CHAPTER 26 √

Magsimula sa umpisa
                                    

"So? Ano balak niyo? Walang usapan?" Taas-kilay na baling niya sa akin.

Mapait akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin at ginanap ang garden kung saan ko siya nakita kanina lamang.

Lumipas ang mga oras hanggang sa dumating ang hapon. Naunang umalis si Lyla dahil may lakad daw sila ni Charles kaya di na ako nag abalang magpahatid pa. Kahit pinilit nila akong sumabay dahil may dadaanan daw sila malapit sa amin.

Siniplatan ko ng tingin ang aking phone upang makita kong may kung ano mang mensahe mula sa kanya pero wala talaga.

Ilang linggo ng ganito ang sitwasyon namin. Walang communication at di nagkikita. Ang hirap umuwi ng ganito at pumasok.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at bagsak ang mga balikat na nilakad ang daan palabas. Wala sa sarili at di alam kong saan ako tutungo sa aking mga paghakbang. Para akong zombie sa ginagawa ko.

Di ko alam kung uuwi ba ako o tatambay sa kung saan. Ayuko namang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Pero wala naman akong ganang mag-gala.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa pag angat ko ng paningin ko ay ang pinto ng court ang bumungad sa akin. Mula sa kinatatayuan ko ay dinig na dinig ko ang bawat talbog ng bola at ang pagtama nito sa ring. Subalit wala naman akong naririnig na ingay sa loob.

"Hazeth.." marahan akong lumingon sa likuran ko dahil sa pagtawag na iyon. Nakita ko ang malungkot na mukha ni Yvonne. "Can I talk to you?"

LATER


Inilapag na niya ang ice tea na in-order niya at tuluyang naupo. Di pa din ako makatingin sa kanya bagama't sinabi na niyang ang pag uusapan namin ay walang kinalaman sa personal na buhay.

Medyo awkward pa din sa pakiramdam na kausapin siya gayung kailan lang ay nagkasukatan pa kami ng tingin at nagkapalitan ng di magagandang salita. For the record, I even called her bitch.

"Ahm..Can you tell me what..ahm..why do you want to talk to me..?" kinakabahang saad ko.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Ok..I'll go straight with you..I want you..to leave Sean alone.."

"Wa-what??" Gulat na tanong ko dahil sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya pero siya nakatungo lamang at nakaiwas ng tingin. "What..c-an you clear it up.."

Gumaralgal bigla ang boses ko ng mga oras na iyon. Binalot ng takot,kaba at sakit ang kalooban ko. Hindi ko alam kong bakit pero..natatakot talaga ako.

Bakit niya sinasabi sa akin ang bagay na ito? Bakit ba pinipilit niya akong layuan ko si Kapre? What does she want!?

"Please.. it's just that.." utal na sabi niya sabay tungo.

"What? Akala ko ba hindi to personal pero bakit.." di ko na naiwasang ipahalata ang pagkairita sa boses ko.

Nakakapuno din kasi tong ginagawa niya. Ba't ba gustong-gusto niya akong mawala sa buhay ni Kapre? Para ano? Para siya ang pumalit?

"Listen to me..this has nothing to do with my feelings.." mapait siyang ngumiti saka tumungo. "Alam ko di mo ako mapagkakatiwalaan dahil sa mga nangyari at dahil na din sa nararamdaman ko..but believe me..Im over with it."

Inabot niya ang kanyang baso ng ice tea at ininom ito na halos maubos na. Pagkaraan ay bumuntong hininga at noon nag angat ng tingin.

"I know I couldn't beat you, that's why..I let go. And besides.. I can see that you can take care of him more than I can do.." mapait siyang ngumiti sa akin pero ako bahagya lang nag-iwas ng tingin.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon