Chapter 46 (Use of Love)

Start from the beginning
                                    

"Gusto mo bang magkasakit?" Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa nagsalita. Dala-dala niya ang rose na ibinigay ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Nandito na ako mahal." Wika niya at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos ay hinubad niya ang jacket niya at isinuot sa akin.

"Dalawang araw palang akong nawawala, tingnan mo ang sarili mo. Paano pa kaya kung habang-buhay na akong nawala. Hindi ko maimagine ang sarili mo. Puputi yata agad ang buhok mo sa sobrang stressed." Wika niya at hinampas ko siya sa balikat.

"Akala ko tatalon kana sa tulay eh." Sabi niya

"Magpapakamatay lang ako pag ikaw mismo ay nawala sa akin." Sagot ko at hinalikan niya ang kamay ko.

"At may gana ka pang biruin ako. Hindi mo alam nag-aalala ako sa'yo. Akala ko patay kana kase hindi ka man lang nagtetext." Dagdag ko pa.

"Hindi madaling mamatay ang katulad ko." Sagot niya at tumawa siya. Nagsimula na kaming maglakad pauwi dahil tigil na ang ulan.

"Nasira ang cellphone ko kaya hindi na ako makapagtext sa'yo. Nung pinadapa ako ng mga pulis at pinusasan ako. Nalunot. Hindi ko alam na nasa bulsa ko pala yun. Alam mong, madaling masira kapag peke ang cellphone." Dagdag pa niya. Cherry mobile lang kasi ang brand ng cellphone niya tapos mababang klase pa  kaya mahuna. Naalala ko tuloy ung cellphone ko na tinapon ko sa coffee shop.

"Oh." Sabi niya sabay abot sa akib ng cellphone ko.

"Tinapon mo daw 'yan sabi ni Darren. Umiiyak ka daw kanina."

"Napanaginipan kasi kita. Pinatay ka daw ni papa at ni Mayor Suarez." Sagot ko

"Si Alvin Suarez ang pumatay sa pamilta ni Mayor Hernandez. Kilala mo ba siya?" Tanong ko at tumango siya.

"Batchmate ko. Ibig sabihin, sinet up niya ang lahat." Sagot niya at napatikom ang palad niya.

"Oo kaya dapat siya ang makulong, siya dapat ang hinahanap ng mga pulis, hindi ikaw."

"Hayaan na natin nag karma sa kanya."

"Hayaan? Hindi mo ba alam na pinaghahanap ka ng mga tauhan ni Mayor Suarez? Pinaiimbestigahan ka niya ng sekreto kay papa. At hihintayin nalang natin ang karma? Kailan pa gagalaw ang karma? Kapag nahuli kana?" Galit na sabi ko. Despite  ng mga ginawa sa kanya ng mga Suarez, sa karma pa siya umaasa.

"Hindi ka ba nag-aalala sa buhay mo?" Dagdag ko pa.

"Kaya kong lumaban mahal, wag ka ng mag-alala." Sagot niya.

"Ayoko na namang umabot tayo sa punto na papipiliin na naman ako sa pagitan mo at ng magulang ko." Sabi ko

"Simula nung araw na nalaman kong si Alvin Suarez ang mamamatay tao at pinapahanap ka ng pamilya niya, araw-araw akong nabubuhay sa takot. Walang araw na hindi ako nangangamba sa kaligtasan mo. Gusto ko sa tabi lang kita at palagi kang nakikita para mapanatag ang loob ko." Dagdag ko sa kanya.

"Wag kang matakot mahal. Isipin mo nalang na lagi akong ligtas para hindi ka nag-aalala sa akin." Sagot niya at hinalikan ako sa buhok.

"Opo." Sagot ko. Nakarating na kami sa bahay. Medyo malayo-layo din ang nilakad namin.

"Paano mo nalamang nasa tulay ako?" Tanong ko.

