Chapter 51(In prison)

Mulai dari awal
                                    

"Bukas ay papatawan na siya ng kamatayan."

"A-ano?" Para akong nabingi sa sinabi niya.

"Yun ang sigaw ng mga kamag-anak at taga suporta ng pamilya ni Mayor Hernandez." Sagot niya.

"Asan ang konsensya niyo? Kinain na ba ng kademonyohan niyo?" Tanong ko sa kanila at ngumiti lang sila sa akin. Nakatingin lang sa amin si Jake. Lumapit si Alvin Suarez sa selda.

"Emille, long time no see my friend." Ngumingiting sabi niya.

"Magpaalam ka na sa minamahal mong Kazrine dahil bukas ay.." nagdeath gesture siya. Kinuha ko ang batuta na hawak ng police at hinampas ko sa ulo niya.

"Ikaw ang unang mamamatay, demonyo!" Sigaw ko at hahampasin ko ulit sana siya nang tutukan ako ng baril ni Mayor Suarez tapoa tinutukan naman ng baril ni papa si Alvin Suarez.

"Subukan mo." Wika ni Mayor

"Kazrine.." napatingin ako kay Jake na tumawag sa akin.

"Tama na." Dagdag niya at tumulo nalang ang luha ko. Gusto kong palabasin ng selda si Jake at ipapatay sa kanya ang dalawang kriminal na to para makaganti siya. Inalalayang tumayo ni Mayor Suarez ang anak niya at umalis na sila. Nakatayo lang sa harap ko si papa habang nakatingin sa akin.

"Sana ikaw nalang ang nakulong." Wika ko.

"Tatanggapin ko pang may kasalanan ka e siya? Wala siyang kasalanan pero siya ang nagbabayad sa kasalanan niyo? Ipinagtatanggal ko siya hindi lang sa mahal ko siya kundi tao din siya! Karapatan niyang mabigyan ng pantay na hustisya pero anong ginagawa niyo? Kinokontrol niyo ang buhay ng isang tao." Sabi ko kay papa.

"Nagsisisi akong ikaw ang naging ama ko." Dagdag ko at nag walk out sa harapan niya. Tang inang luha to. Nakaisnag balde na yata ako kakaiyak ngayong araw. Umalis na ako s apolive station at hihingi ako ng tulong, hindi ko alam kung kanino. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga dyaryong nasa bangketa. Kumuna ako ng isa at binasa ito.

MATAPOS ANG MAHIGIT LABING-LIMANG TAON AY NATAGPUAN NA ANG PUMATAY SA PAMILYA NG DATING MAYOR NG MAYNILA. ANG TAKAS NA SUNDALO NA ITO NA NAGNGANGALANG GIO EMILLE AT NAGTATAGO SA PANGALAN NA JAKE GIO AY SANGKOT SA ILLEGAL NA DROGA AT ILLEGAL NA ARMAS NA ITINATAGO SA BAHAY NG CHIED OF POLICE, MIKEL SARDONE, NAPAG-ALAMAN DIN NA KASINTAHAN NG TAKAS NA SUNDALO ANG KAISA-ISANG ANAK NG CHIEF. SUMISIGAW NG KAPARUSAHANG KAMATAYAN ANG NATITIRANG KAMAG-ANAK NG PAMILYA HERNANDEZ. SIYA NA KAYA ANG KAUNA-UNAHANG TAO NA MAPARUSAHAN NG DEATH PENALTY?

Ang mga nakalagay na headline sa dyaryo. Pinagtatapon at pinagpupunit ko ang mga tinda nila.

"HOY ANONG PROBLEMA MO!! BAYARAN MO ANG MGA SINIRA MOO!!" sigaw ng mga tindera subalit hindi ko sila pinansin. Lahat ng mga dyaryo na makita ko sa dinadaanan ko ay pinagtatapon at pinagpupunit ko.

Nagtungo ako sa bahay at nandoon pa rin ang mga PDEA at NBI na nag-iimbestiga. Nakita ko sa TV ang balita about kay Jake. Lumapit ako dito at binagsak ang TV. Napatingin silang lahat sa akin.

"Inosente siya. Wala siyang kasalanan. Si Mayor Suarez at ang pamilya niya ang totoong kriminal. Maniwala kayo sakin." Sabi ko at may lumapit na isang official sakin na babae.

"Isasama namin ssa investigation ang pamilya niya pero miss, pwedeng magtanong? Kaano-ano mo ang laking takas na sundalo?" Tanong niya

"Ako ang asawa niya. Mabait siya. Maniwala ka sakin. Ginawa niya ang lahat maprotektahan lang ako at ang pamilya ko pati nga kasalanan ng papa ko inako niya. Hindi sa kanya ang mga drugs na yan at baril na 'yan. Kay Mayor Suarez yan. Sila din ang pumatay sa pamilya ni Mayor Hernandez. Napagbintangan lang si Jake nang dahil kay Alvin Suarez. Sinetup niya si Jake kasi naiinggit siya dahil mapopromote na si Jake sa Army." Sabi ko at nakikinig lang siya.

"Tulungan mo ako, please?" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Ang hirap kapag ang nakalaban mo, makapangyarihan. Wala kang laban. Gusto mong lumaban pero talo kana agad." Sagot niya.

"Everything just feel useless kasi may power ang kalaban tapos ikaw wala." Dagdag pa niya.

"Anong klase justice system ang meron ang bansa natin?" Naiinis na tanong ko.

"Because it was manipulated by the powerful politicians. Tayong mga ordinaryong tao ang dapat magpraise sa kanila. Tayo ang mga magpapakumbaba para sa kanila. Ang hustisya ay hawak nila and we have nothing to do with it once na nakapagdecide na sila. They buy the justice system, pera ang bumabayad sa hustisya at itatabi nila ang karapatan mo." Wika niya at niyakap niya ako.

"I hope this hug makes you feel a little better." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

Napatayo ako. Naalala ko si Jacob. Nagtatakbo ako palabas ng bahay at nagtungo sa bahay ni Jacob. Pagkarating ko ay agad akong nagdoorbell. Pagkabukas ng gate ay agad akong humawak sa kamay ni Jacob.

"Jacob, tulungan mo ako please. Walang kasalanan si Jake." Sabi ko sa kanya habang umiiyak at niyakap naman niya ako.

"Abogado si papa. Matutulungan ka niya." Wika niya at pinapasok niya ako sa loob ng bahay nila.

///////////////

Just A KissTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang