Chapter 5: Lunch break Drama
Elizabeth "Liz" Gimenez
Lagi nalang yan ang bukambibig ng mga lalaki dito sa classroom. Gaya nga ng nasabi ko, instant celebrity siya dahil sa pagbigay sakanya ng atensyon ni Raven.
Pasalamat nalang nga ako ngayon dahil lunch break na. Naku, natatapos palang ang kalahating araw ko sa school pero pakiramdam ko isang linggo na ko dun nakatambay. Argh!
Habang pumipila sa may Canteen para bumili ng makakain, may biglang tumayo sa tabi ko.
Si Jilian pala. Este...
"O, Julian."
Ang awkward lang sabihin ng pangalan niya. First time eh. Dyahe. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko sa di ko malaman na dahilan.
"Hi Tammy! Wala kang kasabay?"
Napatango naman ako sakanya.
"Wala din akong kasabay eh. Kung gusto mo tayong dalawa nalang tutal...."
Salita pa siya ng salita pero halos wala nang pumapasok sa tenga ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Nung ma-realize ko lang na yung mga acyions niay eh hawig ng kay... Pakiramdam ko yung sarili ko na mismo yung nagsasabi na bawal ako sakanyang magalit. Na bawal ko siyang kontrahin. Na dapat ko siyang pansinin.
"Hey Tammy! "
EARTH TO TAMMY!
Natigil yung pagtutunganga ko sa harap ni Julian.. Natigil din si Julian sa pagsasalita. Pati na yung ibang estudyanteng kumakain dito sa Canteen.
Bakit ba ganito 'tong si Raven? Walang modo?
"O? Yun nalang nasabi ko.
Magka-table pala sila ni Liz. Ayun, Liz nanaman. Nairita nanaman tuloy ako.
Bigla nalang siyang tumayo at hinila ako papunta sa table nila. At pinaupo.
Pahingi nga ng dictionary na makaka-spelling ng utak ng lalaking 'to! Handa akong magbayad ng kahit magkano!
"Wala ka naman kasabay diba? Samin ka nalang ni Liz sumabay. And sa'yo na 'tong pagkain ko. Di ko pa naman nagagalaw. Wag kang maarte dyan! Bibili nalang ako ng bago. " tapos lumingon siya kay Liz. "You don't mind Liz, do you?"
Napalingon naman ako kay Liz na halata mong hindi nagugustuhan ang inaasal ni Raven. Pero imbes na mag-retort siya, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kay Raven.
Napairap nalang ako ng di sadya.
"Fine with me Raven " tapos lumingon siya sakin. "Kawawa naman kasi 'tong si Samantha, walang may gustong sumabay sakanya "
Nag-flinch ako pagkarinig nung pangalan kong Samantha. Pakiramdam ko nung binanggit niya yung pangalan ko eh nagsasalita siya na parang kilala na niya ako. Matagal na. Pero mas napansin naman ng utak at tenga ko yung pang-aasar na sinasabi niya sakin.
"May gunting ka?" Yun agad ang nasabi ko sakanya.
Ang sarap nga kasi putulin ang dila niya
"San mo naman gagamitin? May puputulan ka ng buhok? "
"Oh! you just gave me an idea! Balak ko sana putulin yung dila niya eh. Pero tingin ko mas maganda yung idea mo. What d'you think? "
Balak ko talaga sana eh yung putulin ang dila. Pero ang talino pala neto! Mas magaganda yung mga naiisip niya
"Hoy Tammy, napakasadista naman neto. Ang aning mo talaga noh? Lakas ng trip mo " tapos ginulo niya yung buhok ko.
"Heh! Manahimik ka nga dyan! Nagsalita ang anghel "
"Aba, anghel talaga ako. Bakit, anong akala mo sakin?"
Napansin ko naman na OP na pala si Liz samin. Ayun, tuloy lang kami sa asaran ni Raven. Bakit, akala niya titigil ako?
"Hey Raven, ako nalang bibili ng food mo. Diba fave mo ang adobo? Yun nalang ibili ko sa'yo."
Umeepal po si Ms. Heartthrob. Trying hard sumingit sa moment namin ni Mr. Heartthrob
"Well..."
"Actually Raven likes papaitan. You know that? Yung kambing? "
Napatingin naman sakin si Raven na may halong pagtataka. Sorry Raven, naiirita kasi ako dito sa babaeng gusto mo.
Trying hard parin si Liz wag pansinin ang presence ko.
"Erm.. What's your favorite color?"
Nagulat naman ako. Ulam na bibilhin yung topic tapos napunta sa paboritong kulay? Hahaha
"It's orange!" Ako nanaman yung nagsilbing spokesperson ni Raven.
"Tammy---"
Di na ko paawat sakanila.
"Mahilig din siya mag-collect ng stuff toys. Worst habit niya ang pagkagat sa kuko niya. Paborito niya panoorin si Timmy na sheep. At ang pinakaayaw niya daw sa babae eh yung mahilig mag-make up "
Lahat ng sinabi ko puro kasinungalingan ata. Eh wala naman talaga akong alam tungkol kay Raven diba?
"Oops. I lost my appetite. Alis na ko Raveh ha? " tumayo na ko nun.
"Nga pala, pinapasabi ni Mama na ang curfew sa bahay eh 5:30. Uwi ka ng maaga ha? Baka ma-lock-an ka ng gate tapos lumingon naman ako kay Liz. "Kung may gusto ka pa nga pala malaman tungkol kay Raven, just ask me. Aryt? Sige, enjoy your food nalang "
Di ko na hinintay pa ang reply nilang dalawa. Dali-dali na kong lumabas ng Canteen.
Ano ka ngayon Liz? >:D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sareeh nga pala kung di ko na na-edit o kaya nalagyan man lang ng emoticons. Copy-paste lang 'to from CC. Tinatamad ako e ^___________^
YOU ARE READING
To be Continued ^^ (On-going)
Teen FictionIf you're shopping for a happy ending and you couldn't find one, buy a box of To be Continued instead.
