Chapter 57 : Hurt - Decision

Start from the beginning
                                    

"Anak. Kumusta ka naman dun?"

"Okay lang po. Mahirap sa simula pero nakasanayan ko na. In fact, parang mas gusto ko na ngang tumira dun kesa dito eh. Dun kasi, lahat ng problema napag-uusapan ng maayos. Dito po kasi parang si Daddy na lang ang may say sa lahat ng bagey eh."

"Sorry anak, alam mo namang hindi ko kayang labanan ang desisyon ng Daddy mo eh."

"Naiintindihan ko, Mi. Mahal mo siya eh. Ganun naman talaga ang tao eh. Titiisin lahat para sa taong mahal nila." kaya nga kahit masakit para sa akin, lalayuan ko muna si Allen.

"May problema ka ba? Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina, iba na naramdaman ko eh. Dahil ba 'to sa Daddy mo?"

"Partially, opo. Pero, hindi lang yun ang inaalala ko. Basta, wag na lang po nating pag-usapan."

"Sige. Magpalit ka muna ng damit. Late na daw makakauwi ang Daddy mo dahil may ka-meeting daw siya na nandito ngayon sa Manila."

"Sige po." sabi ko lang tapos ay umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay natulala ako. Ang sabi kasi nila, pag mamatay ka na daw, biglang magfa-flash sa mukha mo ang mga alaala ng buhay mo.

So, ganito pala ang feeling ng mamamatay. Bigla kasing nag-flash sa harap ko ang ilang eksena namin ni Allen. Nandung naghahabulan kami, nagkikilitian, magkahalikan sa kama, naglalaro sa harap ng TV, magkayakap kaming natutulog at higit sa lahat, yung panahon na ginagawa namin 'yun'.

Shit!

"Oh bakit ka umiiyak? May problema ba?" biglang tanong ni Manang na nakapatong na ang kamay sa balikat ko.

Pinunasan ko ang luhang hindi ko namalayan ang pagtulo tapos ay nginitian ko siya.

"Ayos lang po ako. May naalala lang. Masyadong masakit kaya po nagkaganito ako." palusot ko.

"Dahil ba sa mga kaibigan mo? Balita ko magkaaway daw kayo ni Jomar ah? Nakakapagtaka yun, alam mo ba? Nung una akala ko, si Jason ang hindi niyo makakasundo dahil sa pagiging taklesa nung taong yun pero nagulat talaga ako ng marinig kong si Jomar nga ang kaaway mo."

"Wala ho yun. Maliit na away lang po. Masyado kasing matured mag-isip yun kaya nagtalo yung pananaw namin. Pero wag ho kayong mag-alala, magkakabati din kami." nakangiti kong paninigurado sa kanya.

Alam kong matagal pa pero naniniwala akong papatawarin ako nina Jomar.

"Sige. Ayusin niyo yan ha? Sayang naman yung mga pinagsamahan niyo eh." sabi pa niya at bigla na namang pumasok sa utak ko ang mukha ni Allen.

Pumasok na ako sa loob at nagpalit ng damit. Nagpasabi akong tawagin na lang ako pag nandyan na si Daddy. Bigla kasi akong nawalan ng ganang kumain eh. Wala pang isang araw pero nami-miss ko na si Allen.

Matapos ang pag-iisip kay Allen ay nakatulog pala ako. Nagising na lang ako sa mga katok ni Manang na sinasabing nandito na nga sa bahay si Daddy.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Keira?"

"Karl. Bumaba ka dito at may pag-uusapan tayo." sabi ni Daddy habang seryosong nakatingin sa akin.

ALLEN'S POV

"Cool-off lang daw, Ma. Pero alam ko namang sa break-up din ang uwi namin eh. Ma, anong gagawin ko? Mahal na mahal ko si Karl eh. Ayokong mawala siya sa akin!"

"Anak, may mga taong dumadating talaga sa buhay natin na hindi natin inaasahang aalis din. Tulad ng Papa mo, hindi ko alam na kukunin siya ng ganun kaaga sa atin pero sa tingin ko naman, ginawa yun dahil may iba pa tayong makikilala na tulad nun o higit pa. Pero sa kaso ko, ang Papa mo lang talaga ang mahal ko. Kung yan ang desisyon ni Karl, tanggapin na lang natin. Kahit na masakit, dapat mong malaman na hindi lahat ng pangako ay pang-habangbuhay. Pilitin mong tumayo ng mag-isa para malaman niyang hindi siya kawalan sa buhay mo. Saka, nandito naman kami ng kapatid mo eh. Andyan rin naman yung mga kaibigan mo. Mahal ka namin."

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now