CHAPTER 23 √

56.8K 1.3K 83
                                    


HAZETH

Mabilis na lumipas ang mga oras, araw, linggo at buwan. Sa bilis nito di ko na namalayang malapit na ang pasko. Malapit na ang araw ng pagtatapos ng aking High School life.


Habang palapit ang araw na iyon ay di ko maiwasang di malungkot, matakot, mag alala at the same time matuwa.


Syempre, kapag natapos ang High school di naman impossible na di kami magkakalayo ng mga taong malapit sa akin, lalo na si Lyla. I heard sa ibang bansa siya mag aaral. Pero pinag-iisipan niya pa yun at the same time pinag-uusapan nila ni Charles. Baka daw sumunod si Charles dun.

But all in all its fine. Hanggat alam kong walang magbabago sa amin.

"Dwende! Wag mo pakialaman ang gamit ko!"

Well, except pala sa isang to. Alam niyo yun, habang tumatagal din ay may nagbabago sa kanya. Nitong mga nakaraan, he was too sensitive na ayaw niyang may nakikialam sa gamit niya.

Naging mas focus din siya sa practice na halos isang beses na lang kami magkita sa isang araw--yun ay kapag hinahatid niya ako pauwi. Naging mainitin din ang ulo niya at laging nakikipag one-on-one sa kanilang captain.

Napapadalas din na halos tatlong gabi sa isang linggo ay hinahanap sa akin si kapre ng mga Mama niya at lagi iyon pagpatak ng 11 ng gabi.

Kaya ako napipilitang lumabas ng bahay kasama si kuya para hanapin siya. Tapos matatagpuan namin siya na mag isang naglalaro sa isang court di kalayuan sa amin. Tapos kailangan ko pa siyang pilitin na umuwi na minsan ay umaabot pa sa sigawan. Pero in the end sumusuko naman na siya, yun nga lang sa bahay siya matutulog.

Buti nga eh mabait si papa kaya pinapagamit niya ang kwarto niya. Kahit naman okay ang relasyon ni Papa ay nawala pa ding matulog kami sa isang kwarto. May pagka-strict din kasi siya minsan. Kahit kay Kuya na alam naming matino ay di niya pinapayagang makitulog sa ibang bahay.

"Ang damot mo naman! Ang dami pa naman niyan eh!" Reklamo ko din ng agawin niya ang chocolate sa akin.

Andito pala kami sa court. At gaya ng dati nagpapractice na naman siya. Buti nga eh lunch break kaya wala akong pasok at wala din ang mga ka-team niya. At syempre, wala din yung manager nila.

Ewan ko lang ha, pero mula kasi ng nangyaring sabunutan namin ni Yvonne ay di ko na siya madalas makita. Nakakasalubong ko siya sa hallway pero mukhang pareho kami ng iniisip, umiwas sa isa't-isa.

I know ang sama ko sa ginawa ko sa kanya noon dahil nagpadala ako sa selos at inis sa kanya pero on the other hand, may kasalanan din naman siya di ba? Dahil kung di niya sana nilalandi ang boyfriend ko di yun mangyayari. Kung sana tinanggap nalang niya na di na siya gusto ng boyfriend ko.

And here I am again. Defending that boyfriend thingy again.

"What!? Eh wala na nga, inubos mo na kaya!" Binalibag niya yung bag niya kaya napangiti ako. Haha yan na eh init talaga ng ulo.

Ganyan siya magalit. Sisigaw tapos itatapon ang kung anong hawak niya. Tapos sisimangot at di yan kikibo kahit pagtripan ko. Madalas kinagagalit niya kapag pinagdidiskitahan kong kainin ang stock ng chocolate sa bag niya.

"Psh, here, dali subuan kita." alok ko at kumuha ng isang piraso.

Yumukod siya saka bahagyang binuka ang bibig. Nakangisi kong inilalapit roon ang chocolate pero sadyang gusto ko siyang inisin lalo, eh nung malapit na ang chocolate sa kanya ay bigla ko na lang itong isinubo. Ang nangyari para tuloy syang aso Wahahahahaha!

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon