Chapter 9: Bestfriend
Kakatapos ko lang maligo at nagsusuklay palang ako ng buhok nang nagulat nanaman ako ng may magsalita.
"Hoy, yung manliligaw mo dun kanina pa nag-aantay."
I rolled my eyes after hearing that.
"FYI di ko manliligaw si Julian. "
"Alam ko. Sino ba naman ang magkakamali? "
"Ang sama neto!" Sinapak ko siya ng pabiro ng malapitan ko. Tumawa lang siya. "Dyan ka na nga!"
Iniwan ko na siay sa may kwarto at nagsimula nang bumaba ng hagdan. Nakikita ko na si Julian na nakaupo sa couch. Pero habang pababa ako, bigla nalang akong inakbayan ni Raven.
"Pasensya na nga pala bro kung natagalan kami ni Tammy sa paliligo. Nag-enjoy kasi kami eh "
Siniko ko naman siya sa may tiyan.
"Che! Magtigil ka nga! Kung anu-ano nalang lumalabas sa bibig mo! "
Hindi naman talaga kami magkasabay maligo ni Raven. Ayy teka, OO pala! Pero naligo ako sa CR sa taas, siya naman sa CR sa baba kung saan kami naabutan ni Julian na nagbabasaan kanina. Ewan ko ba kung ba't ganito 'to. Ang lakas makatrip kay Julian.
Patawa-tawa pa si Raven ng maupo siya sa tabi ni Julian. Ako naman naupo nalang sa couch sa harap nung dalawa.
"Julian, ba't ka nga pala napunta dito? "
Ang unusual lang kasi na andito siya samin. I mean, ilang years na kami magkapit-bahay pero ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya dito samin. What's up with this guy? He's acting so strange lately.
"Kasi nga nanliligaw siya. Ang hina talaga ng pick-up mo noh? Anak ka ba ng pagong? Ang slow mo eh! "
Tiningnan ko nanaman ng masama si Raven. Sumasabad sa usapan ng iba eh.
"Hulaan ko bro, may dala kang pagkain noh? Asan yung bulaklak? Chocolates? "
Ganito pala pakiramdam pag may umeepal sa usapan niyo noh? Nakakainis. Sobra! Now I know Next time makikiepal nga ulit ako kina Liz
"Bat naman magdadala ng pagkain dito si Julian? Di naman tayo pulubi para tumanggap ng pagkain diba?" Pinandilatan ko si Raven. Lumaki naman yung ngiti sa labi niya.
"Actually Tammy may dala akong Macaroni soup "
Tapos ayun, humagalpak na sa tawa si Raven.
"I'm sorry kung sa tingin mo pulubi ang dating niyo sa pagpapadala ni Mama ng Macaroni soup "
Uwaaaaaaaa. Earth, lamunin mo na ko o!
"Erm, di naman sa ganun Julian. Ano kasi.. Di ko alam na nagdala ka pala ng pagkain. Ahm, asan yung dala mo? Wala naman kasi ako nakita eh. "
"Dinala ko na sa Dining nung umakyat ka para maligo "
Amp! Kaya pala ang lakas makatrip ng isang 'to kasi may alam pala talaga siya. Arghhhhh!
"Ahh ganun ba? Salamat sa soup. Paborito yan ni Raven eh. I'm sure lalantakan niya na yan maya-maya lang. Nagpipigil na yan kasi andito ka pa eh " sabay irap kay Raven. "May sasabihin ka pa bang iba Julian?"
Ang rude ko pero tinataboy ko na siya agad.
"Ahh.. Wala na. Pakibalik nalang bukas yung lalagyan nung soup."
Tapos sinamahan ko na siya palabas ng gate.
"Salamat ulit dun ha? "
"Ahh wala yun. Nadamihan kasi ni Mama yung niluto niya kaya bigyan daw kayo. Sige, goodnight."
Tumango nalang ako at tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Isasara ko na sana yung gate ng bigla siyang humarap.
"O? "
"Ahm.. Ano yung.. " tapos napahawak siya sa batok niya. "Yung ginagawa niyo ni Raven kanina sa CR? "
Huh?
"Kasi---"
"What you see is what you get bro. " sabi naman ng nakatayong si Raven sa may pinto sabay subo ng Macaroni soup ata.
Teka, teka.. Di naman yun applicable sa situation na 'to ah. Pero ba't ganun? Parang pwede narin?
+ + +
Nung mga sumunod na araw, ganun parin. Lagi na kaming magkasabay pumunta ng school ni Julian. Lagi kasing nakaabang sa may gate eh. Alangan naman takasan ko. Eh wala naman kaming ibang gate eh. Well, mas gusto ko naman siyang kasabay kesa kay Raven noh na araw-araw naman ksinusundo si Liz.
Naglalakad ako ngayon sa may tabi ng daan papuntang bahay. Trip ko maglakad ngayon eh. Uwian na kanina pa. Galing akong Library kaya natagalan. Yung bwiset kasi na AP Teacher namin kung anu-ano pinapahanap sa Library. Wag daw masyadong magdepend at magtiwala sa mga information na na nanggagaling sa internet. Kaya ayan, pina-research kami sa mga minamahal kong libro sa library. Nakakayamot nga e!
BEEP! BEEP!
"AHHHHHHHHH!"
Di ko gusto mag ala-Knight in shining armor pero mukhang tinatawag ng panahon eh.
Napatakbo ako sa likuan na dadaanan ko palang sana. May estudyante dun na nakaupo sa gitna ng kalye habang may nakatigil na sasakyan sa harap niya.
"Miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ha? Abala na bata 'to! "
"Ahh pasensya na po " tapos mabilis niya na pinulot yung mga nahulog niyang gamit. Tinulungan ko naman.
Nang matapos kami sa pagpulot, tumabi na muna kami para paalisin yung sasakyan. Abala nga! Wooh!
"Ahh salamat Miss sa pagtulong sakin "
"Nah. Wala yun. Pansin ko lang same tayo ng uniform ah. Schoolmates? "
"Oo nga noh? Haha 4th year na ko. Ikaw din? Jiezel Jimenez nga pala. Jiezel nalang " tapos nilahad niya yung kamay niya.
"Nice meeting you Jiezel Oo 4th year din ako. Samantha Aragon nga pala. Just call me Tammy "
"Wow! Parang destined talaga na magkita tayo Grabe akala ko kanina mamatay na ko. Akala ko di ko na maaabot ang pangarap ko na makapagtapos hanggang college at magkaron ng sariling pamilya. Waaaaah. Akala ko huling araw ko na ngayon at makikita nalang ako ng mga kapamilya ko sa---"
Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya. Ang OA neto mag-isip. Advance masyado ang pag-iisip.
"Chill ka lang! Di ka naman namatay eh. Konting galos lang natamo mo dun. Buhay ka pa. Kaya wag mo na isipin yung mga sinasabi mong akala. Okay? "
Ngumiti naman siya. At nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"WAAAAAH. Utang ko sa'yo ang buhay ko. Salamat talaga Tammy ah. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa'yo. Ikaw na bestfriend ko "
Huh? That's a statement ha.
VOCÊ ESTÁ LENDO
To be Continued ^^ (On-going)
Ficção AdolescenteIf you're shopping for a happy ending and you couldn't find one, buy a box of To be Continued instead.
