Chapter 4: Julian's the name ^^

48 2 0
                                        

Chapter 4: Julian's the name

"Kelan pa kayo close ni Ate? " tanong naman ni Heaven. Nasiko tuloy siya ng de-oras ni Mama.

Nyaha. Kawawang Heaven

"O hijo, ikaw pala ang kasabay ni Tammy. Since when? "

Ngeks. Isa pa 'to si Mama. Inenglish lang. Kung di lang din ako nagulat sa pag-eksena nitong kapitbahay namin, malamang kanina pa ko tumawa dito. Pero teka, tama naman sina Mama at Heaven eh. Di ko naman ka-close 'tong kapitbahay namin. Minsan na nga ako tinawag na balyena eh. Tapos ngayon, FC ulit?

"Ngayon lang po. Tutal mag-isa lang din naman ako papuntang school "

Gwapo pala siya. Noon kasi pag nakikita ko yan na nasa labas ng bahay nila, di ko naman nililingon. At tsaka di rin naman ako pala-labas. Kasi nga sobrang taba ko dati.

Naisip ko naman, tutal may gwapong nag-aaya sakin, baka mapagselos ko 'tong si Raven Kaya lang paglingon ko sakanya, sa cellphone niya naman nakatuon ang pansin niya. Wala man lang paki sa eksena ngayon samin

Teka, anong selos selos pinagsasabi ko? San naman galing yun?! >______<

"Ma, alis na po kami ni Jilian >_____< " tapos hinila ko na siya palayo ng bahay namin. Kainis eh!

"Hey, hey! Awat na Tammy."

Napabitaw naman ako sakanya. Humigpit pala yung pagkakahawak ko sa ka may niya. Namumula na tuloy

"Ahh.. Sorry Jilian.. Baka kasi ano... :| " Napakamot naman ako ng ulo habang mabilis na nag-iisip ng alibi. "Ma-late na tayo."

Bahagyang natawa naman siya sa sinabi ko.

Teka, wala naman dun nakakatawa ah! O______O

"Halos 30 minutes pa bago ang time. Pag sumakay na tayo ng jeep, makakarating tayo dun ng 10 minutes before ng bell. Kaya hindi tayo male-late. I'm sure of that." Tapos ngumiti siya. "Dahil ba 'to kay Raven? :) "

Ampupu naman. May point nga naman siya. Bat kasi yun pa ang naisip kong palusot eh. Asar! >.<

Pero teka, ano daw yung sinabi niya? Dahil kay Raven? Bat naman napasok sa usapan ang walanghiyang Asdfghjkl na lalaking yun? >.<

Wala akong maisagot kundi, "Uy tingnan mo yun o!"

May bigla naman akong tinuro na kung ano lang. Pang-Change Topic lang ba

Kaya lang nung biglang tumawa 'tong katabi ko, tsaka ko lang din narealize kung ano nga ba yung tinuro ko.

A teenage girl and guy kissing.

O_______O

Charot! De joke!

Ang totoo nyan, yung naituro ko pala eh isang lalaking high school student din ata na pilit inaagaw yung dala nung babae pero ayaw naman ibigay nung girl. Sweet!

"Kung anu-ano pa tinuturo mo dyan eh. Gusto mo lang pala ipadala ang mga gamit mo sakin. Akin na nga " tapos bigla niya sakin inagaw yung dala kong paper bag.

Teka, teka.... o_O

"Hoy akin na nga yan! " Pilit ko naman kinukuha sakanya pero bigla siyang tumakbo palayo.

Argh! Honestly, bat angulo ng takbo ng utak ng mga lalaki?

"Jilian naman eh! Ibalik mo na nga sabi yan!"

Ngumiti lang siya sakin at biglang sumakay sa jeep na huminto malapit sakanya. Teka, eh andun sa paper bag ko yung wallet ko eh!

Napatakbo tuloy ako ng de-oras para maabutan yung jeep. Buti nalang inantay ako. Or pinaghintay ni Jilian.

Magkalayo pa kami ng upuan kaya sumesenyas nalang ako sakanya na ibalik na yung paper bag ko para makabayad na ko. Ngumingiti lang siya sakin at bigla akong tatalikuran para di ko na siya makausap.

At hanggang sa nakarating na kami ng school, di niya na ko nilingon pa. At worst, di ako nakabayad sa jeep Ayaw ko pa nga bumaba eh pero hinila na ko ni Jilian. Abala daw kasi ako eh.

"O, bat nakabusangot ka dyan? "

Blah blah blah. Pangiti-ngiti pa 'to pagkatapos niya ko di pagbayarin dun sa jeep Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko dun sa driver. Naghihirap siya mamasada araw-araw para sa pamilya niya tapos may mga pasahero na di magbabayad? I really felt bad about it

"Bat ba ganyan kayong mga lalaki, pagkatapos niyo gumawa ng kasalanan, sa mga babae niyo isisisi? "

Mukha naman siyang nagtaka sa sinabi ko. Whatda! Wag niya sabihing di niya napansin na di ako nagbayad?

"Bakit ba ganyan kayong mga babae, pagkatapos gawing obvious sa mga lalaki ang mga gusto niyong mangyari, ngayon naman magpapakipot pa? "

Ano daw?

"Pakilinaw lang tsong Jilian yang pinagsasabi mo. Angulo eh! Tsaka yung paperbag ko, pakibalik na."

"See you nalang sa room niyo. Dun ko 'to ibabalik sa'yo. Btw, kung ang pinuputok ng butsi mo eh yung idea na di ka nakapagbayad, don't worry, bago ka pa sumakay nagbayad na ko para sating dalawa. And, it's not Jilian. Julian's the name."

Bago pa ko makapagsalita tumakbo na siya papasok ng campus.

Bigla naman akong natigilan sa inasal niya. Kung si Raven eh kahawig ni ...  Si Julian naman eh kasing-ugali niya. Bat ganun?

Maglalakad na sana ako papasok ng gate ng may biglang humawak sa balikat ko. Si Raven.

Na kasama si Liz.

"Hey Tammy, umagang-umaga nakabusangot ka dyan. Smile " tapos ginulo niya yung buhok ko at pumasok na ng gate. Naiwan naman sa tabi ko si Liz na instant celebrity kahapon dahil kay Raven.

"Hay. Ang laki talaga ng problema ng mga babae noh? Halata naman na gusto, pakipot pa " tapos naglakad narin siya papasok.

Teka, teka.. Pinaringgan ba ko nun? Hindi ko ata gusto ang tabas ng dila ng babaeng yun ah! >______<

To be Continued ^^ (On-going)Where stories live. Discover now