"Kaaalis mo lang sa coffee shop kanina ay saktong pagdating ko. Nagkasalisihan tayo. Ibinigay sa akin ni Darren ang cellphone mo at agad kitang hinanap." Sagot niya habang nakaharap sa akin.

"Nakita kitang naninigarilyo. Diba sabi ko sa'yo magagalit ako kapag nanigarilyo ka? Ang tigas talaga ng ulo mo." Wika pa niya at napakamot nalang ako sa aking ulo at nagpeace sign sa kanya.

"Noong isinakay ka nila sa van. Agad akong sumakay sa taxi at sinundan kayo." Dagdag niya.

"Tapos nakita kitang lumabas ng bar, tumatakbo. Sinusundan ka ni Arvin pero hinarangan ko siya. Sinuntok ko. Tulog. Wala siyang laban kay Jacob Black." Pagmamayabang niya sa akin at pinakita pa ang muscle niya. Hinampas ko lang iyon at kiniss siya.

"You're my guardian angel." Sabi ko at ginulo-gulo niya lang ang buhok ko.

"Hanggang dito nalang tayo. Bawal na akong pumasok sa bahay niyo." Wika niya

"Magkikita pa ba tayo?" Tanong ko

"Tingnan natin." Sagot niya at muli siyang hinalikan sa labi.

"I love you." Sabi ko

"I love you too." Sagot niya.

"Ingat ka pauwi." Wika ko

"Opo." Sagot niya atsaka pumasok na ako sa bahay.

"Anong oras na at kauuwi mo lang? Basang-basa ka pa." Tanong ni papa at napatigil ako sa paglalakad.

"Gusto mo bang maging maayos ang buhay mo Kazrine?" Dagdag pa niya. Humarap ako sa kanya na kasalukuyan nasa couch.

"Una palang, alam mo ng si Jake ang pinapahanap sayo ni Mayor Suarez?" Tanong ko

"Hindi mo siy hinuhuli kasi alam mong wala siyang kasalanan." Dagdag ko

"Alam mong inosente siya. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan niya dahil sa pangbibintang niyo na hindi naman niya ginawa. Sinira niyo ang kinabukasan niya. Masaya na sana siya ngayong namumuhay kasama ang pamilya niya pero anong ginawa niyo?" Sabi ko at napatayo si papa.

"Ginagamit ka lang niya. Binibilog lang niya ang ulo mo para may kakampi siya. Nakipagkilala siya sa'yo dahil alam niyang ako ang huhuli sa kanya. Bakit hindi mo 'yun maintindihan, Kazrine! Ginagawa ko ang lahat para sa kabutihan mo." Galit niyang sigaw sa akin.

"Quit loving him, Kaz." Singit ni mama at lumapit kay papa.

"Hindi niyo ako nilalagay sa mabuti! Lalo niyo lang ginagawang miserable ang buhay ko!" Umiiyak na sagot ko kay papa.

"Sisirain mo ang kinabukasan mo para sa lalaki na 'yun?" Tanong ni papa.

"Bakit hindi niyo nalang ako hayaang maging masaya?" Umiiyak na tanong ko.

"Hindi ka namin pinalaki Kazrine para talikuran mo at suwayin. Para saan pa ang pag-aaral mo kung ang pipiliin mo ay masama?" Tanong ni mama.

It was an argument between daughter and parents at ang sakit dahil wala akong kakampi sa bahay nato.

"Kailan pa naging masama ang magmahal?" Tanong ko kay mama at tinungo na ang daan  papunta sa kwarto ko. Pinunasan ko ang aking luha. Nagpalit na ako ng damit at nahiga. Pagkatingin ko sa orasan ng cellphone ko. Alas dose na pala ng gabi. Napahinga nalang ako ng malalim at natulog nalang.

Kahit kailan ang magmahal ay hindi naging masama dahil kapag nagmamahal ka, ginagamit mo ang pinakamakapang yarihang feelings/emotion sa buong mundo.

When you are in love, you are using the greatest power in the Universe.

////////////////////

Just A KissWhere stories live. Discover now