Chapter 15

15.1K 375 54
                                    

“Nagtataka siguro kayong lahat kung bakit ko kaya pinagsama sama lahat ng ganito kaaga.” Vice said habang nakatayo sya sa group of girls na nakagather ngayon sa may pool/garden area. Kanina pa nagtitinginan ang mga girls na parang hindi alam ang ie-expect.

“Alam kong alam nyo na mamaya pa yung rose ceremony, pero in the past week, na-feel ko na parang kulang yung gabi lang para makasama at makilala ko pa kayo lalo… Hence today, I’ll spend this whole day with you… Unfair din kasi sa mga nakasama sa group date na pinauwi ko rin after nilang matalo.” Vice offered an apologetic smile sa team ni Georgina na tinutukoy nya.

“But today isn’t just an ordinary day… Tulad ng sabi ko, gusto ko kayong kilalanin pa… At para magawa ko yun, tumawag ako ng isang kaibigan,” Vice clasped his hands and smiled, “Malamang lahat kayo ay makikilala sya agad…”

“Oh my gosh, sino kaya!” Liz nudged Solenn na kanina pa naka-frown dahil sa pagka-atat nito.

“Feeling ko si Dingdong!” bulong naman ni Toni kay Anne, “Ano sa tingin mo, Anne?”

“Feeling ko rin.” sagot naman ni Anne.

“Mas gwapo pa rin si Vice dun noh.” pabulong na sabi ni Marian na nilingon sina Toni at Anne.

Dahil sa mga naririnig ay lalo namang nalito si Karylle sa mararamdaman nya. Ramdam nyang namamasa na ang palad nya sa nerbyos at sa pagka excited, pero at the same time tuyot na tuyot na rin ang lalamunan nya dahil sa takot. Hindi nya rin alam kung bakit sya nakakaramdam ng takot. Takot ba syang malaman ni Vice na sumali lang sya ng show para kay Dingdong? Or takot sya mismo kay Vice, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nya alam ang nangyari nung gabing hinalikan sya nito.

“Please welcome, at please pagsensyahan nyo na...” Vice paused to laugh bago tumingin sa likuran nya, “Ang taong kinoconsider kong bestfriend, Dingdong Dantes.”

“Helloooo beautiful ladies.”  pagbati ni Dingdong habang chinecheck-out lahat ng babae sa harap nya.

Instead na ngumiti at titigan si Dingdong katulad ng ibang girls, tanging si Karylle lang ang nakayuko ang ulo na parang pilit na hindi nagpapa pansin. Vice noticed this pero hindi na lang muna ito nagsalita, pinanood na lang nya ang pagiging awkward ni Karylle habang nag bibigay ng konting speech si Dingdong.

//

For the next hour ay nag hangout lang sila sa may garden at poolside. Nag prepare ng buffet ang staff para sa spontaneous gathering din nila. Nakipag kwentuhan din si Vice sa iba sa mga girls habang si Dingdong ay puro pag o-observe lang muna sa kaibigan at mga babaeng naroroon. Matapos kumain, mag swimming and etc., isa-isang pinatawag ni Vice yung mga girls sa kubo sa sulok ng garden kung saan sila nakaupo ni Dingdong.

Nauna nyang pinatawag si Iza, and after about fifteen minutes ay bumalik na rin ito with a positive glow on her face sa mga kasamahan nya.

“What happened?” tanong ni Ruffa na anxious sa nagaganap. Kakatawag lang ni Vice kay Kaye para sundan si Iza kaya naman pinanood din ng ibang girls ito na pumunta sa may kubo.

Iza cleared her throat at nag shrug, “We just talked… Nothing to be scared about.” She said simply bago pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan naman ang rest ng Team A sa may garden kung saan nakaupo sila sa may round table na nasa patio.

“Ano sa tingin nyo mangyayari kung si Dingdong ang nasa posisyon ni Vice ngayon?” random na tanong ni Toni.

“Kung sya yung naging bachelor talaga?” pag confirm naman ni Maja.

Tumango si Toni habang nakatingin sa may kubo kung saan nag tatawanan ngayon sila Vice, Dingdong at Kaye.

“I wouldn’t be here.” sabi ni Angel at umiling, “Madali lang kasing i-cover ang mga pagkakamali nyan kasi nasa showbiz, pero marami sa mga naging customers ko ang nakapag kwento sa’kin tungkol sa pagka playboy nyan.”

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon