Chapter 4

20.6K 426 112
                                    

Nung bumalik sina Vice at Anne ay nafeel ang awkward silence sa loob ng bahay. Lahat ng babae ay nakatingin lang sa rose na nakapatong sa table, natawa naman si Vice at pumalakpak to get the girl’s attention.

“Nagpapa apekto kayo sa bulaklak?” sabi ni Vice at ngumiti sweetly, kaya naman the girls giggled at nakahinga na rin yung iba.

“So…” sabi ni Vice at inignore muna yung rose, “Liz? Tara?” he offered his hand towards Liz. She happily took his hand.

“Can I lead the way?” tanong ni Liz once nakalabas sila.

Kahit nagtataka si Vice ay hinayaan nya na lang na si Liz. Lumakad sila papunta sa harap ng bahay kung saan sila unang nagmeet.

“May pick-up line ako for you eh, kaya lang sa sobrang taranta at kaba ko, di ko na nasabi.”

“Talaga? Sige nga…”

“Lapit ka ng konti,” sabi ni Liz at winiggle ang index finger para palapitin si Vice sa kanya. Sumunod naman si Vice at lumapit kay Liz na parang naghahamon din, he smirked and inched his face down to Liz’s.

“Diba Engineer ka?” Liz said biting her bottom lip while maintaining their eye contact.

“Chismis lang yun.” Pabirong sagot naman ni Vice.

“Alam mo, sana naging pulis ka na lang.”

“Pwede rin… Bakit ba?” Vice placed his hand on Liz’s lower back.

“Kasi gusto kong maging most wanted mo eh.”

Napapakit na lang si Vice sa kakornihan nung joke ni Liz, he kept his hand on her back, “Happy ka ba dun? Happy ka?” sabi ni Vice kaya naman tumawa din si Liz along with him.

“Mga 1 year ko yung pinag isipan kaya.”

“Cute mo.” Bigla na lang nasabi ni Vice kaya naman parang nanlambot na lang ang tuhod ni Liz bigla sa kilig, “Namula ka bigla.. Kinikilig ka noh?”

Hindi na lang nagsalita si Liz at niyakap ang braso nya sa leeg ni Vice para yumakap dito.

//

“Ano na Karylle? Hindi ka man lang makikipag one on one kay Vice?”  tanong ni Divine kay Karylle na nag iinspect na naman ng mga pagkain.

“Div, sa tingin mo pag hinigi ko sa staff tong recipe nitong chicken casserole, ibibigay nila?”

“Baliw ka rin eh noh?” di na napigilan ni Divine na matawa.

“Teka, may kunin lang ako sa kitchen.” paalis na sana si Karylle pero natigil sya dahil may tumawag sa pangalan nya.

“Hey, Karylle right?” sabi naman ni Anne na lumapit kina Divine at Karylle.

“Hi Anne.” Bati ni Karylle dito since kilala nya na ito mula sa limo ride nila.

“Tama ba narinig ko? Di pa kayo nakakapag one on one ni Vice?”

“Hindi pa nga.”

“Ay, whychi?”

“Eh, wala pa syang time.”

“Girl, mauubusan ka na ng time, ikaw na ang humatak kay Vice.”

“Mas gusto pa nya atang makakuha ng recipe kaysa sa makuha si Vice eh.” Biro naman ni Divine dito.

“Grabe naman kayo, pinagbibigyan ko lang kaya kayo.” sabi ni Karylle at dumila.

“Karylle, ikaw na lang ata yung di nakakausap ‘te.” dumating naman si Toni na kasama si Iza na kakarefill lang ng mga inumin nila.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon