Chapter 7 - Locked-in ^^

20 1 0
                                        

Chapter 7: Locked-in

Buong oras na nag-byahe ako mag-isa pauwi ng bahay, puro si Julian lang naiisip ko. Not that I'm falling or having a crush on him. Pero dahil dun sa mga sinabi niya.

Pakiramdam ko may alam siya sa past ko eh

Pakiramdam ko alam niya yung buong kwento sa nangyari sakin dati

Hindi ko na alam  kung pano ako nakarating ng bahay at nakapasok ng sala dahil sa kakaisip dun. Nagulat pa nga ako sa tumambad sakin.

Sino pa ba?

Nakapamewang pa siya sa harap ko habang nakatingin sa wristwatch niya.

Ano nanaman ba ang trip nito?

"You're 2 minutes and 33 seconds late."

"Huh? "

"It's already 5:32 Missy. Curfew, remember? Pasalamat ka pinakiusapan ko si Tita na wag ka muna pagsarhan.  "

Aish! Oo nga! 2 minutes and 33 seconds akong late. Sabi niya nga! Akala ko pa naman mag-ddate pa sila nung Liz na yun. At buong akala ko pa, siya ang male-late ng uwi saming dalawa.

"Asan si Mama?" Nilagpasan ko lang siya pero hinawakan niya yung bag ko kaya nahinto ako.

"Umalis. May pinapabili kasi si Heaven, school stuffs."

Di ko naman pinansin ang sinabi niya. Kumbaga adlib ko lang yun.  Ayaw niya kasi bitawan ang bag ko kaya umikot ako paharap sakanya. He finally let go of it kaya dali-dali akong tumakbo paakyat ng hagdan.

Tingin ko gusto niya talaga ako makausap.

Err.. tungkol kaya sa ginawa ko nung lunch break?

Okay, takbo lang talaga Tammy papasok ng kwarto mo.

"Hey, hey! Why runaway? "

Di ko parin siya pinapansin. Sumunod siya sakin hanggang sa kwarto ko. Kahit hinihingal pa ko, nag-act parin ako ng normal. Na para bang wala akong tinatakasan na kung ano

Nilapag ko lang yung bag ko sa study table ko. Naupo naman siya sa kama ko.

Hoy! Magpapaliwanag ka pa sakin.

"Huh? Tungkol saan?" Playing dumb. 

Bumaba ako at pumasok ng CR para maghimalos. Pinalayo ko lang kahit may CR naman sa taas. Akala ko nga di na ko susundan. Pero ayun, sumunod pala sa loob.

"Hoy. pwede ba lumabas ka muna! Pano ako nito makakapagpalit?"

"Answer me first! Bakit ganun ka kanina kay Liz? " tapos sumandal siya sa likod ng pinto.

Liz nanaman. Lagi nalang Liz. Nakakasawa na pakinggan. Argh!

"Blah blah blah. Mamaya ko na sasabihin. At tsaka wag mong isasara yung---"

Nahinto ako.

Tapos lumingon kay Raven na nakasandal parin sa may..

sa may PINTO!

Sira yung knob nun eh!

Naitulak ko pa siya ng malakas para paalisin sa may pinto. Ni-turn ko yung knob ng ilang ulit.

"Anong ginawa mo?! "

"Bakit? Ano ba ginawa ko? "

"Sira yung knob! Tapos sinara mo yung pinto! "

"Really? "

Halata parin na di siya naniniwala. Tsk

"Try it yourself! "

Hinayaan ko naman siya mag-try buksan yung pinto. Pero dahil alam ko naman na sa kabilang side lang 'to mabubuksan, di narin ako umasa.

"Where's your phone? We need to ask for help. Tawagan natin or i-text si Heaven."

Kalmado lang siyang naupo sa may tub.

"Nasa kwarto ko yung phone ko."

Nag-panic na ko.

"Sumigaw nalang tayo. I'm sure maririnig tayo ni Heaven. Nasa taas lang naman yung kwarto niya."

"Well, nung umakyat tayo sa kwarto mo, nagpaalam sakin si Heaven na lalabas daw siya. Pupuntahan yung kaklase niya sa kabilang kanto."

Habang sinasabi niya yun, lumalaki na ata yung mga mata ko.

"So I guess hintayin nalang natin na dumating si Tita o si Heaven para pagbuksan tayo. We're locked-in "

Eto na talaga. Nag-panic na ko. For real.

Locked-in?

with Raven?

Sa CR?

OH NOOOOOOOOOOOOOO~!

To be Continued ^^ (On-going)Where stories live. Discover now