Chapter 2: Raven in the house ^^

50 2 0
                                        

Chapter 2: Raven in the house

"Susmaryosep na bata 'to o! Akala ko naman kung ano na ang ginawa saiyo ni Brian." Nang mapansin ni Mama yung itsura ko na nakatalikod at nakatakip yung mga kamay sa mukha ko habang half-naked naman si Raven tapos naka-boxers lang, "Ano nga ba ang ginawa niya sa'yo? "

"I think na-starstruck lang siya sakin Tita. I better change na po. Masyado na siyang nakakalibre sa nakikita niya " tapos naglakad na siya papunta sa guestroom ng bahay namin.

Naiwan naman kami ni Mama sa labas ng CR. Hindi parin nagpprocess ng maayos ang utak ko. Hindi dahil sa nakita ko siyang half-naked kundi dahil sa idea na nandito siya sa bahay namin at nagffeeling na bahay niya rin. Ngayon ko lang din nga napansin na dala-dala pa pala ni Mama yung sandok. Sabi ko nga nagluluto siya ng dumating ako.

"Ma, diba si Raven Brian Sychingco yun? Anong ginagawa nun dito? Naputulan ba sila ng tubig kaya dito nakiligo satin? "

Napalo tuloy ako ng de-oras ni Mama sa ulo ng dala niyang sandok. Hinimas-himas ko nalang yung ulo ko.

"Baliw na bata 'to. Sakin siya binilin ni Suzy, yung Mama ni Brian na bestfriend ko. Bumalik kasi si Suzy ng Spain para alagaan yung Español niyang lola na may sakit. Wala naman nang ibang mag-aalaga sakanya dun kaya kinakailangan niyang iwan si Brian sakin."

Teka, teka...

Suzy? Nanay ni Raven na bestfriend ni Mama? O_O

Kay Mama hinabilin si Raven? O_O

Dito samin titira si Raven for.. God knows how long? O_O

Bakit.. bakit ngayon ko lang yan nalaman? O_O

"O, bat speechless ka dyan? Gwapo noh? Siguro crush mo si Brian noh "

Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ni Mama. Shemay naman! >:(

"Ma naman! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Ako magkakagusto dun?" sabay turo sa pinto ng kwartong pinasukan ni Raven kanina. "Fat chance."

Napalo nanaman tuloy ako ng sandok sa ulo.

"Fat chance ka dyan. Mga kabataan talaga, halata naman sa mga mata na may gusto dun sa tao deny parin ng deny Ewan ko sa'yo Samantha. Magpalit ka nga ng damit. Maconscious ka naman sa suot mo. May bisita tayong gwapo tapos yang itsura mo daig pa ang katulong "

Blah blah blah. Ano bang nakain ni Mama at ganyan siya magsalita ngayon?

Kitang-kita daw sa mga mata ko na may gusto ako kay Raven? Wooshoo. Si Mama talaga nagiging makata na. San naman kaya galing yun?

"Ma, yung niluluto mo I'm sure nasusunog na yun. Nyaha "

Bigla naman kumaripas ng takbo si Mama pababa sa kusina. Hahaha. Ayan kasi, kung anu-ano pinagsasabi. Kitang-kita sa mga mata. Psh. Walang kwenta!

Bumalik nalang ako ng kwarto at naisipang magpalit ng damit. Naka-shorts at sando nga lang diba kasi ako. Baka mapagtripan nanaman ako. Di pa naman ako ganun kapayat. Chubby nalang

Ayan, better Naka t-shirt at PJ's nalang ako.

Nasa harap nalang ako ng salamin ng magulat nanaman ako sa nagsalita.

"Hey!" Nasa may pintuan siya. Buti naman ngayon at nakadamit na siya. At take note, nagpalit nadin siya ng shorts

"Bakit ka naman nandito?"

Oo alam ko naman na alam ko na yung sagot sa tanong na yun pero.. Wala lang! Gusto ko lang itanong sakanya ulit. Ewan ko din ba kung bakit.

"You livin' here?" Wow naman! Sinagot niya yung tanong ko. Salamat ha! Sarcasm.

"Ayy hindi! Makikigamit lang sana ako ng CR kanina sa bahay na 'to eh. Naputulan kasi kami ng tubig. So, sainyo 'to? " Sarcastic ko pang pagkakasabi. Natawa naman siya.

"Nope But I'm livin' here. Starting this day Sabi pala ni Heaven only child lang daw siya. So, sino ka naman? Katulong nila? " Pumasok siya ng kwarto ko at naupo sa kama ko.

Asdfghjkl >.<

Nananadya ba 'to? Pramis namumuro na siya eh! >_______<

"Alam mo Raven, kung wala ka lang din magawang tama, makakalabas ka na sa kwarto ko. Badtrip na nga ako ngayong araw dahil sa'y----...."

Natigilan ako. Muntik ko nang masabi yung mga bagay na hindi ko dapat sinasabi kung kani-kanino lang. Lalo na sa harap ni Raven.  O____O

"Oops. Badtrip sa... ? "

Walanjo naman. Mas lalo tuloy siyang nagkainteres

"Wala! Ba't ko naman sa'yo sasabihin?"

Tinulak-tulak ko siya palabas ng kwarto ko habang tawa parin siya ng tawa sa inaasta ko nang biglang may tumunog na cellphone sa may higaan ko. Pareho kaming natigilan at sabay na napalingon sa may kama ko.

Yung cellphone niya pala. Nalaglag ata sa kama ko ng umupo siya.

And since ako naman yung pinakamalapit sa kama ko, naaninag ko kung sino yung tumatawag sakanya.

Liz Calling...

Dali-dali niya namang kinuha yung phone niya at sinagot pa talaga sa harap ko.

"Hey Liz! " tapos nagsimula na siyang lumabas ng kwarto ko.

Bigla akong nayamot pagkakita at pagkarinig ko nung pangalan ni ano Kalandian! Kakatapos palang ng 1sy day tapos nakuha na agad ang number? PBB TEENS?!

Nahiga nalang tuloy ako sa kama at tumingin sa kisame.

Yung taong kamukha ng lalaking minahal ko, makakasama ko na sa iisang bubong. Yung dating lagi kong sinusundan para mas makilala, ngayon mas makikilala ko na dahil sa sobrang lapit nalang namin. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman Gusto ko nga ba 'tong nangyayari dahil sa wakas ay magiging ka-close ko nadin yung lalaking kamukha ni... O malulungkot nalang dahil hindi naman siya si...

Ayynaku. I realized, sana pala di nalang siya dito tumira. Sabihin niyong panaginip lang 'to.

Sabihin niyo :(

To be Continued ^^ (On-going)Where stories live. Discover now