CHAPTER 29 √

53.3K 1.3K 39
                                    

HAZETH

Lumabas na ako ng faculty room dala ang ilang folders na pinakukuha ni Ma'am. Kailangam ko pang umakyat hanggang 4th floor para dalhin sa classroom ni Ma'am..haay..katamad naman.

Nasa third floor na ako at talagang ang sakit na ng braso ko. Sa dami nito at sa bigat ay nangangawit na ang mga braso ko. Tapos aakyat pa ako ng hagdanan at maglalakad pa ng mahabang hallway dahil nasa dulo ang classroom ni ma'am.

Asan naman kaya si Charles, dapat siya nagdadala nito dahil sa mga files ito ng campus. Siya naman ang humahawak at nag aasikaso ng mga it--

(BOOGSH)

"Aray..." daing ko ng mapaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin.

"Hazeth..." nag-angat ako ng paningin ng marinig ang boses na iyon. "You okay?"

"Oh hi, Joshua! How ya doin'?" Tanong ko ng makatayo ako at magsimula nang pulutin ang nagkalat na mga folder. "Haven't seen you for a while."

Matagal-tagal na din Mula ng huli ko siyang nakita at nakausap ng malapitan. Oo nga't nagkaklase kami pero di naman kami nagkakausap sa classroom kasi andun si Kapre. Tsaka madalas mailap na din siya lalo na sa akin.

"Got a little busy, you know.." Saad niya at tinulungan naman ako sa pagpupulot. Matapos nun ay ibinigay na niya sa akin ang mga ito.

"Thanks! And.." ngumiti siya "See yah!!"

"See yah.." mahinang sagot niya at umalis na.

Luh...anong nangyari dun? Ba't parang ang down niya? Nag away kaya sila ni Amie? O baka naman na-busted siya!?

Hay buhay di nawawalan ng problema. Punong puno ng kaguluhan at kapahamakan. Magulo,maingay at puno ng kasinungalingan.

Kumatok na ako sa pinto ng classroom ni Ma'am at marahan itong binuksan. Matapos mailapag ang mga folder sa kanyang table ay umalis na ako. Pupunta akong library kasi may hahanapin akong libro para dun sa research ko. Ang hirap pa naman gumawa ng research paper at may defense pa kami kaya nakakatamad.

Kung tinatanong niyo kung nasaan na naman si kapre, aba'y ewan ko. Di nagpakita sa akin ngayong araw eh. Wala naman siya sa court at sabi ni Yvonne di rin daw nagpakita sa practice. Tinawagan ko pero wala namang sumasagot, I assume na natutulog siya somewhere.

"Saan ko ba makikita ang libro para sa ganito?" Tanong ko sa lalaking librarian at ipinakita ang piraso ng papel. "Pakituro na lang."

May binasa siya sa isang folder na.. index ata tawag dun, yun yung kung saan nakalagay ang mga libro batay sa hinahanap ko.

"Shelf 18, left." Saad niya at tinuro ang daan kaya tumango nalang ako saka ngumiti bilang pasasalamat.

Umalis na ako at tinungo ang shelf 18. Pagdating ko dun ay inisa isa ko ang mga naroon para hanapin ang libro. Sa dami nito nakakalula na pero keri lang wala din naman akong gagawin.

"And...there you g--" tiningala ko ang aking ulo dahil sa may biglang nanghawak sa kamay ko na nakataas at inaabot ang libro.

Seryosong mukha ni Jiruel ang sumalubong sa akin kaya napangiti ako pero di naman siya ngumiti. Bagkus ay nangunot ang noo niya.

"Hi, Kapre!" Masiglang bati ko.

"Why did you smile at that librarian?" Seryoso niyang tanong na hawak parin ang kamay ko.

DON'T TOUCH HER (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora