Chapter 12

17.3K 399 83
                                    

"Woahhhh!" na lang ang nasabi ng mga girls na kadarating lang sa venue kung saan magaganap ang kanilang group date kasama si Vice. Nakatayo silang sampu in a half circle, sila Solenn, Liz, Anne, Ruffa, Kaye, Angel, Karylle, Toni, Georgina, and Karen. Nasa MOA Arena sila ngayon, lahat sila ay pinagbihis ng exercise/workout clothes nila dahil sa itsura ng arena ngayon, obvious naman ang gagawin nila. Nag tipon tipon silang lahat dahil sinabihan sila na parating na daw si Vice.

Lumabas naman galing sa isang entrance si Vice na nakasuot ng white and red na basketball jersey na may number 14 at Viceral sa likod nito.

"Magandang araw sa inyong lahat." pagbati ni Vice na may malaking ngiti.

Isa isa nyang niyakap at bineso yung mga girls bago sya tumayo sa harap ng mga ito. Sinalo nya yung basketball na binato sa kanya ng isang staff at pinatalbog pa ito habang nakatingin sa mga babae to see their reaction sa gagawin nila.

"Game ba kayo for today?"

Sabay sabay namang tumango at sumagot ng oo yung mga babae. Infairness naman sa lahat, wala namang mukhang disappointed sa group activity nila.

"Una, maglalaro muna tayong lahat, practice practice muna... Tapos maya-maya, maglalaro na kayo against sa isa't isa."

Nagtinginan yung mga girls na tila binabasa ang reaksyon ng isa't isa.

"Kung sinong team ang manalo, sya ang makakasama ko sa cocktail party mamayang gabi... Ibig sabihin, yung team na hindi mananalo, which is half of you, uuwi muna sa mansion."

Halata naman sa girls na nagulat sila sa sinabi ni Vice, napakamot sa ulo yung iba at napasimangot din.

"Pero bago tayo mag simula, hindi ko naman ine-expect na expert kayo sa larong 'to... Kaya may tinawagan akong mga kaibigan." Sabi ni Vice excitedly at ngumiti.

Nag change naman ang mood ng mga girls ng marinig na may makakasama pa silang ibang tao, mas lalo na nung nakita nila yung limang mga lalaking lumabas din sa entrance kung saan galing si Vice.

"Please welcome, Marc Pingris, James Yap, Paolo Hubalde, RR Garcia and Terrence Romeo." Pag introduce ni Vice sa limang pro basketball players na nakasuot din ng kanya kanya nilang mga jerseys. Tumayo sila next to Vice at pinagmasdan ang mga babae sa harap nila.

"Tumabi pa talaga kayo sa'kin ha? Baka ma-confused sila at ipagpalit na ako." Sabi ni Vice sa mga basketball players.

"Ikaw lang para sa'kin Vice!" sigaw ni Solenn kaya tumawa at nag-agree naman ang iba sa mga girls.

"Sus! Go ahead, warm up na kayo..." Sabi ni Vice at nag smile na lang sa sinabi ni Solenn, "Dito muna ako, manonod muna."

Halos thirty minutes ding nag play time ang mga girls kasama ang pro basketball players na tinuturuan sila, habang nanonood naman si Vice sa side ng court. Hindi naman naalis ang ngiti sa mukha ni Vice dahil sa pagka aliw sa panonood sa mga girls. Lahat kasi sila ay game na game naman kahit hindi sila marunong.

"Itaas mo pa ng konti yang kamay mo, Karylle." sabi ni Vice from the side of the court ng makitang mag a-attempt si Karylle mag shoot.

Agad namang napunta ang atensyon ng lahat kay Karylle dahil lumapit na si Vice dito. "Ganito..." sabi ni Vice na nakatayo sa likod ni Karylle. Nilagay din nya ang dalawang kamay nya sa bewang ni Karylle para i-twist ng kaunti ang katawan nito, "Importante din kasi ang posisyon ng katawan mo," dahil sa closeness nila, ramdam na ni Karylle ang hininga ni Vice sa leeg nya, hindi ito nakatulong dahil lalo syang nag blush.

"Yes naman Karylle!" panloloko ni Toni na kasama si Angel na tawang tawa din sa itsura ni Karylle ngayon.

Lumingon naman si Vice sa kanila at nakangiting umiiling bago binalik ang atensyon kay Karylle. His hands travelled from her waist up to her shoulder, then sa braso nito para itaas ng konti, adjusting it para maka-shoot si Karylle ng tama.

Bite The Bullet | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon