Chapter 50 (Arrest)

Start from the beginning
                                    

"Nasaan si Emille?! SABIHIN MOOO!!!" sigaw niya sa akin habang hawak-hawak ang damit ko.

"HINDI KO ALAM!!" sigaw ko at sinampal niya ako kaya napasub sub ako sa kalsada. Pinulot ko ang mga gamot na binili ko at tatakbo na sana nang mahawakan niya ang buhok ko. Tang ina parang makakalbo ako sa hawak niya.

"BITAWAN MO AKO! MAMAMATAY TAO!" galit na sigaw ko habang iniinda ang sakit ng  hawak niya sa buhok ko.

"HINDI DAPAT SIYA ANG KINUKULONG!!! IKAAAAW!!" Sigaw ko sa kanya na halos magtalsikan na ang aking laway. Binuhat niya ako. Binit-bit niya ako na parang isang basket.

"BITAWAN MO AKO!!!" sabi ko habang hinahampas siya. Dinala niya ako sa kotse at inihagis sa backseat. Nilock niya ito.

"PALABASIN MO AKO DITOOO!"

"Ginamit mo langa ang kapatid ko diba? Sinadya mo siyang makilala para may makuha ka sa pamilya namin." Wika niya.

"Pero hindi mapoprove doon na inosente ang mahal mo. Papatayin ko siya." Dagdag pa niya.

"TANG INA MO! WALA KANG PUSO! HAYOP KA!!! MABUBULOK KA SA IMPYERNO MAMAMATAY TAO!!! PALABASIN MO AKO DITOOOO!!!"

kailangan ni Jake ng gamot. Pininasan ko ang aking luha at pinilit na binuksan ang kotse niya.

"Wala ka ng magagawa, Kazrine. Mamamatay na ang mahal mo." Sabi niya habang nagdadrive.

"Sa dami ng taong mamahalin mo, kaaway ko pa."

"GAGO KAAA!! TANG INA!! PALABASIN MO AKO DITOOO!!!" halos mapaos na ako kakasigaw sa hayop na to.

"Ibabalik kita sa bahay niyo para saksihan kung paano arestuhin ng PDEA at NBI ang ama mo." Napatihil ako sa sinabi niya.

"Mabubulok na siya sa kulungan." Wika niya sabay tawa

"IKAW DAPAT ANG MAKULONG!! ANG PAMILYA NIYOOO!!!" sigaw ko.

"Kung sumunod lang sana siya samin." Dagdag pa niya.

"Do you know what's worth fighting for? When it's not worth dying for?" Sabi pa niya. Hinubad ko ang damit ko at niligti siya sa leeg. Nabitawan niya ang manibela at nabangga kami sa poste. Nawalan siya ng malay at agad akong lumabas ng kotse at sumakay ng taxi. Bumalik ako sa hotel subalit wala doon si Jake. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya pero nagriring lang at hindi niya sinasagot. Kumuha ako ng damit, isinuot ito at nagtatakbo palabas ng hotel. Tinatawagan ko si Jake subalit hindi pa rin siya sumasagot.

Agad akong nagtungo pabalik ng bahay at nakita ko ang mga police car, kotse ng NBI na nakahilera sa tapat ng bahay. Maraming tao, maraming reporter na nakaabang. Kinakabahan akong pumasok sa bahay. Nasa labas na ang mga droga at mga baril na dati'y nakatago sa office ni papa. Nakaposas na si papa at tinatanong siya ng mga reporter subalit hindi siya nagsasalita.

"AKO ANG NAGMAMAY-ARI NG MGA BARIL AT DROGA NA YAN." napatingin ako sa nagsalita at si Jake ito. Duguan pa rin ang kanyang braso. Dinumog siya ng mga police pati na ang mga reporter at pinosasan siya. Inalis nila ang posas ni papa at pinagkaguluhan nila si Jake.

"HINDI!!!" sigaw ko. Lumapit ako sa kanila at pinalayo sila kay Jake. Tinulak ko silang lahat subalit hindi ko sila kaya.

"Si Mayor Suarez at ang pamilya niya ang nagmamay-ari niyan! Sila rin ang pumatay sa pamilya ni Mayor Hernandez! Wala siyang kinalaman diyan." Umiiyak na sigaw ko sa kanila.

"Mahigit labing limang taon ka ng pinaghahanap ng mga police. Ikaw, na takas sa army, totoo bang pinatay mo ang pamilya ni Mayor Hernandez?" Tanong ng reporter.

"HINDI!"

"Tapos ikaw pa ang nagmamay-ari ng mga droga na ito at mga illegal na baril?"

"HINDI! HINDI! HINDI!!!!!" hinigit ako ng isang official at tinulak ako papalayo kay Jake kaya't napasub sub ako sa sahig. Bumalik ako kay Jake at yumakap sa tuhod niya.

"Nagmamakaawa ako. Wag niyo siyang kunin sa akin." Umiiyak na sabi ko at ramdam ko ang parang ulan na tumutulong luha ni Jake na dumadampi sa aking balat. Inalis nila ang pagkakayakap ko sa tuhod ni Jake. Hinawakan nila si Jake at dadalhin na siya sa police car. Agad akong sumundo sa kanila at humarang sa daan nila.

"Please?" Lumuhod ako sa harapan nila habang nakatingin sa mata ni Jake. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak.

"May kasalanan siya sa batas at kailangan niyang pagbayaran ito." Wika ng police at tinulak nila ako paalis ng daan at tila ba pati ang kaluluwa ko ay tinapakan na rin nila sa sobrang sakit. Agad akong tumayo at pinukpok ang bintana ng kotse.

"Jake.." tawag ko sa kanya. Tumingin ka sakin. Jake. Pinupokpok ko pa rin ang bintana ng kotse subalit hindi siya tumitingin sakin. Lumakad na ang kotse at sumabay ako sa pagtakbo nito. Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumitingin Jake. Pinunasan ko ang luha ko at natigil sa pagtakbo nang mapagod na ako. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada at tila ba babaha ng luha dahil sa aking iyak. My heart is breaking ito a million pieces. A shuttered star cuts my heart and spirit deep. Panaginip lang 'to diba? Gisingin niyo na ako. Gisingin niyo ako.

Natauhan lang ako nang may malakas at matagal na busina na gumising sa akin. Pero andito pa rin ako. Kahit na nagising ako sa ingay. Bakit nandito pa rin ako? Kumikirot ang sugat sa aking tuhod sapat na dahilan para tanggapin na nasa realidad ako. Tumayo na ako at naglakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa kong pagod. Napatigil ako sa tapat ng rose na nakatanim sa tapat ng bahay. Pinuti ko ito at tinahak na ang daan papuntang police station.

//////////////////

Just A KissWhere stories live. Discover now