masabe. Mapapamura ka na lang talaga. Seryoso naman ang tingin nya sakin habang hawak yung kamay ko.







"Go back to your works, ako na gagamot sa kanya" sabi nya habang nakatingin kay Clinton at sa nurse. Nung una di pa sila makapaniwala na nasa harap nila yung CEO. Well yeah, tama kayo ng basa, si Sam nandito. Malay ko kung bakit. Tsk.









Tanga ka ba Grey? Malamang gagamutin yang sugat mo kaya nga sinabe nyang "ako na!". ABA MALAY KO SA TRIP NYA! PESTENG UTAK TO!







Ayaw pa sana ni Clinton umalis pero si Sam na mismo nagsabe kaya wala syang nagawa ganun din yung nurse. Ngayon kaming dalawa na lang nasa room na to. Well di naman room kase kurtina lang yung nakatakip. Ewan.







Kinuha nya yung kamay ko ulit ng hinde nagsasalita. Tangina wala man lang pasabe. Nanginginig yung kamay ko habang inaalis yung panyo na nakabalot don.




"Arg ouch!" daing ko ng pahiran nya ng alcohol yung sugat ko. Tsk. Ang hapdi kaya. Buset! Ang diin pa ng pagkakapahid nya. Galit na to?





"Di kase nagiingat" sabi nya sakin. Wow huh. Hinihipan nya yung sugat habang pinapahiran nya ng alcohol at betadine. Tsk.





"Mood swings ganun?" di ko alam kung bakit yun yung sinabe ko pero nakaka asar kase. Aasta sya ngayon na close kami? Parang kanina lang wala ako sa kanya. Tsk. Nakatingin lang sya sakin. "Kanina lang tinawag mo pa kong tanga tas ngayon di nagiingat? Hahaha. Ayos ka sir huh." pesteng bibig to oh! Walang pasintabi.




Isang ngiti lang yung nakita ko sa kanya. Peste!






"You're too cute, Grey" sabi nya habang deretso ang tingin sakin ng nakangiti. Lumabas ang mapuputi nyang ngipin na bumabagay sa mapupulang labi. Tangina bat ang gwapo ng taong to. Pinapagalitan na nga natuwa pa. Tsk. Ibang klase. "Kung alam mo lang na gusto kitang lapitan non." seryoso nyang sinabe sakin. Talaga ba? Tsk.







"Bakit di ka lumapit kung gusto mo pala." tanong ko sa kanya. Totoo naman di ba? Kung gusto nya sya na sana naghatid sakin dito.













"Kase natatakot ako na naka pag lumapit ako itaboy mo kong muli. I wanted to be part of your life Grey." kita ko sa mata nya yung lungkot. "Di mo alam kung pano ako nasaktan sa sinabe mo kagabe. Pero ngayon, naliwanagan ako. Masyadong mabilis. Masyadong magulo. Kaya pipilitin kong umpisahan sa una para malaman mong totoo na nagugustuhan kita." kitang kita ko yung sinseridad sa mata nya habang binibigkas yung mga salitang binitawan nya. Tangina naman bat kinikilig ako. Wala akong masabe kaya pinili kong manahimik na lang.










Walang usapan na nangyare pagkatapos nun. Ikaw? Makakapagsalita ka ba kung nagtapat na naman sya tapos ang lapit sayo ng lalaking to na parang Diyos sa itsura nya. Yung matangos nyang ilong na parang bundok sa pagiging pointed, yung pilik mata na mahaba, yung mata nyang mapupungay, yung labi nya na hugis macopa at yung pabango nya na amoy na amoy mo. Di ka kaya mabaliw. Tsk. Ang perfect ng taong to.









"You're drooling." sabi nya na nagpabalik sakin sa realidad. Partida! Nakatingin pa ko sa kanya huh. He'sa smirking dude. Ang gwapo tangina bes.





"Ah, h-hinde naman huh" sabi ko habang hawak hawak yung labi ko at pinapakiramdaman kung may laway ba. Wala naman talaga, tss. "Wala namang laway. Tsk" sabi ko habang sya naman nakangiting aso. Tsk.








"Gusto mo magkaroon?" sabi nya pa. Teasing me huh? Epektib. Tsk. Binatukan ko nga.



"H-hinde!" tangina talaga. Nakangiti lang sya habang hawak yung ulo nya na binatukan ko lang. Ano bang nakain ng lalaking to. Tsk.


Nagkibit-balikat lang sya pero nakangiti. Wag kang ngingiti ngiti dyan baka mahalikan kita. Waaaaa. Ano bang meron tong tao na to at ang lakas ng epekto sakin? Sabihin nyo naman oh!








Naglakad na sya papunta sa opisina nya. Sumunod na lang ako. Alangan naman magpaiwan ako don. Nasa loob na kami at hinahanap ko yung dalawang mokong pero wala sila don in short, kami lang nandito.









"Yung lalaki na kasama mo, boyfriend mo ba yun?" bungad nya sakin. Sakto namang napalingon ako sa kanya nung tinanong nya yun.









"Si Clinton?" ano namang paki nya dun? Hmmmft. Don't tell me nagseselos sya. Hahahaha. Ibang klase. Wag nga ako. Mapagtripan nga.










"So Clinton pala pangalan nya" seryosong bigkas nya sa pangalan na narinig nya. Baka naman sesantihin pa nya yung tao huh. Wag naman sana. Ang bait bait nun e.








"Ano naman kung boyfriend ko sya. Paki mo?" pagbibiro ko sa kanya. Nakita ko naman yung pag igting ng panga nya. Unti unti syang lumapit sa kung nasan ako. Tangina eto na naman yung dibdib ko na walang tigil sa pagtibok.








"May paki ako kase ako lang dapat boyfriend mo!" sabi nya habang papalapit ng papalapit sakin. Takte! Can somebody come so he can stop. Waaaaa. Ano ng gagawin ko. Im trapped!






Deretso ang tingin nya sakin habang nasa gitna ako ng dalawa nyang braso at nakasandal sa kisame ng opisina nya. Anong trip nito. Nakita ko na lang yung muka nyang papalapit sa muka ko. Eto na naman!!!!! Nararamdaman ko na naman yung hininga nyang walang kaseng bango. Ano bang mouthwash nya. Waaaaa. Mama!!!! Papa!!!! Pinikit ko na lang yung mata ko at hinihintay yung labi nya. Hanggang sa naramdaman ko na yung labing hinihintay ko. He pressed his lips on mine. He bite my lower lips dahilan para mapasok nya yung mouth ko. I felt his tounge exploring my whole mouth. I found myself responding on his kisses even though im not good with it. Tae. Sanay na ko humalik cause this man is really a good kisser. Di ko alam kung gaano sya katagal. Naramdaman ko na lang yung hininga nya na tumatapik sa pisngi ko. I open my eyes and I saw this man smiling. Ang gwapo. Nahalikan ko talaga to? Yung boss ko?










"Now tell me. Is he really your boyfriend. Stop teasing me and I'll kiss you again" sabi nya sakin. Pede bang sabihin na boyfriend ko sya? So that I can kiss you again. Hahahahaha. Abusado ka Grey.











"D-d-di ko sya boyfriend." tangina bat nauutal ako. Waaaa. Nakita ko naman yunh pagngiti ng lalaking nasa harap ko. Ang gwapo sheeet!















"Good to hear that" isang ngiti yung binigay nya sakin. "Ayokong malamangan ng ibang lalaki lalo na sa taong nagugustuhan ko." seryosong sabi nya sakin habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Kinikilig ako tangina lang. "Tandaan mo, nililigawan na kita. Akin ka lang kahit hinde pa tayo." dugtong nya sabay halik sa labi ko ng mabilis at sa noo na lalong nagpatibok ng dibdib ko. Patay na. Kinilig na si batla.








Umalis sya sa harap ko at ako naman walang masabe kundi tikhim lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa din lahat. Nililigawan nya ko? Haysss. Pano na to?!

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon