Chapter 2

19.6K 454 112
                                    

A/N: Picture sa multimedia section sa kung ano ang itsura ng Bachelor Mansion kung saan maninirahan ang mga girls + Bite The Bullet Trailer.

//

Vice prepared himself again, hands in his pockets at inabangan ang unang girl na lalabas from the final limousine.

Nanlaki ang mga mata ni Vice ng makita ang suot nung babaeng lumabas from the limousine. She was almost naked, may suot lang itong pulang bikini bottom and a large blazer with nothing underneath.

“Hello Vice.” sabi nya at napangiti nung makita ang pagkatulala sa kanya ni Vice.

“I’m Karen.” she said and opened her arms to ask for a hug. Natauhan naman agad si Vice at napalunok while hugging Karen.

“It’s very nice…” napalunok si Vice while looking at Karen from head to toe, “to meet you.”

Karen crossed her arms and smirked, satisfied with the reaction she received from Vice. Pinatong nya ang dalawang kamay nya sa chest ni Vice at lumapit para bumulong sya dito.

“See you later.” She whispered seductively and winked at Vice bago sya pumasok sa loob ng bahay.

When Karen left, naka-grin parin si Vice kaya naman binatukan nya ang sarili nya para matauhan, “Grabe yun ah.” sabi ni Vice looking at the staff nearby na nakangiti rin.

Karen Tuazon, 25 years old, Underwear Model

Dahil sa medyo nganga parin si Vice after ng nangyari ay parang flash lang ang paguusap nya with the next girls.

Isabelle Daza, 28 years old, Marketing Specialist

Erich Gonzales, 26 years old, Police Officer

Coleen Garcia, 23 years old, Teacher

Ang susunod na babae ay naka simpleng green na sundress. Lumakad ito papunta kay Vice na nahihiya pero dahil sa kaba na rin ay tumatawa ito na parang nababaliw.

“Hi,” bati ni Vice at nakipag beso sa babae.

“Toni.” sabi niya kay Vice nung nag pull away sya sa beso.

“Kamusta ka tonight, Toni? I’m Vice.”

“Eto, maganda pa rin. Charot.” Nag chuckle si Vice at pinisil ang pisngi ni Toni, kaya naman instant na nag blush si Toni.

“Totoo naman.”

“Kinakabahan ako, grabe. Yung kili-kili ko pawis na pawis na.” sabi ni Toni at kinapa pa yung magkabiling kili-kili nya ng walang kahiya-hiya.

Kumuha ng tissue si Vice mula sa blazer pocket nya at inabot ito kay Toni ng natatawa parin sa ginawa ng babae.

“Ay thank you, Vice,” kukunin na sana ni Toni yung tissue from Vice pero nagbago isip ni Vice at binawi ito, “Huy, anong ginagawa mo, akin na yan.” pilit na inaagaw ni Toni yung tissue kay Vice pero di pumapayag si Vice.

“Ako na, halika dito.” sabi ni Vice at pilit tinataas ang kamay ni Toni.

“Baliw ka, ang pangit ng first impression mo sa’kin. Baskil.”

“Hindi, biro lang, eto na.” binigay ni Vice kay Toni yung tissue at ngumiti ng todo, “Patuyuin mo na yan.”

“Thank you ha. Sige, pasok na ako sa loob, may aircon dun eh.” Naglakad palayo si Toni kay Vice at patago pa nitong pinupunasan ang kili-kili nya.

Toni Gonzaga, 29 years old, Photographer

The next girl wore a red revealing dress which showed the girl’s flawless skin. Confident itong lumakad papunta kay Vice, swaying her hips to make a statement. Nag beso silang dalawa pero when they pulled away, the girl sneaked a kiss sa pisngi ni Vice.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon