CHAPTER 17: Almonte Family

60.8K 1.6K 54
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

"May tao nga!" Muling sigaw ni Jack kaya talagang napatakbo na ako sa itaas.

"Pa!" Tawag ko pagkapasok ko sa kwarto at makita si Papa na nakasilip sa ilalim ng kama. "Ano po ba—"

"Oh, ano to?" Takang tanong niya saka tumayo at humarap sa akin, ipinakita nito ang malaking panda stuff toy. "Ang laki naman neto. Saan mo ba to nakuha?"

Ba't napunta sa ilalim ng kama 'yang Panda na 'yan? Nasa kama ko 'yan kanina, ah!

"Hazeth?"

"H-ha? Kay. . . Lyla. . ." sagot ko saka kinuha ang panda sa kanya. 'Di ko pa napigilang mapahinga ng maluwag bago balingan ang batang pinsan ko. "Ba't ba kasi nandito ka sa kwarto ko?" Pagtatanong ko.

"'Yung laruan ko, eh! Tinago ni Jake!" reklamo naman sabay turo sa kapatid niya na nasa may balkonahe at tila may tinititigan na naman na kung ano.

Ang weird minsan ng isang 'yon.

"Mga batang 'to. Kala ko may akyat bahay, eh." Mahinang pahayag ni Papa, naiiling pa itong lumabas ng kwarto ko. Patakbo namang sumunod si Jack na nagsisigaw.

Napahinga naman ako ng malalim at napayakap sa stuff toy. Buti naman! Kala ko si Kapre na 'yong nakita ni Papa kanina. Pero speaking of Kapre,  saan ba nagtago ang lalaking 'yn? Patay talaga sa akin ang isang 'yon 'pag nakita ko.

Ibinalik ko muna sa dating pwesto sa kama ang stuff toy sa kama saka ko iginala ang ko mata sa bulong kwarto para hanapin siya. Pero wala akong nakita. Wala na din sa may balkonahe ang tsinelas niya

Umuwi na kaya 'yon?

Lalabas na ulit sana ako pero nahinto ako ng mahagip ng mata ko ang kapatid ni Jack na tahimik ma nakatayo sa tapat ng kurtina ng balkonahe. Tila ba may kung anong nakakuha ng atensiyon niya roon.

"Jake, what's wrong?" tawag ko rito. Lumingon naman ito ay sinipat ako pero kaagad ding ibinalik ang mata sa kurtina.

What?

"What a big guy." Biglang sabi nito saka nagpakawala ng ngisi bago hawiin ang kurtina. Kaagad namang nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang nasa likod niyon.

"Kapre!?" Bulalas ko nang makita siyang nakasiksik roon. Kagat ang sariling labi at bitbit ang kanyang tsinelas. "Akala ko ba umuwi ka na?"

Tumawa siya saka binalingan ang bata sa harap niya. "Ah, so you noticed me?"

Jake only stared at him for a few second before shrugging his shoulder and turning his back at him. "That's quite lame for you to hide in such an obvious place."

"Rude." Puna ni Kapre.

Lumingon naman ang bata sa kanya. "Trespasser."

"Brat." Giant counters only to receive an eye roll from Jake.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon