Chapter 48 (Hero)

Start from the beginning
                                    

                                         Mahal na mahal ka,
                                                  KAZRINE ❤️

Inilagay ko na ang rose at birthday card sa tabi ng cake.

"Papuntahin mo na sila dito." Utos ko. Sinindihan ko na ang cake at kinuha ang confetti.

"SURPRISEEEEE!!!" sigaw namin ni Darren at sinabugan siya ng confetti. Hinigit ko siya sa table at nagsimula ng kumanta.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." Kanta namin at kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata.

"Happy birthday mahal." Wika ko at niyakap siya.

"Wag ka ng umiyak mahal." Sabi ko at pinunasan ang luha niya.

"Salamat mahal. First time kong masurprise. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas nito." Sagot niya habang umiiyak. Nakangiti lang si Darren at Sam sa amin.

"Iblow mo na ang candle." Sabi ko.

"Sabay na tayo. Birthday mo rin naman bukas." Sagot ni Jake at nagulat naman si Sam at Darren.

"Pinag-isa ko na rin ang handa namin ni Jake." Wika ko

"Ahh kaya pala maraming cupcake." Sabi ni sam

"Yep. Hindi ko alam kung hahandaan pa ako nila mama. Invite ko nalang kayo kung meron." Dagdag ko.

"Mauubos na ang kandila. Iblow niyo na." Sabi ni Darren. Magkahawak kamay naming inihipan ang kandila. Kinuha ko ang rose at birthday card at inabot sa kanya. Niyakap niya ako at kiniss sa noo.

"Thank you mahal. I love you so much." Wika niya.

"I love you more mahal ko." Sagot ko.

"Picturan mo kami Darren." Utos ko at kinuha naman niya ang polaroid at pinicturan kami.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jacob. Ngayon ko lang naalala na iinvite sila.

KAZRINE: Birthday ni Jake ngayon at birthday ko bukas. Nagcecelebrate kami ngayon sa rooftop ng coffee shop. Punta ka dito at isama mo na rin ang iba nating kaibigan.

It's almost eight o'clock in the evening na nang dumating sina Jacob kasama si Abigail, Mark, Arianne, Lawrence at Alex. Nakabukas na ang party lights kasama na ang maliliwanag na stars at ang buwan na nasa langit.

"Happy birthday, Kazrine." Bati ni Abigail sa akin atsaka kumiss.

"Hindi namin alam na birthday mo. Sorry if cake at pansit lang ang dala namin. Hahaha. Nakakahiya sa'yo. Ang cheap ng dala namin."  Natatawang sabi ni Arianne.

"Ano ba kayo, okay lang yun. Ang mahalaga nandito kayo ngayon." Sagot ko

"Happy birthday, birthday girl." Bati naman ni Lawrence. At yumakap sa akin pati na si Mark at Alex.

"Actually, bukas pa ang birthday ko. Siya ang may birthday ngayon, si Jake." Sagot ko

"Happy birthday Jake." Bati ni Arianne

Just A KissWhere stories live. Discover now